Iroka's Point of View
Napilitan akong sumama sa isang estrangherong lalake. Pagpasok ko sa cr ay hinubad ko ang aking damit, at naligo. Habang naliligo ako, napaisip ako. Anong nakain ng lalake na 'yon, at bakit nya ako nagustuhan?
Pagkatapos ko maligo ay ginamit ko ang kanyang tuwalya. Paglabas ko sa shower room ay nakita ko sya papasok ng cr.
"Eto pala yung damit mo." sabay bigay nya sa akin.
Tinignan ko ang kanyang mukha, halatang nakatingin sya sa akin dahil nakatapis lang ako.
"Pinapunta mo lang ba ako dito dahil may gagawin kang masama sa akin?" tanong ko sa kanya.
"H-hindi sa ganon, sabi kasi sa akin ni Fueru ay hindi ka daw masyadong nagsasalita. Pero, hindi ko aakalain na kinakausap mo ako." nakangiti nyang sabi.
"Kaya kinakausap kita para layuan mo ako." sabi ko sa kanya. "Lumabas ka, at magbibihis ako." dagdag ko.
Lumipas ng 6 na oras.
Nanaginip nanaman ako tungkol sa aking nakaraan.
"Yuck, galing sa ampunan bahay! Lumayo tayo!"
"Lumayo ka sa amin, hindi namin kailangan ng mga taong galing sa ampunan."
Agad ako nagising sa aking bangungot. Bumangon ako sa sofa, at napahawak sa aking noo. A-ang taas ng lagnat ko.
"Haa.. Haa.. Haa.." paghingal ko.
Pagtingin ko sa oras ay mga nasa alas-tres ng madaling araw. Humiga ulit ako sa sofa, at napapikit na lang, sana mawala na ang lagnat ko.
"May problema ba?" tanong sa akin ng lalake.
"W-wala ito." sabi ko sa kanya. "M-matulog ka na." sabay ubo ko.
Agad sya lumapit sa akin, at hinawakan nya ang aking noo.
"May lagnat ka, sandali lang." sabi nya, at kinarga nya ako.
*dug dug* *dug dug*
A-ano ito?
"Doon ka muna humiga sa Guest Room. Masyadong malamig dito sa Living Room." sabi nya.
Idinala nya ako sa Guest Room, at pinahiga nya ako sa kama, tapos kinumutan nya ako.
Kinaumagahan.
Paggising ko, nakita ko siya na nagbabasa ito ng libro. Nakita nya ako na gising na, at tumigil sya sa pagbabasa ng libro.
"Gising ka na pala, sakto nakapagluto ako ng sopas." sabi nya.
Hindi ako umimik. Tinignan ko ang binabasa nyang libro, tapos tinignan ko sya.
"Ano pala, tinawagan ko boss mo sinasabihan ko na masama ang pakiramdam mo. Kaya magpahinga ka lang." nakangiti nyang sabi.
Humiga ako sa kama ulit, at natulog ulit.
Lumipas ng 1 linggo.
Habang nagaayos ako ng mga libro sa bookshelves ay may nakita akong litrato na nakaipit sa isang libro. Matagal na ako nagaayos ng mga libro, ngayon lang ako nakakita ng libro na may nakaipit na litrato.
Kinuha ko ang litrato, at tinignan ito.
Teka, ito yung foreigner ah. Litrato nya ito noong College siya. Ano naisip nya, at bakit nya inipit ang litrato nya sa libro.
"Iroka!" tawag sa akin ng babae.
Lumingon ako, agad ko tinago sa bulsa ang litrato. Paglapit nya sa akin ay hinila nya ako papunta sa may Librarian.
"Iroka, si Hanayori Hanabusa andito sa National Library!" tili nya.
Hindi ko sya kilala, bakit mo ko hinila papunta dito? Hindi ko naman sya kilala, o fan.
"Hai naku Finis, pati si Iroka idadamay mo sa pagiging fangirling mo." reklamo ni Ren sa kanya.
"Bumalik ka na sa trabaho mo, pabayaan mo na lang si Finis." sabi nya sa akin.
Agad ko binitawan ang paghawak sa kanyang kamay, at bumalik na ako sa trabaho.
Habang inaayos ko ang mga bookshelves ulit ay nagulat ako na may umakbay sa akin.
"Uyy.. Dito ka pala nagtatrabaho?" tanong nya sa akin.
B-bakit sya andito?!
Tinulak ko sya sa pagakbay, at tinignan ko sya ng masama.
"W-wag kang magisip na sinundan kita dito, si Hanayori kasi nagpasama sa akin na pumunta dito sa National Library para sa References nya sa bago nyang novel." sabi nya sa akin.
Hindi ako umimik, hindi ko na sya pinansin.
"Oi, magsalita ka naman." pamimilit nya sa akin.
Sinamaan ko sya ng tingin, at itinulak ko sya papalayo sa akin. Anong nangyayari sa araw ko na ito?