Her Crush - Chapter 12: Stress Reliever

6 2 0
                                    


Diana's Point of View


"Tito, bakit kayo nakahubad ni Tita?" tanong ni Eddie sa kanya.


Bigla syang nabulunan sa tanong ni Eddie. Naku naman, i-lock mo naman ang pinto para hindi malaman ng bata yung ginagawa mo.


"Naiinitan kami, kaya ayon." sagot ni Jude.


Tse, inatake ka lang ng kamanyakan mo.


"Ako magbabantay sa pamangkin mo, magluto ka na ng almusal." inis na sabi ko sa kanya.Sa Living Room, habang nagluluto ng almusal si Jude ay kasama ko si Eddie, tinuturuan ko sya sa mga binabasa nya.


"Ikaw ba magiging Tita ko?" tanong ni Eddie sa akin.


"E-eh?" gulat ko, at napatingin kay Jude.


Kung ano-ano nanaman pinagsasabi mo sa pamangkin mo. Hindi pa nga tayo, ginagawa mo lang akong stress reliever.


Sumunod na araw.


Pumunta ako sa bahay ni Finis, buti wala akong pasok, at wala din naman akong gagawin.


"Bakit ganon ang mga lalake, ginagawa kang stress reliever nila?!" reklamo ko.


"Stress Reliever?" tanong ni Finis.


"Ginagawa lang ako Stress Reliever ni Jude." naiinis na sabi ko.


"Tulad ng?"


"Ginawa nyo ni Ryouma para mabuo yung panganay nyo." sabi ko.


"Ahh.."


"Yun lang sasabihin mo?" gulat ko.


"Normal sa lalake 'yon, yun din naisip ko dati kay Ryouma. Kaya ginagawa nila 'yon ay hindi sa kalokohan nila. Kundi mahal ka." paliwanag ni Finis. "Sa panahon ngayon, ang mga may relasyon ay satisfy sa.. alam mo na 'yon ahahaha." dagdag nya.


"May gusto ba si Jude sa akin?" tanong ko sa kanya.


"Bakit hindi mo sya tanungin. Alam mo, yung nagkita kami ay puro ikaw yung sinasabi nya. Sa totoo matagal na talagang may gusto si Jude sa'yo. Kaso, nilalayo ka namin sa kanya dahil sa kagwapuhan nya dati. Baka ma-bully ka ng Fans noon." sabi ni Finis, at kinarga nya ang kanyang anak.


"Haist.." buntong hininga ko.


Pagkatapos namin magkwentuhan ni Finis ay naisipan ko na pumunta sa apartment ni Nonaka. Pagdating ko ay nakita ko si Ronaldo na natataranta paglabas ng apartment ni Nonaka.


Agad ko sya pinuntahan.


"Ronaldo!" sigaw ko sa kanya.


"Diana, si Nonaka nilalagnat!" sigaw ni Ronaldo.


M-may sakit si Nonaka? Himala ah.


Pagpasok ko sa loob ng apartment ni Nonaka ay agad ako dumiretso sa kanyang kwarto. Napansin ko na basang-basa ng pawis si Nonaka, ito ba dahilan nya kaya natataranta sya?


"Osha, kung may pupuntahan ka puntahan mo na. Ako na magaalaga sa kanya." sabi ko sa kanya.


"Pasabi kay Nonaka, baka matagal ko sya makikita, sobrang busy ako sa trabaho ko." pakiusap nya sa akin.


"Bakit ikaw magsabi imbis na ako, alam ko na matagal mo nang gusto si Nonaka. Wag ka nga patorpe." inis na sabi ko.


"Aamin ako sa takdang panahon." sabi nya, at umalis na.


At ako ang magiging yaya ni Nonaka ngayon, masyado nya pinapagod sarili nya. Hinubad ko ang basang damit na suot nya, at binihisan ko sya ng bagong damit.


Tapos pinunasan ko ang pawis nya sa kanyang noo. Tapos, nakita ko na may nilutong lugaw si Ronaldo bago ito umalis. Haist..


Lumipas ng ilang oras ay nagising si Nonaka, nagtanong sya sa akin kung saan si Ronaldo. May kutob ako na may gusto na din si Nonaka kay Ronaldo.


Nakakatuwa naman.


Na mawala ang lagnat ni Nonaka ay napagpasyahan ko na umuwi na. Naalala ko na may binabantayan pala si Jude na bata, naisipan ko na puntahan iyon.


Pagdating ko sa Condo ni Jude ay napansin ko na wala na yung bata, bale ang iniwan ng bata sa kanya yung mga librong nakakalat sa lamesa.


Nakita ko na nakaupo si Jude, at problemado.


"Bakit mo ko iniwan?" tanong ni Jude sa akin.


"May inutos sa akin yung pinsan ko kaya iniwan kita." sabi ko, at tumabi sa kanya sa sofa."Nakakapagod pala magalaga ng bata." sabi ni Jude.


"Doctor ka, hindi mo alam iyon?" inis na sabi ko.


"Pero, dibale kapag magkakaroon tayo ng anak balang araw ay alam ko kung ano ang gagawin ko." sabi nya.


Ewan ko kung kikiligin ako o sasapakin ko sya.


"Tumigil ka nga, hindi mangyayari iyon." sabi ko.


"Dito ka ba ulit mananatili?" tanong ni Jude sa akin.


"Oo." sabi ko.


"Tara, kumain na tayo ng hapunan." yaya nya sa akin.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now