Rejection - Chapter 9: I Really Love You.

1 0 0
                                    


Erika's Point of View


"Aray." sabi ko sa sakit.


"Wag mo ngang pilitin, yan tuloy nasugatan ka nanaman." sabi ni Mao, at kinuha nya yung kutsilyo sa akin.


"Gusto ko naman tumulong eh." sabi ko.


"Masasaktan ka lang. Bumalik ka na lang sa kwarto nyo ni Jiro." sabi ni Mao.


"Sige na nga." sabi ko.


Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko na gising na si Jiro, at nakatingin sya sa akin.


"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong nya sa akin.


"E-eto w-- tumulong ako sa kanila kaso ito resulta." sabi ko sa kanya.


Tama, wag mong iiwasan yung mga itatanong nya sayo. Gusto ko bumalik ang dati, tsaka napansin kong nagbago sya,


"Wag mong sabihin na hindi ka marunong magluto?" tanong nya sa akin.


"Oo." dismaya ko na sabi.


"Normal lang naman sa tao na hindi marunong magluto." sabi nya, at nilapitan nya ako. 


"Gagamutin ko na 'yan." sabi nya.


Nilagyan nya ng alcohol ang dalawa kong kamay, saka nilagyan ng band aid.


"Okay na." sabi nya.


"Salamat." sabi ko.


"May itatanong ako sa'yo, hindi ka ba nagsisi na kinuha ko sa'yo ang pagka-babae mo?" tanong nya sa akin.


"H-hindi naman, masaya ako na ikaw ang nakakuha ng pagka-babae ko." masayang sabi ko.


"Sabi sa akin ni Arisa na nanalo ka sa Short Story Contest, iyon pala yung dahilan kaya masaya ka noong nakaraang araw." sabi nya, at hinawakan nya ang kamay ko.


"Totoo ba talaga na may gusto ka sa akin?" tanong ko sa kanya.


"Ayaw mo pa din ba maniwala?" tanong nya sa akin.


"Parang panaginip ko lang kasi lahat ito, hindi ako makapaniwala na nagkagusto ka sa akin." sabi ko sa kanya.


"Ano ba pwede kong gawin para maniwala ka?" tanong nya sa akin.


"Eh, kailangan pa ba 'yon?"


"Ayaw mo kasi maniwala." naiinis nya na sabi.


"Maniniwala na ako." sabi ko sa kanya.


Nagulat ako na bigla nya akong hinalikan. First time ko makita na maging seryoso sa ganitong bagay si Jiro. Masyado lang ata ako natakot noong mga nakaraang buwan kaya naging ganon ako.


Pagkatapos nya akong halikan ay nagulat ako na kinagat nya ang leeg ko.


"A-ahh.." mahinang ungol ko.


"Masakit ba?" tanong nya sa akin.


"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko sa kanya.


"Para wala nang hahawak sa'yo na lalake. Ako lang ang pwedeng humawak sa'yo." sabi niya.Parang sasabog dibdib ko sa sinabi nya.


Paglabas namin sa kwarto ay dumiretso na kami sa Dining Room. Pagdating namin doon ay nakita ko na nakikipagaway si Mao sa lalakeng kasama ni Jiro.


"Erika." tawag nya sa akin.


F-first time nya tinawag pangalan ko.


"Bakit Jiro?" tanong ko sa kanya.


"Yung lalakeng kaaway ni Mao, sya si Jinro. May gusto sya kay Mao." pagpakilala nya sa kaibigan nya.


"Eh? Ano?" gulat ko.


Lumipas ang ilang oras ay natapos na kaming kumain.


Tumambay kami ni Jiro sa Living Room, at tinignan ang magazine kung saan nakalagay ang mga pictorial photo's nya. Ang gwapo nya, talagang bagay talaga pagiging model sa kanya.


"Buti model yung trabaho mo." sabi ko sa kanya.


"Sabi mo kasi noong High School, bagay sa akin maging model kaya sinubukan ko hanggang sa magustuhan ko na." sabi nya sa akin. "Tsaka, bakit unemployed ka pa din?" tanong nya.


A-ang sakit noon ah.


"Ayoko nang ikwento." paiyak na sabi ko.


"P-pasensya na." sabi nya, at inakbayan nya ako para kumalma ako.


"Balak mo ba bumalik sa pagiging writer mo?" tanong nya sa akin.


"Total nanalo ako sa Contest, babalik ulit ako sa paggawa ng mga storya." sabi ko sa kanya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now