Alone Person - Chapter 13

1 0 0
                                    

Mina's Point of View


"Ban, na-miss kita!" sigaw ng lalake sa kanya, at niyakap nya ito.


"L-lumayo ka nga!" pandidiri nya sa lalakeng 'yon.


"Ako nga pala si Yoshimitsu Akiyome, ang pinsan ni Banryuu. Ikaw ba ang magiging asawa nya?" tanong nya.


"O-oo." sabi ko.


"Ikaw Ban, hindi mo man lang ako hinintay."


"Pfft.. Hahahaha, nakakatuwa naman." tawa ko sa kanilang dalawa.


"Oh my, ang ganda mo kapag ganyan mukha mo." masayang sabi ni Yoshimitsu, at niyakap nya ako.


"Lumayo ka sa asawa ko." inis na sabi ni Banryuu sa kanya.


Sa kwarto, habang nagbibihis ako ng damit ay nagulat ako na biglang pumasok si Ban. Lumapit sya, at hinawakan nya ang pisngi ko.


"Ang ganda mo kapag ngumiti, at tumawa ka." sabi nya.


"T-talaga? Matagal-tagal din hindi ako nakatawa ng ganon." sabi ko sa kanya, at nagbihis ako.


"P-pasensya na, bigla-bigla lang ako pumapasok." pagpaumanhin nya.


"Ano ka ba, magiging normal lang 'yan kapag nagkasama tayo." sabi ko sa kanya. "Tsaka, yung Yoshimitsu parang nagbabaklaan lang." dagdag ko.


"Nagta-trabaho kasi sya sa Host Club, tsaka may tinatago yung lalakeng 'yon. Imposible maging bakla agad ang lalakeng 'yon, ikinahihiya nya ang angkan namin." sabay facepalm ni Banryuu.


Naalala ko, noong namatay ang Head Priestess, yung nagalaga sa akin noong Middle High School, hanggang High School ay umiiyak yung anak nya noong paalis ako. Pinigilan nya akong umalis, parang may kinakatakutan sya.


B-bakit ko ba naaalala 'yon?


"May problema ba?" tanong ni Banryuu sa akin.


"Naisip ko bisitahin ang huling tirahan ko." sabi ko.


"Bakit naman?" tanong ko.


"Gusto kong puntahan yung anak ng nagkupkop sa akin noong High School." sagot ko. "Kaso, walang magaalaga kay Keisaku." dagdag ko.


"Andyan naman si Mao, bakit? Ilang araw ka ba doon?" tanong nya sa akin.


"Isang linggo." sagot ko.


"Ehhhh.." gulat nya.


"Tch.. Bawal ba?" inis ko na tanong sa kanya.


"Pwede naman, kaso mamimiss kita." sabi nya.


"Magtrabaho ka na lang, tsaka babalik din naman ako." sabi ko.


Sumunod na araw.


Nakadating na ako sa Toyosaki Shrine, walang pagbabago ang lugar na ito, tsaka tahimik pa din at onti pa din ng mga taong naglalakad dito.


Nagsimula na akong umakyat sa hagdanan papuntang Toyosaki Shrine, habang naglalakad ako paakyat ay may nakasalubong ako na isang matandang babae. Nakita nya ako, at nagulat sya.


"M-mina?" gulat nya.


"E-eto.."


"Naku, matutuwa ang Young Maiden kapag andito ka." sabi nya, at nagmadali syang umakyat.Pagakyat ko sa Shrine ay nagulat ako na nakaabang sa akin yung matandang babae, at ang anak ng Head Priestess na si Majime Toyosaki.


"B-bumalik ka na." sabi nya, at tumakbo sya palapit sa akin para yakapin ako.


"Mananatili ako ng 1 linggo, may gusto akong malaman, noong umiyak ka noong umalis ako." sabi ko sa kanya.


Pagdating ko sa magiging kwarto ko ay inayos ni Majime ang aking higaan, at nagsimula na syang magsalita.


"Sasabihin ko sana sa'yo iyon kaso, wala kang buhay noon matapos ilibing si Mama." sabi nya."Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.


Umupo sya ng maayos, at iniyuko nya ang kanyang ulo.


"Naalala mo noong lamay ni Mama noon, may mga bumisita na pamilya ng Akiyome." sabi nya."Oo bakit?" tanong ko.


"Isang gabi ay may pumasok sa loob ng kwarto ko, natutulog ako noon, paggising ko may isang lalakeng nasa harap ko tapos may nangyari sa amin." kwento nya.


Naalala ko yung apilyedo ni Yoshimitsu.. Akiyome?


"Hindi ako nararapat maging isang Priestess kung nahawakan ako ng isang lalakeng hindi ko kilala." naiiyak nyang sabi.


"W-wag kang umiyak, tsaka pasensya na kung iniwan kita ng 6 na taon." pagpaumanhin ko sa kanya.


"Ayos lang sa akin, naintindihan ko naman yung pagalis mo noon. Wag mong sisihin yung nangyari kay Mama." sabi nya. "Tsaka, may nagbago sa'yo. May nangyari ba?" tanong nya.


"Ang totoo nyan, sa susunod na taon magpapakasal ako." sabi ko.


"Ehhhh.. Kaya pala, yung kilala kong Mina dati masyadong negatibo sa sarili, at nakakatakot yung aura." sabi nya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now