Sheena's Point of View
Nahihilo pa din ako.
Tsaka, bakit sya andito? Baka sinama sya ni Manager Jin?!
Dibale, matulog na nga para mawala ang hilo.
Lumipas ng kalahating oras ay hindi pa din ako makatulog. Mukhang mahihirapan pa din ako makatulog dahil sa hilo. Kailangan ko uminom ng gamot.
Kaso, andoon pa si Miyuna sa kanyang asawa.
Pupuntahan ko na lang si Manager Jin para makahingi ng gamot.
Pinilit kong bumangon, at tumayo. Hanggang ngayon nahihilo pa din ako. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako na nasa harapan ko si Kenshin.
"K-kenshin?" gulat ko.
"Magpahinga ka muna." sabi nya, at kinarga nya ako.
Pinahiga nya ako ulit sa kama, at pinainom nya ako ng gamot.
"Hindi ko aakalain na makakatakbo ka pa sa sitwasyon mo." sabi ni Kenshin sa akin.
Hindi ako umimik.
"Kaya hindi mo ako pinapansin dahil hindi kita hinawakan?" tanong nya sa akin.
"A-anong pinagsasabi mo?!" tanong ko sa kanya.
T-totoo naman yung sinabi nya, pero nahalata nya?
"Alam mo kung paano ka makakatulog agad? Makakatulog ka lang kapag nagawa natin iyon." sabi nya, at hinalikan nya ako.
Habang tumatagal ang halikan namin ay hindi ko namamalayan na hinuhubaran na nya ako.
"K-kenshin." tawag ko sa pangalan nya.
"Wag kang magalala." bulong nya sa akin, at hinalikan nya ako sa leeg, at nagsimula na syang gumalaw.
Kinaumagahan.
Habang naghihilamos ako ng mukha ay naisip ko na plano yata ni Miyuna na palapitin kami ni Kenshin para magusap kami. Nakakainis sya, pasalamat ako na hindi sya pumunta dito.Hanggang ngayon, naaalala ko pa kagabi yung pagmumukha ko habang nagtatalik kami ni Kenshin.
"Nakakainis." sabi ko na lang.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako na hinila ako ni Kenshin pahiga sa kama.
"Magandang umaga." bati nya sa akin.
"Itigil mo nga yan." inis na sabi ko.
"Bakit? Hindi ka ba satisfy kagabi? Gusto mo ba ng pangalawa?" tanong nya sa akin. "Tsaka, habang nagtatalik tayo hindi ko maiwasan na titigan ka habang ginagalaw kita, pulang pula ang pisngi mo, at--"
"Ahhhh! Itigil mo 'yan nakakahiya!!" sigaw ko, at napatakip ng mukha.
"Bago muna tayo mag almusal ituloy natin ang naudlot na gabi." bulong nya sa akin, at hinalikan nya ang aking leeg.
Lumipas ng kalahating oras.
"Bakit ang tagal nyo?" tanong ni Miyuna sa akin.
"Nasobrahan kami sa tulog." sabi ko. "Tsaka, hindi na ako nahihilo." sagot ko.
"Ahhh.. Buti naman, dahil ba kay Kenshin iyon?" tanong nya sa akin.
"H-huh?!" gulat ko.
"Tsaka, may kiss mark ka sa leeg mo. Mukhang maganda ang gabi mo." asar sa akin ni Miyuna.
"Miyuna, tara na." yaya ng asawa nya.
"Magalmusal na muna tayo."
Pagkatapos namin magalmusal ay nagpunta kami ni Kenshin sa isang Souvenir Shop.
"Sabi ni Miyuna, ang Lolo, at Lola mo na nag alaga sayo. Tapos yung magulang mo namatay sa isang aksidente?" tanong sa akin ni Kenshin.
Miyunaaaaaa.
"Oo, kaya kapag natapos ang isang linggong bakasyon sa resort na ito. Balak ko na puntahan sila doon, at ipakilala kita. Kaso nga lang, baka maalala ka nila dahil sa nangyari. Baka mabaril ka pa ni Lolo." asar ko sa kanya.
"Naku, nagbago na kaya ako." sabi nya.
"Pero, ginagawa pa ding reference ang katawan ko." sabay yakap ko sa aking sarili.
"Dati lang 'yon, pero habang tumatagal--"
"Itigil mo 'yan."
"Pero, kahit hindi mo natupad ang pangarap mo.. ako naman ang nagtupad sa pangarap mo." sabi nya.
Ang Kenshin na nakilala ko, isang bully, at nananakit ng kapwa estudyante. Na makilala ko sya ng lubusan, ay mabait pala.
"Ano pala nagustuhan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Katawan mo."
"Sabi ko na eh!" sigaw ko sa kanya.
"Hahahaha! Biro lang!"
-End