Ritai's Point of View
Sumunod na araw.
Medyo naasar ako, imbis na ako lambingin ni Fueru.. si Ashell ang kasama nya. Dapat hindi ko na lang sinama yung pamangkin ko.
Biro lang naman yung sinabi ko ahaha..
Pero seryoso.
"Selos ka ano?" asar sa akin ni Klein.
"Tse.. Tumahimik ka." inis na sabi ko, at lumabas ako ng bahay nya.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Hanayori Hanabusa na kausap ang sikat na model na si Naito.
Ang ikinagulat ko pa ay hinalikan ni Naito ito sa labi.
Eh? Eh?!!!
Pagkatapos noon ay umalis silang dalawa, at ako naman ay natameme.
"Nakakainggit sila." sabi ko na lang.
Nagsuot ako ng salamin para hindi ako dumugin ng mga fans ko. Naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat, as always ang dami talagang tao para maligo sa dagat.
Gusto ko din sana maligo kaso may injured ako dahil sa shooting.
"Sana gumaling na si Rento." sabi ng babae sa kasama nya.
"Oo nga eh." sang-ayon ng kasama nya.
Kung ganyan lang si Fueru, mawawala agad yung injured ko. Kaso, si Ashell gusto nyang kasama.
Tch..
Dumating ang gabi.
Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko na karga ni Hanayori Hanabusa ang aking pamangkin. Natutulog na pala ito.
"Nasaan si Fueru?" tanong ko.
"Hinahanap mo agad kaibigan ko." nakangiting sabi nya.
"H-hindi ko sya hinahanap, nagtanong lang ako kasi karga mo pamangkin ko." sabi ko.
"Ah, nilapitan ako ni Ashell tapos natulog sya sa akin." sabi ni Hanayori.
Paano kasi, ang laki ng hinaharap mo. Sino hindi makakatulog sa iyong hinaharap?
"Osha, doon sya matutulog sa amin ni Naito." paalam nya sa akin, at pumunta na sya sa kanyang kwarto.
Pagkatapos nya ako kausapin ay nagulat ako na may kumalabit sa akin. Paglingon ko si Fueru iyon, kakatapos lang nya maligo. Humarap ako sa kanya, at hinawakan ko ang kanyang buhok kaso.
"Itigil mo nga 'yan." sabi nya, at sinapak nya ako.
"A-aray!" sigaw ko.
"Tara." sabi nya, at hinila nya ako papunta sa aking kwarto.
Pagdating namin sa aking kwarto ay pinaupo nya ako sa kama, at tumabi sya sa akin.
"Kaya hindi muna kita pinapansin, dahil natuwa ako na may isang lalakeng nagkagusto sa akin." sabi nya.
"Ano tingin mo sa akin, manloloko?" tanong ko sa kanya.
"Oo."
"Grabe ka." sabi ko, at hinila ko sya papunta sa akin. "Namiss talaga kita, hindi na kita papakawalan." sabay halik sa kanyang noo.
"Pangako 'yan." sabi nya, at ngumiti sya.
"Pero si Ashell yung kakausapin, at lalapitan nya." tampo ko.
"Ano ba 'yan, bata iyon." inis nya na sabi. "Pero, ngayon masosolo mo ako." sabi nya sabay hawak sa aking pisngi.
"Oo, masosolo kita ngayon." sabi ko, at hinalikan ko sya.
Habang tumatagal ang halikan naming dalawa ay hindi ko namalayan na nahuhubad ko na ang kanyang damit.
"F-fueru." tawag ko sa kanyang pangalan.
"A-ayos lang." sabi nya.
Hahalikan ko na sana sya na biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.
"Oi, yung pamangkin mo hinahanap ka!" sigaw ni Klein sa amin.
"Tch.. Istorbo talaga eh." inis na sabi ko.
"Kapag nagpakasal tayo, at gumaling yang injured mo.. gawin natin." sabi ni Fueru, at hinalikan nya ako.
B-bigla ako kinilig, first time ko nakita na ganito si Fueru. Noong una kong kilala sa kanya, sigeng layo sa akin, galit na galit pa sa akin.
Pagbukas ko ng pinto ay agad ako niyakap ng pamangkin ko.
"Gusto ko matulog sa inyo." sabi ni Ashell.
"Oh sige." sabi ko sa kanya.
-END