Tsugi's Point of View
"Ako ang magiging representative sa Parent's Day ni Miumi." sabi nya sa akin.
"Kung 'yan sabi mo." sabi ko.
"H-hindi ka ba magrereklamo?" tanong nya sa akin.
"Hindi ko kailangan magreklamo, kung ano ang desisyon mo susundin ko." sagot ko sa kanya, at nagwalis ulit ako.
"Ang weird mong lalake." sabi nya.
"Weird na kung weird." sabi ko.
"Mama, Papa, aalis na po ako." pagpaalam ni Miumi sa aming dalawa.
"Ingat ka, tsaka si Mama ang makakasama mo sa Parent's Day." sabi ko.
"Talaga, yehey!" masayang sabi nya, at nagmadali syang lumabas ng gate.
"Haha.. Parang ako lang noong bata ako." natatawa nyang sabi.
First time ko lang sya nakitang ngumiti ng ganyan.
"Papasok na ako sa trabaho, tsaka manatili ka na lang dito." sabi nya, at umalis na sya.
Naalala ko, sa susunod na linggo aalis na pala ako. Pagkatapos kong magwalis ay nagulat ako na nasa labas ng gate si Master Kishi.
"M-master?!" gulat ko.
"Yo, mukhang nagustuhan mo na dito ah." sabi ni Kishi.
"Eh, ang ganda ng bahay ng asawa mo." sabi ni Ms Nikki.
"Sabi ko sa inyo hindi ko asawa yun." sabi ko, at nilapitan ko sila..
"Doon din naman patungo iyon. Tsaka, may sasabihin ako sa'yo." sabi ni Tsugi. "Papatalsikin na kita sa pagiging Butler ng Nishikawa Residence." masaya nyang sabi.
"Eh, ano?!" gulat ko.
"Maghahanap ako ng kapalit mo, tsaka napansin ko na mukhang nagugustuhan mo na sa lugar na ito." sabi ni Kishi.
Bigla akong nalungkot, ilang taon ako nagsilbi sa Nishikawa Residence.
"Tsaka, ako bahala sa gastos kapag magpapakasal kayo. Tsaka, ito yung huling sweldo mo." sabi ni Kishi, at binigay nya ang sobre.
"Sigurado ka ba dyan?" tanong ko.
"Syempre, ayoko maging matandang binata ang matalik kong kaibigan. Tsaka, hindi ka nagsasabing may na-one night stand ka dati. Nakakainis ka." sabi nya, at binatukan nya ako.
"Aray."
"Tsaka, sa susunod na linggo may business trip ako. Balak ko dito manatili si Nikki dito kung ayos lang sa babae mo." sabi nya.
"Itatanong ko sa kanya."
Kinagabihan.
"A-anong sabi mo?!" galit nya na sabi.
Sabi ko na, hindi sya papayag.
"K-kung ayaw mo, hindi kita mapipilit." sabi ko, at kinarga ko si Miumi.
"Sige, papayag ako. Tsaka, sabi mo buntis sya ng ilang buwan diba? Maiku-kwento ko sa kanya mga naranasan ko noong buntis ako." sabi nya, at kinuha nya si Miumi sa akin. "Akin na nga si Miumi." dagdag nya, at pumunta na sya sa kwarto ng bata.
Ang gulo ng ugali ng babaeng ito, minsan good mood, minsan galit, hindi ko maintindihan.
Umupo ako sa sofa, at tinignan ko ang laman ng sobre. Nagulat ako na sobrang dami ng pera na ibinigay ni Kishi sa akin. Tsaka may Debit Card pa sya binigay.
"Ano meron dyan?" tanong nya.
"Ang bilis mo." sabi ko.
"Ano ka ba, nilapag ko lang sa higaan si Miumi para makatulog na." sabi ko.
"Ito ang huling sweldo ko sa pinagtatrabahuan ko." sabi ko.
"A-ang dami naman." gulat nya.
"Sa totoo, ginawa ko lang puro trabaho. Hindi ko nga mabilhan sarili ko ng mga bagong damit, o gamit. Tsaka, nakakalimutan ko na magpadala sa mga magulang ko." kwento ko sa kanya.
"Halata naman." sabi nya.
"Tsaka, may dahilan yata si Kishi na patalsikin ako sa Residente nila. Gusto nya makatuluyan ko ang babaeng gusto ko." sabi ko.
Ewan ko kung totoo o hindi yung sinasabi ko.
Tinignan ko sya, nagulat ako na niyakap nya ang aking braso.
"Pasalamat ako, kahit hindi ko kilala masyado ang lalakeng nasa tabi ko may nagmamahal ng totoo." sabi nya.
"Ah ganon ba."
"Papayag ako na manatili sya dito. Matutulog na ako." sabi nya.
"Magandang gabi sa'yo." sabi ko sa kanya.
Mga ilang minuto ay hindi pa din sya umaalis sa upuan. May problema ba?
"Ano.."
"S-sige, m-magandang gabi." sabi nya sabay alis.
Humiga na ako sa Sofa, at natulog na noong pagalis nya.