Kenshin's Point of View
Kinaumagahan.
Pagbangon ko ay nakita ko na sobrang sarap ng tulog ni Sheena, pinabayaan ko na lang sya matulog ayoko sya maistorbo.
Paglabas ko ng kwarto ay nagulat si Kuya sa akin.
"B-bakit ka andyan sa kwarto ni Sheena?!" gulat nya.
"Masama ba matulog sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"Eh, anong pinagsasabi mo?!"
"Girlfriend ko sya." sagot ko.
"Ano?!" gulat nya ulit.
"Oi! Anong pinagsasabi mo?!" galit na sabi nya, at binatukan nya ako.
Ah, gising na sya.
"Bakit, diba nagconfess tayo sa isa't isa ibig sabihin magkasintahan na tayo. Tsaka, ilang beses na natin ginagawa iyon bago pa naging tayo." paliwanag ko sa kanya, at inakbayan ko sya.
"K-kenshin, walang hiya ka.. inunahan mo na kuya mo!!!" iyak ni Kuya Jin.
"Congrats sa inyo pinsan." sabi ni Rei.
Nagthumbs up na lang ako.
Habang naglilinis kami ni Sheena sa Attic ay napansin ko na masyado syang matamlay. Parang kagabi binubugbog pa nya ako para pigilan nya ako sa balak ko sa kanya.
"Pwede ka na magpahinga." sabi ko sa kanya.
"A-ayos lang ako." mabilis nyang sabi.
"Halatang hindi ka okay, magpahinga ka muna." seryoso na sabi ko sa kanya.
Medyo naging harsh ako sa kanya ngayon, pero kailangan ayoko syang mapagod.
Pagkatapos ko linisin ang Attic ay dumiretso ako sa kwarto nya, nakita ko na nakahiga sya, at natutulog sya ng mahimbing.
"Alam mo nilinis nya lahat ng kwarto kahapon, kaya sobrang pagod sya hanggang ngayon." sabi ni Arthur. "Buti nga, hindi sumakit yung braso nya." dagdag nya.
"Kaya pinagpahinga ko sya." sabi ko.
"Heh."
Dumating ang hapon.
Habang nagguguhit ako sa sketchpad ay napansin ko na bumangon na sya sa kanyang higaan. Tumigil ako sa pagguguhit, at hinawakan ko ang kanyang braso.
"A-aray." sabi nya sa sakit.
"Sabi ko sayo wag kang magpapagod." sabi ko sa kanya.
"A-ang sakit." sabi nya.
"Sasakit talaga yan, nilinis nyo lahat ng kwarto buong maghapon." sabi ko sa kanya.
"Nakaka-enjoy kasi maglinis eh." sabi nya.
Bumitaw ako sa paghawak ko sa kanyang braso, at tinitigan ko sya.
"B-bakit?" tanong nya.
"Balak ko na tumigil sa pagguguhit. Kapag natapos ko yung illustrate ko sa novel ni Hanayori Hanabusa, titigil ako para alagaan kita." sabi ko sa kanya.
"A-anong pinagsasabi mo?" tanong nya sa akin.
"Ako may kasalanan kung bakit hindi natupad ang pangarap mo. Tsaka, gagawin ko lahat para hindi bumalik ang sakit ng braso mo." sabi ko sa kanya.
"A-ayos lang, matagal na kita napatawad doon. Tsaka, ikaw gumawa sa aking pangarap. T-tsaka, salamat sa sinabi mong aalagaan mo ako." sabay iwas nya ng tingin sa akin.
Napangiti ako sa kanyang sinabi, at hindi ko mapigilan na yakapin sya.
"H-hindi talaga kita maintindihan, Kenshin!" sigaw nya sa akin.