Erika's Point of View
Lumipas ang 1 buwan ay natanggap ang aking story, natuwa ako dahil 1st time ko lang gumawa ng storya na may mga kabanata. Mas nasanay kasi ako gumawa ng short story.
"Nice, hindi na sya unemployed." asar ni Ate Chan Li.
"Ate naman."
"Biro lang, pero masaya ako na iyon ang trabaho na nahanap mo. Tsaka, iyon naman ang gawain mo dati." sabi ni Ate Chan Li.
Naalala ko pala, may date kami bukas ni Jiro, noong nakaraang buwan na niyaya nya ako magdate, napuno sya ng madaming schedule sa trabaho nya.
Kinabukasan.
Pagpunta ko sa kanya ay nagulat ako na may dalawang kambal na nakahawak sa kanyang hita.
"Mukhang hindi tuloy date natin." dismaya nya na sabi.
Tsaka, halatang puyat sya.
"Marami pa namang araw, tsaka mukhang puyat ka." sabi ko sa kanya.
"Tito, asawa nyo?" tanong ng batang lalake.
"Tito, hindi ka nagsasabing may asawa ka na ah." sabi ng batang babae.
"Mga baliw." inis na sabi ni Jiro sa dalawa, at ginulo ang buhok ng dalawa. "Girlfriend ko pa lang sya, sa susunod na taon magiging asawa ko na sya." sagot nya sa dalawa.
M-medyo kinilig ako doon ah.
Pinapasok ako ni Jiro sa loob ng bahay, at pinakilala nya ang dalawa.
"Ito pala si Justin Steve." turo nya sa babae. "Ito naman si Arianne." turo nya sa lalake.
"A-ang weird ng pangalan." sabi ko.
"Lalake si Justim, mahaba lang buhok nya. Si Arianne ay mabagal ang paghaba ng buhok nya kaya akala mo lalake." sabi ni Jiro.
Ang weird talaga ng mga kambal minsan.
"Hmmm.. Kayong dalawa matutulog ang Tito Jiro nyo dahil pagod sya sa trabaho. Kaya, babantayan ko kayo." sabi ko sa dalawa.
"Talaga?!" masayang tanong ng dalawa.
"Oo." sabi ko.
Binantayan ko lang sila maglaro sa Living Room. Dahil busy naman sila sa paglalaro ay naisip ko na puntahan ko si Jiro sa kanyang kwarto.
Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay nakita kong nakaupo sya, mukhang hindi sya makatulog.
"Hindi ka makatulog?" tanong ko sa kanya, at tumabi ako sa kanya.
"Oo." sagot nya.
Anong gagawin ko?
"Gusto mo ba papuntahin ko yung kambal dito?" tanong ko sa kanya.
Agad syang tumayo, at ni-lock nya yung pinto, at lumapit sya sa akin.
"Mamaya na natin sila puntahan, delikado silang istorbohin." sabi nya.
"Kung 'yan sabi mo." sabi ko.
Humiga sya sa aking hita, at kinamot-kamot ko ang kanyang ulo. Mukhang napagod sya sa kanyang trabaho, tsaka hindi din kami nagkita ng 1 buwan dahil naging busy din ako.
Lumipas ng ilang oras.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako, nakayakap sa akin si Jiro, at ang mukha nya ay nakadikit sa aking dibdib. Y-yung kambal pala.
"J-jiro, yung kambal." sabi ko.
Nagising sya, at bumangon.
"O-oo nga pala." sabi nya. "Tsaka, mukhang lumaki yung hinaharap mo." sabay ngiti nya.
F-first time ko sya nakitang ngumiti, t-tsaka ginawa nya lang pantulog yung dibdib ko.
"Minsan ka lang makakatulog kaya umayos ka." inis na sabi ko.
"Biro lang, tara na baka kung ano na ginawa nila." sabi nya.
Agad kaming lumabas ng kwarto, at na-sopresa kaming dalawa sa aming nakita. Nakita ko si Beni na nakatulog ang kambal sa kanyang hita.
"B-bakit ka andito?" tanong ko.
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo na anak nya yung dalawa." sabi ko.
"Eh? Ehhhhhh?! Seryoso ka?!" gulat ko.
"Nag assume ka ata na magiging kami ni Arisa ano?" asar ni Beni sa akin.
"Tsaka, hindi na interesado si Arisa sa relationship." sabi ni Jiro.
"Hirap talaga kapag wala kang communication sa iba." malungkot na sabi ko.
"Tsaka, kanina pa ako katok ng katok sa kwarto mo Jiro.. mukhang may ginawa kayo ano?"
"Natulog lang kami yun lang." mabilis nya na sagot.
"Sayang." sabi ni Beni. "Osha, uuwi na kami." sabi nya.
Pagalis ni Beni kasama ng kambal ay napaisip ako, bakit ganon yung anak nya. Bigla akong kinabahan, wag kang magisip ng ganon Erika ng kung ano.
"May problema sa Gender yung kambal, sabi nya nabu-bully yung dalawa kaya nagswap sila ng Gender." sabi ni Jiro sa akin.
"Ang weird talaga ng kambal, naalala ko tuloy sina Arisa, at Akuto." sabi ko. "Tsaka, sino yung ama?" tanong ko.
"Bakit hindi mo na lang sya tanungin. Tsaka, magluluto na ako ng hapunan." sabi nya.
Haist.. Hindi pa din mawawala ang attitude ni Jiro, pero nagbago sya ng onti.
At ako naman ay bubutihin ang pagiging Novel Artist ko, at ang aming relationship ni Jiro.