Rejection - Chapter 10: Unusual Scene

1 0 0
                                    


Erika's Point of View


Madaling araw.


Nagising ako dahil gusto kong umihi. Hindi ko alam na magkatabi kami ni Jiro sa pagtulog. Siguro sa sobrang antok ko ay tinabihan na lang nya ako.


Paglabas ko ng kwarto ay napatingin ako sa kaliwa ng hallway.


Nakita ko si Mao, at yung lalake na si Jinro na naghahalikan.


E-eh?!


Agad akong pumasok sa loob ng kwarto, at hindi na lang nagbanyo. Ayokong istorbohin ginagawa nya, itatanong ko na lang sya bukas.


"May problema ba?" tanong ni Jiro sa akin.


"W-wala, pasensya na kung nagising kita." sabi ko sa kanya.


"Samahan na lang kita sa banyo, naiihi din ako." sabi nya, at bumangon sya.


E-eto, anong gagawin ko.


Hinawakan nya ang kamay ko, at sabay kaming lumabas ng kwarto.


Pagdating namin sa banyo ay ako muna ang pinauna ni Jiro.


Pagkatapos kong umihi ay si Jiro naman ang sumunod.


"Eto, yung lalake.."


"Ah, yung sumusunod kay Mao. Ka-trabaho ko sya, pangalan nya ay Yuuto." sabi ni Jiro. "Bakit mo naitanong?"


"Nakita ko kasi na hinalikan nya si Mao." sabi ko sa kanya.


"Haist.. Ang lalakeng 'yon, hindi makontrol ang pagka-lalake nya." sabi nya, at lumabas na sya sa banyo. "Sa totoo lang, first impression nya kay Mao yung sinuntok nya ako sa Cafe." kwento nya sa akin.


"E-eh, sinuntok ka nya?!" gulat ko.


"Tsaka, anak si Yuuto ng isang Mafia. Kaya napansin mo na iba yung kinikilos ni Mao." sabi ni Jiro.


"Sa tingin mo, magkakagusto kaya si Mao sa kanya. Naalala ko nung High School pa tayo, natakot sya na may gusto sa kanya yung gusto nya ding tao." sabi ko kay Jiro.


"Ba't hindi natin alamin?"


Ibang si Jiro sa mga lalakeng nakilala ko, alam nyang hindi nya sinasadyang may mangyari sa amin. K-kaso, hindi pa nya ako nahahalikan.


Kinaumagahan.


Habang nagwawalis ako ay nakita ko si Mao na nakahiga sa sofa, at napansin kong kulang sya sa tulog.


"Mao." tawag ko sa kanya.


Tumabi ako sa kanya, bumangon sya sabay niyakap nya ako.


"Anong gagawin ko, sa dinami-dami ng lalake bakit sya pa?" tanong nya sa akin.


"Kailan pa?" tanong ko sa kanya.


"Hindi ko alam, pero ang nakakainis pinagtitripan nya ako." sabi nya. "Kaya ni-reject ko kaklase natin noong High School dahil iyon ang kinakatakutan ko." dagdag nya.


Iyon pala ang dahilan nya.


"Eto, ito lang masasabi ko Mao. Ang kilala kong Mao ay matapang sa ganitong problema, kaya nyang tapakan ito. Tulad ng ginawa mo kay Jiro." sabi ko sa kanya, at pinigilan ko ang aking pagtawa.


"Ang lalakeng 'yon." inis na sabi ni Mao.


"Ahaha.. Yan ang Mao na kilala ko, kapag may ginawa nanaman sya sa'yo labanan mo." sabi ko sa kanya.


"Tama ka." sabi ni Mao. "Kaso, ilang beses na nya ginawa iyon kaya parang ayoko nang lumaban." malungkot nya na sabi.


"Ehhh.." gulat ko.


"Siguro, sya ata ang dahilan para mawala ang takot ko sa ganitong karanasan. Tsaka, anong ginawa nyo ni Jiro kagabi sa banyo?"


"N-nagpasama lang ako sa kanya."

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now