Diana's Point of View
Tapos na ang bakasyon ng mga estudyante, balik ulit sa dati.
Habang nagbabasa ako ng libro ay napansin ko na kanina pa nakatitig sa akin si Nikki.
"M-may problema nanaman ba?" tanong ko sa kanya.
"A-anong relasyon nyo ni Jude?" tanong sa akin ni Nikki.
Eh?
"N-nakita ko kayo n-nung nakaraang linggo na bigla ka nyang.." mahina nyang sabi.
Naririnig ko.
"W-wala, m-magkaibigan lang kami." sabi ko sa kanya.
"A-ahh.." sabi nya, at bumuntong hininga sya.
"May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko.
"Wala, kasi kinabahan ako kung ano ginawa nya sayo." sabi ni Nikki.
Nakita nga nya!
Dumating ang hapon.
"Sa susunod wag mo nga gawin 'yon!" galit na sabi ko sa kanya.
"Bakit may nakakita ba?" tanong nya.
"Malamang." inis na sabi ko.
"Paano ba naman kasi, palagi nakadikit yung Genderless na 'yon." tampo nya.
"Wag mo nga sya idamay dito. Sa susunod kasi kung gagawin mo 'yon dapat sa walang tao." sabi ko sa kanya.
"Ibig sabihin, gusto mo yung ginagawa ko sayo?" tanong ni Jude sa akin.
N-nadulas ako sa sinabi ko.
"Hindi!" sigaw ko sa kanya.
"Kahit i-deny mo pa sa akin gusto mo yung ginagawa ko sa'yo." sabi ni Jude. "Sabay tayo umuwi." sabi nya.
"Sabi ko kasabay ko si Sanae." sabi ko.
"Tch.. Pwes, maghanap ng kasabay si Sanae mo." sabi nya, at hinawakan nya ang aking kamay, sabay kaming lumabas.
As always, dito ulit ako matutulog.
Nakaupo lang ako sa sofa, tulala, at hindi ko alam ang iniisip ni Jude.
"Tulala ka dyan ah." sabi nya, at nagbihis sya ng damit.
"Ano ba 'yan wag ka nga magbihis sa harapan ko." reklamo ko.
"Ehhh, pero gusto mo talaga makita katawan ko eh." asar nya sa akin, at hinawakan nya ang aking bewang.
"Bakit trip mo hawakan yung bewang ko?" galit na tanong ko sa kanya.
"Slim kasi." sagot nya, tapos bumitaw sya. "Alam mo kung ano nagustuhan ko sa'yo?" tanong nya sa akin.
"Ano?"
"Mabait ka, maganda kahit hindi ka nagaayos noong High School. Gusto sana kitang lapitan kaso, nakadikit sa'yo palagi yung dalawa mong kaibigan." paliwanag nya sa akin.
"Aaminin ko may gusto ako sa'yo dati kaso malapitin ka ng mga babae, tapos ngayon nalaman ko yung ugali mo lalo pa nawala yung pagkagusto ko sa'yo." sabi ko sa kanya.
"Inamin mo din." sabi nya.
"Tsaka, kaya iniiwasan kita dahil palagi mo na lang ako minamanyak!" sigaw ko sa kanya.
"Wag naman galit, alam mong minamanyak kita dahil ikaw lang ang babaeng gusto ko." sabi nya, at bigla nya akong pinahiga sa sofa. "Mahal kita, Diana." sabi nya, at hinalikan nya ako.Mahal din kita, Jude..
Sumunod na araw.
"Umuwi ka na agad noon?" tanong ni Sanae sa akin.
"Oo, inaantok na din ako noon." sabi ko.
"Hmmm.. Mabuti 'yon." sabi nya.
Ang totoo, naiinis talaga ako, ang lakas talaga ng loob ng lalake na 'yon hawakan ang dibdib ko!
"Pero, sasabay ka na talaga sa akin." sabi ni Sanae.