Miyuna's Point of View
Ako si Miyuna Azuna, 26 years old, isang Office Lady, maaga naging ina, dahil nakipag-break ang aking ex-boyfriend ko sa akin dati. Na makilala ko ang lalake na 'yon hindi ko iniisip ang mga sinasabi ko. Iba talaga kapag nalasing ka, hindi mo alam ang gagawin mo.
18 years old pa lang ako ay naging Ina ako.
Hanggang ngayon hindi ko pa din tanggap na anak ko sa ibang lalake si Miumi.Nakipagtalik ako sa isang lalakeng hindi ko kilala.
Kinagabihan.
Nagising ako ng mga 12 ng madaling araw.
Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko na kinakausap ni Miumi ang kanyang hinahanap nyang ama.
Ganitong oras nagdadaldalan pa kayo?
"Sa una, pero noong tumagal nasanay na. Alam mo, noong panahon na ganitong edad mo basagulero ako" kwento nya kay Miumi.
Basagulero? Hindi halata sa mukha.
Gusto ko sanang kunin si Miumi sa kanya kaso, kapag kinuha ko sya sa lalakeng iyon ay baka magwawala nanaman.
Noong 5 taong gulang sya, hinahanap nya ang kanyang Papa. Kung saan-saan sya nagpupupunta para mahanap nya ang kanyang Papa.
Hindi ko aakalain na makikita nya ito, kahit bata pa lang sya.
Kinaumagahan.
Tinignan ko muna saglit yung lalake, tulog na tulog sya kasama si Miumi. Ano oras na kaya sila nakatulog?
Dibale na nga papasok na lang ako.
Kinagabihan.
Paguwi ko ng bahay, nagulat ako na sobrang linis ng loob ng bahay. Agad ko sya pinuntahan kaso, tinuturuan nya si Miumi sa mga assignments nito.
"Papa, anong pangalan nyo?" tanong ni Miumi sa kanya.
"Tsugihara, tawagin mo na lang akong Tsugi." sabi nya.
"Hindi, Papa pa din itatawag ko sa'yo kahit isa kang estranghero sa bahay na ito." sabi nya.
"Alam mo pangalan ni Mama, si Miyuna, magka-similar kami ng pangalan kaso magkaiba ng dulo." dagdag nya.
Ang bata na ito.
Pagpunta ko sa kusina ay nagulat ako na may iniwan na ulam sa akin. Iba talaga kapag katulong sa bahay.
"Salamat sa pagkain." sabi ko, at umupo na para kumain.
Lumipas ng ilang oras.
Pagkatapos turuan ng lalake na 'yon si Miumi ay pinatulog na nya. Tapos, bigla-bigla syang nawawala. Ano 'yon The Flash lang?
Nagulat ako na nagbukas yung pinto, sya pala ang pumasok, ang nakakagulat ay basa ang kanyang buhok, at iba na ang kanyang damit.
"Saan ka nagpunta?" tanong ko sa kanya.
"Naligo sa Public Bath." sagot nya.
"Eh diba may banyo dito?" tanong ko sa kanya.
"Isa lang akong istranghero sa bahay mo, wala akong karapatan na--"
"Ahhh! Pwede ka naman gumamit ng banyo, wala naman akong sinabi na hindi ka pwedeng gumamit ng banyo. Tsaka, nilinis mo naman yung bahay ko, at pinagluto mo ako. Salamat." pagpasalamat ko sa kanya.
"Gawain ko iyon, kung wala akong gagawin dito sa bahay na ito. Walang kwenta ang aking buhay." sabi nya, at sinara nya ang pinto. "Tsaka, isang buwan lang ako dito. Gusto ko lang makita ang anak ko sa isang babaeng hindi ko naman kilala ng lubusan." sabi nya, at pumunta na sya sa Living Room.
Tama naman sya.
Tadhana ko na walang magmamahal na lalake sa akin.