Ritai's Point of View
Buti natapos lahat ang shooting kaya may dalawang araw akong pahinga. Habang nagbabasa ako ng libro ni Hanayori Hanabusa ay pinagmasdan ko sya.
Habang kinakausap nya si Ashell ay pinakinggan ko sila sa pinaguusapan nila.
"Ate Fueru, alam mo yung nang-away sa akin sa playground inaway ko." sabi ni Ashell.
Eh, nakipag-away?!
"Sabi ko sa'yo, labanan mo sila eh. Alam mo noong High School ako, isa lang akong babae, tapos bugbog sarado sa akin yung limang grupo ng mga lalake." kwento nya sa pamangkin ko.Ehhhh.. Bakit nya tinuturuan ng ganyan pamangkin ko?!
"Wow, ang astig nyo naman po." sabi nya.
Ehhhh!
"Astig nga, pero delikado. Kaya gamitin mo lakas mo kapag may umaaway sa'yo, wag kang magpapatalo." sabi nya.
B-basagulera pala sya dati. Pero, hindi halata sa kanya.
Dumating ang gabi.
Pagbukas ko ng pinto sa banyo ay nagulat ako na naghuhubad ng damit si Fueru. Agad sya lumapit sa akin, para suntukin nya ako kaso napigilan ko agad sya.
Whooo.. Delikadong babae pala sya.
"Uso magkatok." galit na sabi nya.
"P-pasensya na." sabi ko.
Buti nakasuot pa sya ng sando noong susuntukin nya ako. Pero, napansin ko yung kamay nya may mga band aid. Naalala ko noong hinawakan ko ang kamay nya ay may mga sugat-sugat.Hindi ko mapigilang halikan ito, hindi ko alam kung ano naiisip ko. Siguro, nasapak na ako ng babae na ito.
"A-anong ginagawa mo?!" galit nya na tanong.
Pagtingin ko sa kanya ay nagulat ako, namumula sya sa hiya. Agad sya bumitaw sa paghawak ko sa kanyang kamay, at tinulak nya ako palabas ng banyo.
Napa-facepalm na lang ako sa ginawa ko.
Ganito ba kapag sobrang inlove ka sa isang babae?
Hindi mo naiisip yung mga galaw mo?
Haist..
Sumunod na araw.
Nagbabasa ulit ako ng libro noon, tapos pinapakinggan ko pinaguusapan nila ng pamangkin ko."Ashell, paglaki mo wag kang maging manyakis tulad ng tito mo." kwento nya.
Ehhh! Ginagawa nya akong bad influence sa pamangkin ko! Bakit ko ba sya nakuha bilang katulong?!
"May nagawa ba si Tito?" tanong nya.
"B-basta, hindi pa pwede sa'yo ang mga ganong bagay. Osha, maglaro ka na dyan. Magluluto muna ako ng pananghalian." sabi nya.
Pagkatapos ko magbasa ng libro ay dumiretso ako sa Klein Cafe. Nagusap kami ni Klein tungkol kay Fueru.
"Muntikan ka na nya masapak?!" gulat ni Klein.
"Muntikan na." sabi ko.
"Naku naku, magingat ka sa kanya. Kaya hindi sya nagkakaroon ng boyfriend dahil sa attitude nya." sabi ni Klein sa akin.
"Boyfriend?" tanong ko.
"Ah, lagot ako nito kapag bumalik sya." natatakot na sabi ni Klein.
"May naging boyfriend na ba sya dati?" tanong ko sa kanya.
"Bakit ka curious, siguro may gusto ka sa kanya ano?" nakangising tanong nya.
Oo!
"W-wala, curious lang ako!" sigaw ko.
"Sus, first time ka lang maging curious sa isang babae." patawa nyang sabi.
"Sabihin mo na lang kasi!" sigaw ko.
"Ehem.. Ganito kasi, may lalake kasing may gusto sa kanya dati dito. Noong nalaman ng lalake na 'yon na dati syang gangster ay nilayuan siya, hanggang sa sumunod-sunod." kwento ni Klein sa akin.
Eh.
Pagkatapos ko makipagkwentuhan kay Klein ay bumalik na agad ako sa bahay. Pagbalik ko ay nagulat ako na may bumato sa akin ng libro.
"Eh?" gulat ko.
"Bakit ka umalis?" galit na tanong nya.
"'E-eto, t-tinawag kasi ako ni Klein." palusot ko sa kanya.
"Sinungaling." sabi nya, at kinuha nya yung libro. "Nakakainis, nabato ko tuloy yung pinaka-mamahal na libro ni Hanayori Hanabusa." sabi nya, at bumalik sya sa sala.
N-nakakatakot.
Pero, ang weird.
Iba sya sa mga nakilala kong babae.
Bagay sya sa akin.
Kaso, paano sya?
May gusto ba sya sa akin?