Alone Person - Chapter 12

1 0 0
                                    

Mina's Point of View


Dito muna ako sa Akehito Household, kahit kailan nakakatakot pa din ang aura dito dahil sa mga nagbabantay sa lugar na ito. Si Keisaku ay nakipaglaro sa kanyang pinsan na si Yuuichi, ako naman ay nasa sala's kinakausap ako ngayon ng kanyang Mama.


Natatakot ako, matagal-tagal na din hindi ako nakikipag-usap sa mga matatanda.


"Medyo nalulungkot ako, minsan na lang umuwi ang anak ko sa aming bahay." sabi ng Mama ni Banryuu.


"Ah.. eto.."


"First time ko lang makita ang anak ko maging seryoso sa babaeng katulad mo." sabi pa nya.


"M-may nagustuhan na po ba sya na mga babae dati?" tanong ko sa kanya.


"Yung mga babaeng pinapakilala namin sa kanya dati ay hindi nya gusto, pare-parehas lang na ugali na pinapakilala na mga babae sa kanya." paliwanag nya, at uminom ito ng kape.


"Ah ganon ba?" tanong ko.


"Wag kang magalala iha, kung ano ang desisyon nya ay payag naman kami ng asawa ko." sabi nya.


"Ah eto.."


"Wag kang mahiya anak, magsabi ka lang kung anong gusto mong sabihin." sabi nya.


"E-eto, pwede ko po ba kayong tawaging Mama?" tanong ko sa kanya. "K-kasi--"


"Pwede, total magiging asawa ka na ng aking anak ko. Tsaka, sinabi din ni Ban yung nangyari sa'yo." sabi nya, at lumapit sya sa akin para yakapin ako.


"Alam mo noong bata pa ako ay nawalan din ako ng magulang, namatay sila sa Plane Crash. 


Tapos, kinupkop ako ng leader ng Akehito, at nagdesisyon na magpakasal kami ng kanyang anak." kwento nya.


Pagkatapos namin magusap ay saktong dumating si Banryuu. Agad syang lumapit sa akin, at niyakap nya ako ng mahigpit.


"Mina, ayos ka lang wala bang ginawa sa'yo si Mama?!" pagaalala nya sa akin.


"Umayos ka ah, kinausap ko lang ang magiging asawa mo." sabi ng kanyang Mama, at binatukan nya si Banryuu.


"A-aray Mama naman, sa harapan pa talaga ni Mina." reklamo nya.


Pinigilan ko lang na tumawa sa mga oras na ito.


Naalala ko na hindi pa ako nakita ni Banryuu na tumawa o ngumiti sa kanya.


Kinagabihan.


Pagkatapos kong patulugin si Keisaku ay saktong pagpasok ni Banryuu sa kanyang kwarto. Tumabi na din sya kay Keisaku, at humiga na ito.


"Mina." tawag nya sa akin.


"Bakit?" tanong ko sa kanya.


"Tumawa ka naman." sabi nya.


"Matulog ka na lang." sabi ko sa kanya, at humiga na ako para matulog.


Kinaumagahan.


Paggising ko ay nakita ko na may pusa na nakahiga sa mukha ni Ban. P-paano nakakahinga ng maayos si Ban sa sitwasyon nya?


"Pfff.." pagpigil ko ng tawa. "B-ban." paggising ko sa kanya.


Agad nya kinuha yung pusa na nakahiga sa kanyang mukha, at tinitigan nya ng masama ito."Ikaw Nero, may higaan ka naman sa mukha ko pa talaga." inis na sabi ni Ban sa pusa, at napatingin sya sa akin.


"May problema ba sa akin?" tanong ko sa kanya.


"Parang narinig kitang tumawa?" sabi nya.


"Ahh ganon ba?"


"O baka panaginip ko lang." sabi nya.


Mabuti naman na panaginip mo lang 'yon.


"Pfft.. P-paano ka nakakatulog sa ganyang sitwasyon, buti nakakahinga ka pa." sabi ko.


"Sanay na ako, noong Middle High School pa lang ako ay ganyan na ginagawa nya sa akin." paliwanag nya, at hinila nya ako palapit sa kanya. "Natawa ka ba?" tanong nya sa akin.


"H-hindi ah." kunwari ko.


"Tumawa ka eh." sabi nya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now