Love is Scary - Chapter 7: Maybe I Take It Back

4 2 0
                                    

Nikki's Point of View


Habang nagmumuni-muni ako sa bakuran ay hindi ko napansin na nasa likod ko na ang Papa ni Kishi. Sa tingin pa lang ay nakakatakot na ang kanyang Papa.


A-anong gagawin ko.


"Kamusta na ang pagsasama nyo ng aking anak?" tanong nya sa akin.


"Ayos lang." sagot ko.


"Kinuwento sa akin ni Kishi na nagsasalita ka habang tulog. Hahaha." tawa ng kanyang Papa.


Nakasanayan ko na talaga magsalita habang tulog.


"Anak, wag kang matakot mahalin ang anak ko. Mabait 'yan." sabi nya, at umalis na sya.


Mabait pala Papa nya.


Tapos na ang bakasyon ng mga estudyante. Balik ulit sa trabaho, kinuwento ng mga estudyante ko ang masayang ala-ala nila sa kanilang bakasyon.


Nakakamiss din ang pagiging High School.


Pagkatapos ng pagtuturo ko ay bumalik ako sa Faculty Office. Napansin ko na wala si Diana dito, may nangyari ba?


Bigla akong nagkaroon ng kutob.


Hindi maaari.


"May problema ba Miss Nikki?" tanong sa akin ng isang babae.


"O-oo." sabi ko.


"Mamimiss ko si Diana, hindi sya papasok ng 1 o 2 taon? Kasalanan ng lalake na 'yon." inis na sabi nya.


"S-sino ka?" tanong ko sa kanya.


"Ako si Sanae." pagpakilala nya sa akin.


"P-paano mo alam ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.


"Ano ba, palagi tayong nagsasama nila Diana kumakain. Hindi mo lang ako napapansin, kasi hindi ka masyado lumilingon." paliwanag nya sa akin.


Napabuntong-hininga ako, akala ko kung ano na nangyari kay Diana. Kinabahan ako.


"Wag ka muna mabahala." bulong sa akin ng aking konsyensya.


Tama, hindi mo alam ang nangyari sa kanya, kaya wag ka muna maging kampante.


Dumating ang gabi.


Habang nagbabasa ako ng libro ay nakita ko na pumasok si Kishi sa loob ng kwarto, at agad syang pumunta sa kama sabay higa.


"Mukhang napagod ka sa meeting." sabi ko.


Tumingin sya sa akin, tapos hinawakan nya ang pisngi ko.


"Maputla ka ah, may sakit ka nanaman?" tanong nya sa akin.


"Wala akong sakit, natatakot lang ako." sabi ko.


"Anong kinakatakutan mo?" tanong nya sa akin.


Ang mawala ka.


"Wala, matulog ka na lang." sabi ko.


Kinaumagahan.


Paggising ko ay nakita ko na wala na siya sa tabi ko. Tama, kapag minahal mo sya mawawala lang sya na parang bula. Tulad nila Lolo.


Paghawi ko ng kurtina ay nakita kong umuulan sa labas.


Naalala ko yung araw na nilibing sila, umuulan din iyon.


Dapat hindi ko na lang hinawi ang kurtina kung sobra akong malulungkot. Pagsara ko ng kurtina ay nagulat ako na may yumakap sa akin.


Pagangat ko ng ulo ay si Kishi ang yumakap sa akin.


"Sinabi sa akin ni Papa na kapag tagulan nalulungkot ka dahil naaalala mo ang araw na nilibing ang Mama, Papa, Lolo, at Lola mo." sabi nya.


"Ganon ba?" sabi ko.


"Hindi mo kailangan na maging emotionless sa akin. Asawa mo ako, dapat kinakausap mo ako sa lahat ng bagay." sabi ko.


"Hindi naman tayo kasal, hindi pa tayo magasawa." sabi ko.


"Alam ko iyon, dahil ikaw lang ang babae para sa akin." sabi ko.


Napahawak ako sa kanyang braso. at inalis ko ito. Humarap ako sa kanya, at biglang lumungkot ang aking mukha.


"Kapag minahal mo ako, mamamatay ka." sabi ko.


"Wala akong pake sa mga sinasabi mo. Tsaka, alam kong takot ka ngayon magmahal dahil sa nangyari. Gagawa ako ng paraan para magkagusto ka sa akin." sabi nya.


"Meron na akong gusto sa'yo. Kaso iniiwasan ko na lang dahil ayaw kita mamatay ng maaga." sabi ko.


Tumingin ako sa kanya, bigla akong natakot. Nagiba ang emosyon sa kanyang mukha, galit sya sa akin. Tumalikod sya sa akin, at humiga sya sa kama.


"Wag ka matulog dito." sabi nya.


Eh?


Hindi na lang ako nagsalita.


Lumabas na lang ako sa kwarto, humiram ako kay Tsugi ng payong. Hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta.


Babalik ako sa aking apartment.


O kaya, babalik muna ako sa bahay nila Lolo, at Lola.


Dapat hindi na pala ako nagsalita ng kung ano.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now