Rejection - Chapter 5: My Dream

1 0 0
                                    


Erika's Point of View


Lumipas ang 1 buwan ng pagiging unemployed ko ay balik sa pagbantay sa anak ni Chan Li. 


Medyo gumaan pakiramdam ko na hindi ko na nakita si Jiro.


"Tita Erika, laro muna kami nila Yoshiwara." sabi ng pamangkin ko.


"Balik ka agad ah." sabi ko sa kanya.


Pagalis ng pamangkin ko ay naalala ko na kailangan kong maglakad-lakad. Dahil 1 buwan na akong andito sa bahay.


Paglabas ko ay naningkit ang mata ko sa sobrang silaw ng araw. Nagsuot na ako ng hood, in case na makita ko si Jiro.


Andito na ako sa may Bus Stop. Sakto andoon din sya nakaupo, at katabi nya si Mary. Sigurado naguusap sila sa mga trabaho nila.


Dinaanan ko lang sila, buti hindi nila ako napansin.


Nagpunta ako sa isang Bookstore.


Matagal na din hindi ako nakapunta sa lugar na ito. Ang amoy ng libro, ang bawat arrangemnt ng mga libro. Matagal-tagal na din.


Pumunta ako sa mga bagong libro, at tinignan ko ang bawat title ng libro.


"Erika, ikaw ba 'yan?" tanong ng babae sa akin.


Paglingon ko ay si Arisa ang tumawag sa akin.


"Matagal na tayong hindi nagkikita." sabi ko sa kanya.


"Kamusta naman?" tanong nya sa akin.


"Forever Unemployed." sabi ko.


"E-ehh.. Eto, gumagawa ka pa ba ng Short Story?" tanong sa akin ni Arisa.


Short Story? Naalala ko sa sobrang focus ko sa paghahanap ng trabaho ay nakalimutan ko na gumawa ng Short Story.


"Hindi na eh." sabi ko.


Naalala ko, gumagawa ako ng Short Stories noong High School ako. Kaso nga lang, nawalan ako ng gana dahil sinaktan ni Jiro ang damdamin ko.


"Sakto, may Short Story Contest Online. Kahit blanko pa imahinasyon mo, subukan mong sumali." sabi ni Arisa, at binigay nya ang lumang notebook na puro short story ko. "Idol kita pagdating sa paggawa ng short story, kahit unemployed ka matutulungan ka ng talento mo." dagdag nya.


"Sinabi mo pa 'yan eh." malungkot na sabi ko.


"S-sorry!"


Pagkatapos namin magusap ni Arisa ay tinignan ko yung lumang notebook ko."Oi Erika!" tawag ni Mary sa akin.


Eh, kasama nya pa din si Jiro.


"Y-yo Mary, sa susunod na araw na lang tayo magusap." sabi ko, at tinago ko yung luma kong notebook.


"Ayan ka nanaman eh, hilig mo magiwas ah." sabi ni Mary.


"Hindi ka na nasanay, osha ingat na lang sa paguwi." sabi ko sa kanya.


Magsisimula na sana ako sa paglakad na biglang lumakas ang ulan. A-ang notebook ko, ayokong mabasa yung notebook.


"Diba malapit lang bahay mo dito, doon muna si Erika manatili." sabi ni Mary.


"Sige." pagpayag ni Jiro.


Ehhhhhh..


Lumipas ng isang oras ay nakarating kami sa kanyang bahay. Iniwan ako ni Mary, nakakainis talaga.


"Maligo ka para hindi ka lagnatin." sabi ni Jiro.


"Aantayin ko na lang ang pagtila ng ulan. Yung pamangkin ko pa baka hinahanap na ako, wala na nga akong kwenta sa kanila dahil isa akong unemployed. Tapos, pabigat pa ako sa kapatid ko. Wala akong kwenta." sabi ko.


"Wag mo sabihin 'yan." sabi nya.


"Tapos andito pa ako sa bahay ng lalakeng walang feelings sa akin. Sinasayang ko lang oras ko dito, naiinis ako kapag naaalala ko mga ginawa mo sa akin. Dapat nagfocus na lang ako sa paggawa ng short story noon." dagdag ko pa.


"Itigil mo 'yan."


"Nakakasayang ng effort, b-bakit ko ba nasasabi ito. Dapat hindi na lang ako lumabas ng bahay ni Ate Chan Li." sabi ko, at binuksan ko yung pinto.


"Malakas pa ang ulan." sabi nya.


"Diba wala kang concern sa akin, dahil wala kang pake sa akin." sabi ko sa kanya.


Nagulat ako na hinila nya ako palapit sa kanya, at niyakap nya ako.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now