Yoshimitsu's Point of View
"Majime, pasensya na." sabi ko sa kanya.
"A-ayos lang, m-m-masasanay din ako." sabi nya, at pulang-pula ang kanyang pisngi.
Medyo nagsisi ako kagabi sa ginawa ko.
2 beses namin ginawa ang bagay na 'yon, tapos 1 linggo na hindi ako pinapansin si Majime.
Ahhh.. Hirap talaga kapag hindi mapigilan ang kalibugan ng lalake.
"Majime!" pamimilit ko.
Hindi pa din nya ako kinakausap.
Anong gagawin ko, mukhang mangyayari ulit yung nangyari dati!
"Tsugihara!!" sigaw ko.
"Wala akong mabibigay na payo sa'yo." sabi nya. "Hindi ako magaling sa ganyan, si Kishi kausapin mo." sabi nya.
Nagpunta ako kela Kishi.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari, hindi na ako mage-expect sa kanilang reaksyon, natawa na lang sila sa sinabi ko sa kanya.
"Ikaw naman kasi eh, kaya ka nilayuan ng mga nagustuhan mong babae noong High School, at College. Halatang mukha kang manyakis eh." sabi ni Kishi.
"Oi, wag ka ngang ganyan." sabi ni Nikki, at kinurot nya ito sa pisngi.
"Aray, aray, aray!" sabi nya sa sakit.
"Natatakot ako na mangyari ulit iyon." sabi ko.
"6 na taon hindi nyo nagawa ulit 'yon. Siguro, naninibago lang si Majime. Tsaka, wag mong kalimutan na isa syang Maiden Priestess ng Toyosaki Shrine." sabi ni Nikki.
"Hindi sya tulad ng asawa ko na gustong gusto 'yon." sabi ni Kishi.
"Ikaw lang." sabi nya.
"Mamaya pagkatapos nyang patulugin si Aina. May plano kami ni Nikki."
Paguwi naming dalawa sa bahay ay hinawakan nya ang aking braso, tapos niyakap nya ito.
"Pasensya na kung hindi kita pinansin, medyo nanibago lang ako, hindi ko aakalain na dalawang beses gagawin natin 'yon." sabi nya.
"Kinabahan ako, akala ko mangyayari ulit yung nakaraan. Yung lang pala, tsaka gusto ko magkaroon ulit tayo ng anak. Kapag isinilang sya ako ang magaalaga sa kanya." sabi ko.
"Anong ikaw, tayo ang magaalaga." sabi nya.
Sumunod na araw.
Pagpunta ko sa kanyang kwarto ay nakita ko syang tinititigan nya ang damit na binigay ng aking secretary. Nilapitan ko ito, at kinausap.
"Wag mong piliting suotin ang ganyan." sabi ko.
"Bagay kaya sa akin, suotin ang damit na 'to?" tanong nya sa akin.
"Bakit hindi mo suotin?" tanong ko.
Lumipas ang 5 minuto ay naisuot nya ang damit. Nakita ko sa expression ng kanyang mukha na gustong-gusto nya ang damit na suot nya.
"Gusto ko ang damit na 'to, halatang alam ng secretary mo ang damit na gusto ko." sabi nya.
"Illustrator ng damit ang secretary ko, noong nakita ka nya ay naisipan nyang magguhit ng damit na mababagay sa'yo." paliwanag ko sa kanya. "So, bukas wala akong pasok kaya igagala kita sa syodad na 'to." dagdag ko.
"S-seryoso ka?" tanong nya, at namutla ito.
"W-wag kang magalala, ipupunta kita sa lugar na gusto ko." sabi ko. "Hindi kita igagala ng mahabang oras dahil alam ko na kapag naggala tayo sa madaming tao ay mahihilo ka." dagdag ko.
"Kapag bumalik ako sa Toyosaki Shrine, ipapakita ko sa'yo yung paborito kong lugar." sabi nya din.
"Aabangan ko 'yan." sabi ko, at niyakap ko sya.