Jude's Point of View
Pinuntahan ko si Diana sa Faculty Office, wala na sya, mukhang umalis na.
Paglabas ko sa Campus ng eskwelahan ay nakasalubong ko si Finis.
"Yo." bati ko sa kanya.
Sumabay ako sa kanya, at nagusap kami.
"Diba close kayo ni Diana?" tanong ko.
"Bakit mo naitanong?" tanong ni Finis sa akin.
"Ano yung ugali nya?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm.. Masipag, mabait."
"Yun lang?" gulat ko.
"Yun lang masasabi ko dahil yun lang ang alam ko na ugali sa kanya." sabi ni Finis sa akin.
"Noong High School pa tayo, narinig ko na sinabi ni Diana sa inyo na may gusto sya sa akin." sabi ko.
"Tsismoso." galit na sabi ni Finis. "Oo may gusto sya sa'yo, pero dati lang. Kasi ayaw nya sa mga lalakeng masyadong sikat." dagdag nya.
"Ehhhh.." gulat ko.
"Pero, siguro ngayon sikat ka pa din." sabi ni Finis. "Talagang lalayuan ka nya, alam ko na may gusto pa din si Diana sa'yo. Tsaka, alam ko na may gusto ka sa kanya dati kaya susuportahan kita." dagdag ni Finis, at sumakay na sa Bus.
*Flashback*
Noong High School pa kami ay noong 1st year ay nagkagusto na ako kay Diana, kahit hindi sya masyado nagaayos sa kanyang sarili.
Sa sobrang ka-gwapuhan ko maraming nagkakagusto sa akin. Kahit anong gawin ko paglayo sa kanila ay nilalapitan pa din nila.
Noong isang araw, nagkatinginan kami ni Diana. Kaso iniwasan nya ako.
Tapos habang papunta ako sa classroom ay alam ko na palaging nauuna si Diana. Kaya inagahan ko din para magkaroon ako ng tsansa na kausapin ko sya kaso.
Yung papasok na ako ng classroom ay narinig ko ang usapan nilang tatlo.
"May paghanga ako kay Jude." sabi nya.
"Ano?!" sigaw nilang dalawa.
"Kaso, kung magkakagusto ako sa kanya ay baka ma-bully nila ako. Kaya simula ngayon kakalimutan ko na sya." sabi nya.
Yung sinabi nya iyon ay nawalan ako ng pagasa.
Pero, noong Reunion namin ay nakita ko sya. Malaki ang pinagbago nya, kapag teacher talaga ay magiging maganda ito.
Parang nagkaroon ako ng pagasa.
*End of Flashback*
Pagdating ko sa aking Condominium ay agad ako dumiretso sa kwarto, at humiga sa kama.Dahilan talaga kaya hindi ko sya malapitan dahil andoon palagi nakadikit sina Nonaka, at Finis sa kanya. Parang mga linta, parang hindi sila mabubuhay kapag wala si Diana.
Kinaumagahan.
Sa Clinic, habang nagbabasa ako ng libro ay napansin ko na pumasok si Diana kasama ang kanyang estudyante.
"Ano nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Natamaan sya ng bola sa ulo." sabi ko, at kumuha sya ng Ice, at Towel para hindi lumala yung sakit sa ulo ng estudyante nya.
Buti pa estudyante nya may pagaalala sya, ako wala?
"May problema ba?" tanong nya sa akin.
"Wala naman." sabi ko.
"Magkakilala kayo ni Sir Jude?" tanong ng estudyante nya.
"Manyakis 'yan noong High School, kaya nilalayuan sya ng mga babae." sabi ni Diana.
Bigla ako naasar ah, famous ako dati hindi ako manyakis sa ibang babae. Ikaw lang minamanyak ko!
Humanda ka sa akin.