Tsugi's Point of View
Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.
Napatingin ako sa lamesa, may iniwan syang libro. Pagtingin ko sa libro ay naisipan ko na basahin ito, sigurado bukas nya maaalala iyon.
Lumipas ng ilang oras ay natapos ko na basahin ang libro.
Hindi ko aakalain na nagbabasa sya ng mga ganon.
"Bakit mo hawak yung libro na 'yan?!" gulat nya.
Agad nya ako nilapitan, at kinuha nya ang libro sa akin.
"Dibale, ano pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo na kailangan alamin pa. Total, aalis ka naman dito." inis nya na sabi nya.
"Ah ganon ba." sabi ko.
"Hindi ka ba magagalit sa akin na ganon trato ko sayo?!" galit na tanong nya sa akin.
Haist.. ano ba pwedeng gawin ko para manahimik ang babae na ito?
Ang ibig sabihin nya sa mga sinasabi nya ay gusto pa nya ako tumagal dito sa bahay nya.
Tama nga sinabi ni Kishi, masyadong komplikado magkaroon ng isang relasyon. Tulad ng relasyon nila ni Ms Nikki, pasalamat ako na naging okay na sila.
"D-dibale, babalik na lang ako sa kwarto." sabi nya.
Agad ko sya pinigilan sa kanyang pagalis, kinuha ko ang kanyang librong hawak, at ibinaba sa lamesa.
"Ang ibig sabihin ng sinasabi mo sa akin ay gusto mo ako manatili dito?" tanong ko sa kanya.
Namula ang kanyang pisngi, at umiwas sya ng tingin sa akin.
"B-baliw ka ba, wala akong sinasabing ganon." sabi nya.
"Hindi mo na kailangan alamin pa. Total, aalis ka naman dito." sabi ko sa kanya.
"Bakit ko ba ipapaalam sa'yo, total iiwan naman ako ni Miumi." sabi nya, at patulo na ang kanyang mga luha.
Hinatak ko sya palapit sa akin, at pinunasan ko ang kanyang mga luha.
"Ang tinutukoy ni Miumi ay bibisita lang sya doon sa pinagtatrabahuan ko." sabi ko sa kanya.
"Parehas kayo ng naging Boyfriend ko, iiwan mo din ako, pati si Miumi iiwan din ako." sabi nya habang umiiyak.
Ah, first time ko magpaiyak ng babae.
Anong gagawin ko.
"Dibale kung ayaw mo sabihin ang pangalan mo, tatanungin ko na lang si Miumi." sabi ko sa kanya, at binitawan ko na sya.
"Miyuna!" sigaw nya sa akin. "Narinig mo na diba, layuan mo na ako."
Kinaumagahan.
Naisipan ko na puntahan ko si Tsugi.
"Bakit ka pa bumalik?" tanong nya.
"Bakit, ayaw mo ba ako pabalikin dito Master?" tanong ko sa kanya.
"Hindi sa ganon, kamusta ang relasyon nyo ng babae?" tanong nya sa akin.
"Ang anak ko lang ang pakay ko doon." sabi ko sa kanya.
"Anak huh? Pero, pansinin mo din ang mga ikinikilos ng nanay ng bata na 'yon. Baka nagkagusto na 'yon na sa'yo. Tsaka, kapag bumalik ka dito na ganito ang dahilan mo ipapatalsik kita." sabi nya sa akin.
Anong gagawin ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Naalala ko sinabi sa akin ni Ms Nikki sa akin, magulo talaga ang ugali ng mga babae.
Naninigurado lang sila kung ang lalake ay mahal sila o hindi. Dahil mahirap magtiwala ngayon sa panahon na ito.
"Papa, ang astig naman ng pangalan mo. Tsugihara." sabi nya.
"Ganon ba?"
"Opo, alam na kaya ni Mama ang pangalan mo?" tanong ni Miumi sa akin.
"Hindi pa nya alam, hindi pa sya handa para malaman ang aking pangalan." sabi ko.
"Kailan kaya babait si Mama?"
Kinagabihan.
"Andito na ako." sabi nya, at dumiretso sya sa kusina para kumain.
Tsaka, hindi ko pa sya naitanong kung bakit nya nagawa iyon noong 8 taon.
Pinuntahan ko sya sa kusina, sinilip ko sya saglit. Nakita ko na nagblush sya sa sarap ng hapunan na niluto ko.
"Ang sarap." masaya nyang sabi.
*dug dug* *dug dug*
A-ano ito?
Dibale, masaya ako na makita ko ang ganyang expression sa kanyang mukha. Pero, kapag nakita nya ako sigurado nakasimangot nanaman sya sa akin.
Sumunod na araw.
"Aalis na ako Papa." paalam ni Miumi sa akin.
"Ingat ka." sabi ko.
"Papa, gusto ko ikaw yung pupunta sa Parent's Day. Kasi last year, hindi nakapunta si Mama dahil busy sya sa trabaho." sabi ni Miumi.
"Sige." sabi ko.