Her Crush - Chapter 9: Strolling

4 2 0
                                    


Diana's Point of View


Mga ilang buwan ang lumipas ang ginawa ko tumambay kela Ronaldo, at Nonaka. Nagpaalam pa ako sa Principal na 9 na buwan ang pahinga.


Lulubusin ko ang 9 na buwan na pahinga!


Pero, bigla ko naalala yung nakaraan.


May babaeng humalik kay Jude.


Ano ba dahilan nya bakit ginagawa nya ito?


Kinuha na nya ang unang halik ko, hinawakan na nya ang parte ng katawan ko. Pero, hindi pa nya binalak na magtalik kami. Siguro, stress reliever lang nya talaga ako.


Hirap magkagusto sa lalakeng gwapo.


Dahil 7 buwan na lang ang natitira, kakalimutan ko sya!


Napansin ko na sobrang dumi ng apartment ko. Simulang nagtrabaho ako hindi na ako nakapaglinis ng maayos.


Yosh! Maglilinis na nga muna.


4 hours later.


Naging normal ulit. Wala nang kalat.


"Haist,," buntong hininga ko.


Naisipan ko pumunta sa bahay ng pinsan ko. Doon na din ako kakain ng hapunan, dahil tinatamad ako magluto ngayon.


Pagpunta ko sa bahay ng pinsan ko.


Habang nagluluto si Ronaldo.


"May tanong ako." sabi ko.


"Bakit Diana?" tanong ni pinsan sa akin.


"Kayo bang mga lalake seryoso sa isang babae?" tanong ko.


"Oo naman, kaya hanggang ngayon gusto ko pa din si Nonaka. Kahit alam ko na walang gusto si Nonaka sa akin, gagawa ako ng paraan para magkagusto sya sa akin." paliwanag nya.


Parehas sila ng sinabi ni Jude, totoo ba sinabi nya noong mga nakaraan?


Kasinungalingan.


"Hindi ko aakalain na ikaw ang magiging representative sa mga lalakeng mapapangasawa noon. Tsaka, hindi mo sinabi na nanatili sya dito ng 2 buwan." inis na sabi ko.


"Ahahaha.. Pasensya naman."


Tsaka.. Bakit ko ba sya iniisip?


Kalimutan mo na nga sya!

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now