Drawn in Passion - Chapter 14: Didn't Notice.

1 0 0
                                    


Kenshin's Point of View


Ilang linggong nakalipas ay hindi ako pinapansin ni Sheena, yung huling punta nya dito noong nag hapunan kami magkasama ni Kuya Jin. Kapag pupunta ako sa trabaho ni Kuya iniiwasan nya ako.


Ano nanaman nagawa kong kasalanan?!


"K-kenshin, wag kang manggigil." natatakot na sabi ni Kuya Jin sa akin.


Hindi ko namalayan na nasugatan ko ang mga daliri ko. Sa sobrang kakaisip ko ay hindi ko namamalayan na nasasaktan ko na sarili ko.


"Napansin ko, hindi na nagpupunta si Sheena. May ginawa ka nanaman ba sa kanya?" tanong ni Kuya sa akin.


"Hindi ko alam!" sigaw ko, at tumigil ako sa paghihiwa ng carrots


"Alalahanin mo kung anong nangyari kung bakit ka nya hindi pinansin." sabi ni Kuya.


Alalahanin..


"Naalala mo na?" tanong ni Kuya.


Napa-facepalm na lang ako, alam ko na kung bakit. Akala nya sasamantalahan ko sya, kaso pagod ako noon dahil kakatapos ko lang sa deadline.


"Oo, hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan." dismayado kong sambit.


"Total bakasyon sa kompanya namin, bakit hindi ka sumama? Total pwede isama yung mga kakilala." sabi nya.


"Sasama ako." mabilis na sabi ko.


Lumipas ang ilang araw..


Sa Beach Resort ginanap ang 1 linggong bakasyon nila Kuya, hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si Sheena!!!


"Nasaan na sya?!" gigil ko na sabi sa aking Kuya.


"H-hindi ko alam!" paiyak na sabi ni Kuya.


"Hinahanap mo ba si Sheena?" tanong ng kaibigan nya.


"Nasaan sya?!" tanong ko sa kanya.


"E-eto, nasa kwarto. Kami lang dalawa andoon sa kwarto.." sabi nya. "Kung balak mo matulog doon, ay doon na lang ako matutulog sa kwarto ng aking asawa." dagdag nya.


Ang bait naman ng kaibigan nya.


Pinuntahan ko sya.


Pagpunta ko sa Room no. ay nakita ko syang lumabas. Nakita nya ako, at nagulat ito. Tumakbo sya ng mabilis, dahil nakita nya ako.


Humanda ka sa akin.


Habang nagmumuni-muni ako sa dagat ay napansin ko na tumabi sa akin ang kaibigan ni Sheena.


"May problema ba?" tanong ko.


"Sinabi sa akin ni Sheena na tinamad ka na ata sa kanya." sabi nya.


A-ano?!


"Anong pinagsasabi nya?" tanong ko.


"Kasi hinalikan mo lang sya, tapos wala na.."


"Malamang pagod ako, hindi ko naman aakalain na magtatampo sya sa ganon." sabi ko, at napakamot na lang ako ng ulo.


"Tsaka, pagkatapos ng kasal ko noon. Nakita kitang pumasok ka sa kwarto ni Sheena noon, at halatang may ginawa kayo. First time nya ata iyon." kwento nya sa akin.


Ughh.. Nakita nya ako.


"Ginawa ko lang syang reference sa trabaho ko, pero hindi ko aakalain na magkakagusto ako sa kanya." napakamot na lang ako ng ulo noon.


"Nakakatuwa naman, tsaka ikaw din ba nag illustrate sa bagong smut manga? Pwedeng pa-autograph?" tanong nya sa akin.


"E-eh, nagbabasa ka?" tanong ko.


"Syempre naman, ang ganda kaya!" sabi nya.


Pagkatapos namin magusap ay bumalik na sya sa kanyang asawa, at ako naman ay nagiisip kung paano ko malalapitan si Sheena.


Hmmmm..


Gagawin ko ba yung ginawa ko?


Dibale, kailangan ko syang makausap!

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now