Mina's Point of View
Habang nagluluto ako ng almusal ay narinig ko yung pagkatok ng pinto sa labas. Baka si Banryuu na ata 'yon, sya lang naman yung unang taong pumunta sa bahay ko.
Pagkatapos kong magluto ng almusal ay agad kong pinuntahan ito, at binuksan ang pinto. Medyo nagulat ako na may dalang bata si Banryuu.
"Anak mo sa labas?" tanong ko sa kanya.
"M-magpapaliwanag ako." pangiti-ngiti nya na sabi.
Pinapasok ko sya sa loob, at kinuwento nya sa akin ang lahat.
"Inampon ng Papa mo, tapos ikaw magaalaga?" gulat ko.
"Tama ka." sagot nya.
"Papa, sino sya?"
PAPA?!
"Sya magiging Mama mo Keisaku." sabi nya.
"M-mama?!" gulat ko.
Lumapit yung bata sa akin, at niyakap nya ako.
"Ikaw magiging bago kong mama?" tanong nya sa akin.
"Oo." sagot ko. "Banryuu!" sigaw ko sa kanya.
"Mukhang magkaka-problema kayo sa pagbantay sa bata na 'to."
"Mao, p-paano?!" gulat ko.
"Syempre, nakabukas lang yung pinto mo hindi mo man lang isinara." sabi nya. "Ako magaalaga sa kanya." sabi nya.
"Sya naman ang Tita mo." sabi ni Banryuu.
"Total parehas kayo ng trabaho ay ako magbabantay sa kanya, at ako bahala sa paghatid, at pagsundo nya sa pagpasok." sabi ni Mao, at nilapitan nya yung bata.
"Tama yung sinabi mo, maaasahan talaga kita pinsan." sabi ni Banryuu kay Mao.
Pagkatapos namin pagusapan ang tungkol kay Keisaku ay andito pa din ako sa Living Room, nakaupo, at nagiisip dahil isa na akong Mama.
"Pasensya na kung ginulat kita tungkol kay Keisaku." sabi ni Banryuu, at tumabi sya sa akin."Ano ba ginagawa ng isang ina?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm.. Ikaw magbibigay sa kanya ng payo kapag may problema ang iyong anak, at susuportahan mo sya sa mga gusto nya." paliwanag ni Banryuu.
"Magiging ina ako na hindi man lang nabubuntis." sabi ko.
"Oi."
"Banryuu, baka titigil ako sa trabaho." sabi ko. "Naiintindihan ko ang sitwasyon ni Keisaku, parehas kami ng pinagdaanan noong bata pa ako." dagdag ko.
"Kung 'yan desisyon mo, susuportahan kita." sabi ni Banryuu.
"Tsaka, ayoko maging katulad ka nyang basagulero."
Kinagabihan.
Habang kumakain kami ni Keisaku ay napansin ko na nakangiti sya habang kumakain."Mukhang masaya ka ah, may nangyari ba?" tanong ko sa kanya.
"Masaya ako dahil magkakaroon ako ng pangalawang Mama, alam nyo po kaugali nyo si Mama sobrang bait nya po. Kaso nasa langit na sya, kinuha na sya." malungkot nya na sabi.
"Alam mo ganon din ako dati, pero nilabanan ko iyon." sabi ko.
"Andoon na din ba sila kasama ni Mama?" tanong nya.
"Oo." sagot ko.
Makalipas ng ilang oras ay tapos na kaming kumain, at dumiretso nang natulog si Keisaku. Pagkatapos kong maligo ay napansin ko na may kumakatok sa pinto, kaya nagmadali ako para pagbuksan ang pinto.
"Banryuu." tawag ko sa pangalan nya, at napatingin ako sa hawak nyang bag.
"Simula sa araw na ito dito na ako mananatili." sabi nya.
"Ha?!" gulat ko.
"Ayoko kasing pabalik-balik sa amin, kaya naisipan ko dito na ako mananatili." sabi nya, at inilapit nya ako sa kanya. "Tsaka, gustong-gusto na kitang makatabi sa kama." bulong nya sa akin.
"Basta walang mangyayari sa atin. Hindi pa tayo kasal." sabi ko sa kanya.