Sheena's Point of View
Pagkatapos ng kasal sa simbahan ay dumiretso kami sa Kuusuo's Hotspring dahil doon ise-celebrate ang kasal ni Miyuna, at ang kanyang asawa.
At ang weird ay kasama ang kapatid ni Manager Jin.
W-wag lang ako magpapahalata na napansin ko sya.
"Masaya ako sa kasal ng kaibigan ko." sabi ko.
"Ako din, tsaka ang laki ng binago ni Miyuna. Hindi sya ang dating kilala ko na mag-oovertime sya sa trabaho, hindi nya napapansin ang anak dahil naka-focus sya sa trabaho. Salamat, at nakilala nya ang lalakeng para sa kanya. Ramdam ko na mabait ang lalake na 'to kesa sa akin." sabi ni Manager Jin sa akin.
"Obvious naman eh."
"Ang harsh mo naman." malungkot na sabi ni Manager Jin, at napatingin sya doon sa may babae. "S-si, Sanae!" sigaw nya, at pinuntahan nya ito.
Iyon ba yung babaeng gusto nya?
Mukhang lalake.
Bakla ba sya?
Pagkatapos ng celebration ng kasal ay dumiretso na ako sa kwarto. Ayoko na mangyari yung nangyari sa Reunion, sinukahan ko ang kaibigan kong babae noong pauwi na kami.
Tsaka, magpapalit na ako ng damit.
Maghuhubad na sana ako ng damit na nagulat ako na may nagbukas ng pinto. Ang nagbukas ng pinto na iyon ay ang kapatid ni Manager Jin.
"O-oi, kumatok ka nga bago pumasok!" sigaw ko sa kanya.
Hindi nya ako pinansin, pumasok na sya sa loob, at sinara na nya ang pinto.
"Diba kasama mo yung kapatid mo sa kabilang kwarto?!" tanong ko sa kanya.
"Ayokong makasama sya sa pagtulog. Gusto ko ikaw makasama ko sa kwarto na ito." sabi nya, at hinatak nya ako papalapit sa kanya.
"A-anong gagawin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Total, maghuhubad ka na din ng damit ay gawin na natin iyon." sabi nya.
"A-anong gagawin.. B-baka--"
Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nya akong hinalikan.
"Mukhang nagustuhan mo ang halik ko." sabi nya, at pinahiga nya ako sa futon.
"I-itigil mo ito." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ayoko, kailangan ko ito para sa reference." sabi nya.
R-reference?!
"Hindi ka ba nanonood ng ****? Diba lalake ka naman?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ako nanonood ng mga ganon. Gusto ko aktwal gawin iyon." sabi nya, at hinalikan nya ulit ako.
B-bakit nangyayari ito sa akin?!
Pagkatapos nya ako halikan ay nagulat ako na nakahubad na ako, pati din sya.
"Sabihin mo lang kapag masakit." bulong nya sa akin.
Kinaumagahan.
Paggising ko ay nagulat ako na katabi ko sya, nakahubad sya, p-pati din ako!
G-ginawa nga talaga namin iyon, akala ko panaginip lang iyon.
Tsaka, ang init nya. Niyakap ko sya dahil ang init ng katawan nya. First time ko makayakap ng lalake.
Anong gagawin ko, sa dinami-dami ng lalake sya pa nakakuha ng aking pagka-babae.
Bumangon na ako para magbihis na ng damit. Ginising ko na din sya, baka magkaroon ng kutob si Manager Jin ng kung ano sa aming dalawa.
Tsaka, sana hindi malaman ni Manager Jin na may nangyari sa aming dalawa.
Feeling ko hindi naman sila magkasundo eh.
Pagpunta namin sa Dining Hall ay nakita ko si Manager Jin na kausap ang mag-asawa. Hindi na pala Azuna ang apilyedo ni Miyuna. Miyuna Kuusuo na sya ngayon.
"Tita Sheena." tawag sa akin ni Miumi.
"Miumi." tawag ko din sa kanya, at kinarga ko sya.
"Mahilig ka din pala sa bata."
Nagulat ako na nasa tabi ko na sya. Hindi ko pa din makalimutan yung ginawa nya kagabi. Anong gagawin ko, sigurado hindi na nya ako tatantanan pa.
"Kenshin, saan ka nagpunta kagabi hindi kita nakita ah." pagaalala ng kapatid nya sa kanya.
"Alam mo naman gawain ko Kuya kapag pupunta tayo sa ibang lugar diba?" palusot nya.
"Kahit na!"
Haist.. Matigas din pala ang ulo ng lalakeng ito. Pero, mas mabuti na hindi na lang alamin ni Manager Jin ang nangyari kagabi.
"Sheena." tawag sa akin ni Miyuna.
Dibale, kalimutan ko na lang iyon. Tsaka, gagawa ako ng paraan para maiwasan ko ang lalakeng iyon.