Miyuna's Point of View
Nagpunta kami sa Kuusuo Hotspring.
Pagdating namin ay nagulat ako na tulala ang dalawang magasawa kay Tsugihara. Magkakilala ba sila?
"T-tsugihara, anak ikaw ba 'yan?" tanong ng babae sa kanya.
"Opo, ako nga ito." sagot nya.
A-anak? Eeeeeeh?
"Kamusta ka na, akala ko hindi ka na babalik eh." sabi ng lalake sa kanya.
Ehhhhhhhh?!
"Ma, Pa, ipapakilala ko ang aking asawa, at ang aking anak." pagpakilala ni Tsugihara sa amin ni Miumi.
"Ako po si Miumi." pagpakilala ni Miumi.
"Miyuna po." pagpakilala ko.
"Naku, nakakatuwa na may apo na tayo Dear." masayang sabi ng kanyang Mama.
"Oo nga eh." masaya ding sabi ng kanyang Papa.
Ehhhhhh..
Pinunta kami sa magiging kwarto namin, Isinara muna ng magulang nya ang Hotspring dahil kakausapin kaming dalawa ni Tsugihara.
"Tsugihara, mukhang may nadale ka nanamang babae ah." sabi ng Papa nya.
"Eh?!" gulat ko.
"Biro lang iha, hindi ganon ang anak ko. Buti nagbago itong anak ko pagkatapos ng kanyang High School. Basagulero sya noong High School, madaming babaeng natatakot dahil sa kanya." kwento ng kanyang Papa sa akin.
Tinignan ko si Tsugihara, tahimik lang sya, hindi sya umiimik.
"Ako pala ang Mama ni Tsugihara, Irisu Kuusuo." pagpakilala ng kanyang Mama Tsugihara sa akin.
"Ako pala ang Papa ni Tsugihara, Shinso Kuusuo." pagpakilala ng kanyang Papa ni Tsugihara sa akin.
"Nagpakasal na ba kayo?" tanong ng Mama nya sa akin.
"Sa susunod na buwan magpapakasal kami, balak namin dito iganap ang kasal." sabi ni Tsugihara.
"Ah, paghahandaan namin ni Shinso ang kasal nyo." sabi ni Mama nya.
"Ako bahala sa gastos sa kasal." sagot ni Kuusuo.
Pagkatapos namin magusap ay sumama si Miumi sa lolo, at lola. Kami naman ni Tsugihara ang naiwan.
"Nakakagulat ang mga sinabi mo." sabi ko sa kanya. "Tsaka, hindi mo sinabi na ang Hotspring na pupuntahan natin ay yung sa iyo, tsaka wala kang sinasabi sa ganitong bagay." dagdag ko pa.
"Pasensya na, hindi kasi ako masyado naku-kwento ang buhay ko sa'yo." sagot nya.
"Ako din naman eh. Kaya quits na tayo." sabi ko sa kanya, at niyakap ko ang kanyang braso.
"Tara, igagala ko kayo ni Miumi." sabi niya sa akin.
"Sige."
Naggala kaming nila Miumi, at sya.
Nagpunta kami sa mga magagandang lugar na pwedeng mapag-piktyuran, at bumili kami ng souvenirs.
"Siguradong magugustuhan ng asawa ni Kishi ang lugar na ito." sabi nya.
"Bakit?"
"Sanay sya sa tahimik na lugar. Kahit puno ng mga gangster dito." sabi nya.
"Ahaha." tawa ko.
"Mama, Papa, gusto ko isama ang mga kaibigan ko dito." sabi ni Miumi sa amin.
"Kapag lumaki ka, pwede mo sila ipunta dito." sabi ko sa kanya, at umiling din si Tsugihara.
"Yey! Mama, Papa, nagugutom na ako." sabi ni Miumi sa amin.
"Tara, kumain na tayo." yaya ni Tsugihara.
"O sige."
Siguro kung hindi nakita ni Miumi ang kanya Papa. Siguro ganon pa din ako, at nagrebelde na sa akin si Miumi.
Total, kamukha naman nya talaga si Miumi.
"Miyuna, pwedeng Tsugi na lang itawag mo sa akin?" tanong nya sa akin.
"Ayoko, mas sanay akong tawagin kita ng Tsugihara." sabi ko sa kanya.
Tsaka napansin ko, kapag tinawag ko syang Tsugihara nagiging seryoso sya, at parang naiilang sya.
"Sige na nga, Tsugi na lang." sabi ko.
Ngumiti sya, at hinawakan nya ang aking kamay pati ang kamay ni Miumi.
"Mama, Papa, gusto ko magkaroon ng kapatid na lalake." sabi ni Miumi sa amin.
"Eh. Ikaw bata ka." gulat ko sa kanya.
"Sa takdang panahon anak." sagot ni Tsugihara.
"Oi!" sigaw ko sa kanya.