Iroka's Point of View
Tapos na ako kumain ng almusal, ilang libro na natapos ko na basahin, nasa higaan ko pa din sya. Ang sarap ng tulog.
Tumigil muna ako sa pagbabasa, at nilapitan sya. Hinawakan ko sya sa pisngi, at pinisil ko ito para magising sya.
"A-aray." sabi nya sa sakit.
"Tanghali na." sabi ko sa kanya.
"Patulugin mo muna ako, pagod ako sa trabaho." sabi nya.
"Ano ba ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Absent yung isang Staff sa Cafe ng ilang araw kaya ako ang pumalit." matamlay nya na sabi.
*tok tok tok
"Iroka!" sigaw ni Fueru habang kumakatok sya sa pinto.
"W-wag mo buksan, bubugbugin nya ako!" sabay bangon nya.
"Magbihis ka muna ng damit." sabi ko sa kanya, at pinuntahan ko para buksan ng pinto si Fueru.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong galit na galit si Fueru. Siguro may nagawa nanaman mali si Klein.
"Oi, Klein may trabaho ka pa!" sigaw ni Fueru, at nilapitan nya ito para hilain palabas.
"Ahhhh! Kagigising ko lang eh!" sigaw nya.
"Sandali lang, ako na bahala sa kanya." sabi ko kay Fueru.
Nagulat ako na ngumisi si Fueru, at tinapik nya ako sa balikat.
"Nagbago ka na talaga." masayang sabi ni Fueru, at binitawan nya sa paghila si Klein. "Sige, kapag hindi ka nagpunta. Papasabugin ko yung Cafe mo." banta nya kay Klein, at lumabas sya.
Kumain sya ng pananghalian, at ako naman ay napaisip ng malalim. Nagbago na ba talaga ako?"Ang lalim ng iniisip mo ah." sabi ni Klein sa akin.
"Nagbago ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo." mabilis na sagot ni Klein. "Noong una kitang makilala parang takot ka sa paligid mo, at hindi ka pa masyado nagsasalita noon. Tama nga sinabi ni Fueru, ako talaga nagpabago sa iyo." dagdag nya.
Tama sya, sya nga nagpabago sa akin. Siguro, kung hindi ko sya nakilala. Ganon pa din ang buhay ko.
"Salamat, at binago mo ako." sabi ko sa kanya.
"Ngumiti ka naman." reklamo nya. "Palagi ka na lang nakasimangot." dagdag nya.
"Hindi ako marunong." sabi ko.
"Dibale, kapag uutusan kitang ngingiti baka mapilitan ka lang. Aantayin ko na lang." sabi nya.
"Sige." sabi ko.
Pagkatapos nya kumain ay inihatid ko sya palabas ng apartment. Bago sya umalis ay tumingin sya sa akin.
"Mamaya, babalik ako dito!" sigaw nya, at umalis na sya.
Pagalis nya ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na ang Landlady.
"Mukhang magkasundo na kayo ng lalake na 'yon." sabi ng Landlady sa akin. "Tsaka, mamaya pupunta si Mother Rose para kausapin ka tungkol sa pagbalik mo sa ampunan bahay." dagdag nya.
Dumating ang gabi, dumating si Mother Rose sa apartment ko. Sabay kami kumain ng hapunan, habang kumakain kami ay nagsalita sya.
"Naisip ko na hindi na kita iuuwi sa ampunan bahay." sabi ni Mother Rose sa akin. "Gusto ko maging malaya ka sa buhay mo, gusto ko na magkaroon ka ng tunay na kaibigan, at magkaroon ka ng asawa." dagdag nya.
"A-asawa?!" gulat ko.
Nagulat si Mother Rose sa reaction ko, first time nya ako makita ang ganitong reaction, at syempre ako din nagulat sa aking sarili.
"Nagkaroon ka na din ng emosyon Iroka, siguro may lalakeng nagpapasaya sa iyo ano?" tanong ni Mother Rose sa akin.
Hindi na lang ako umimik, dahil alam ko na malalaman din naman ni Mother Rose mula sa aking emosyon. Napansin ko na ngumiti sya sa akin.
"Halata naman."
Pagkatapos namin kumain ay naisipan na ni Mother Rose na umalis, dahil madami pa syang trabahong gagawin sa ampunan bahay.
Pagalis ni Mother Rose ay saktong pagdating ni Klein kasabay nya si Fueru, totoo ngang babalik sya dito. Kaso sobrang pagod sya sa trabaho.
"Oh, paghandaan mo yung Boyfriend mo ng hapunan." sabi ni Fueru sa akin.
"Ahhhh, pagod na ako." sabi nya, at niyakap nya ako.
"Wag nga kayo maglandian." reklamo ni Fueru sa aming dalawa.
"Inggit ka lang kasi 6 na buwan na kayong hindi naglalandian ni Rento." asar nya kay Fueru.
"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Fueru.
Agad ako hinila ni Klein papasok sa aking apartment. Napansin ko na takot na takot sya sa galit ni Fueru sa kanya. Hindi ko napigilang ngumiti sa ginawa nya.
"Haha.. Napaka-isip bata mo." tawa ko.
"Eh, ang ganda mo pala kapag masayahin ka." sabi ni Klein sa akin, at hinawakan nya ang aking pisngi.
Ayan nanaman sya.
"Matulog na tayo." sabi nya, at hinila nya ako pahiga sa kama.