Her Crush - Chapter 11: Babysitter

4 2 0
                                    


Diana's Point of View


Pinapunta ako ni Finis sa kanilang bahay. Nagulat ako na nanganak na pala sya, tsaka ang cute ng anak nila.


"A-ang cute!" sigaw ko.


"Magasawa ka na kasi." asar sa akin ni Finis.


"Tse, tsaka bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko sa kanya.


"May bibilhin ako sa Mall, bale ipapabantay ko sa'yo ang anak ko." sabi nya.


A-anak anak hindi maisama sa mga pupuntahan.


"Oh sige." payag ko. "Tsaka, may tanong ako. A-anong pakiramdam noong nagtalik kayo?" tanong ko kay Finis.


"Hmmm.. Masakit sa umpisa, pero masasanay ka din." sabi nya.


A-ano?!


"Bakit mo naitanong 'yan?" tanong nya.


"W-wala." sabi ko, at kinarga ko ang kanyang anak. "Maglalakad-lakad muna kasama anak mo para malibang." dagdag ko.


"Sige." payag nya.


Kinausap ko ang Principal na itigil ko ang mahabang bakasyon, dahil wala din naman katuturan kung magbabakasyon ako tapos nasa utak ko pa din yung lalake na 'yon.


Habang binabantayan ko ang mga estudyante ko sa kanilang exam ay napansin ko na kanina pa sila nakatingin sa akin.


"May problema ba?" tanong ko.


"Anak nyo po??" tanong ng isa kong estudyante.


"Pinapabantay sa akin." sabi ko.


Tapos bumalik na sila sa kanilang pagsusulit.


Dumating ang hapon.


Habang pinapainom ko ng gatas sa bote ang sanggol ni Finis ay kanina ko pa napapansin na hindi mapakali si Nikki sa kanyang pwesto.


Siguro, gusto nyang kargahin yung sanggol.


"Gusto mo ba kargahin sya?" tanong ko sa kanya.


"O-oo!" masaya nyang sabi.


Pagbigay ko sa kanya ay natuwa si Nikki sa bata. Ngumiti ito sa kanya, at hinawakan ang kanyang pisngi.


"Ang cute." nakangiting sabi ni Nikki.


Ano nakakatuwa sa isang sanggol, kung lalaki naman syang pasaway sa'yo.


Dumating ang gabi.


Pumunta ako sa bahay ni Finis para maibalik ang kanyang anak, ang sarap ng tulog nya noong naibalik ko sya. Medyo nahirapan ako kanina sa batang 'yan, bigla-biglang iiyak hindi mo alam kung ano ang gusto. Tapos, maamoy na nagdumi na sa pampers.


"Haist.." buntong hininga ko.


"Mukhang pagod ah."


Napalingon ako, si Jude pala iyon.


"Siguro kung sa ibang babae ginawa mo 'yan, nahuli ka na ng pulis." sabi ko sa kanya.


"Ikaw naman, alam mo nagalala yung mahal mo." sabi nya, at hinawakan nya ang aking ulo.


"A-anong mahal!" sigaw ko sa kanya. "Stress reliever mo lang naman ako." sabi ko.


"Tama, stress reliever kita. Dahil ikaw lang ang babaeng magpapatanggal ng pagod ko." sabi nya, at hinawakan nya ang aking kamay.


"Uuwi na ako." sabi ko.


"Sa akin ka uuwi." sabi nya.


"Pauwiin mo naman ako sa apartment ko!!"


Kinaumagahan.


Habang nagbibihis ako ng damit ay nagulat ako na may bata na nakasilip sa pintuan ng kwarto ni Jude.


"Naku po!" sigaw ko, at niyugyog ko si Jude.


Agad nagising si Jude, at bumangon. Napatingin din sya sa bata na nakasilip sa pintuan.


"Ah, si Eddie pala." sabi ni Jude.


"Eddie?" tanong ko.


"Anak ng kapatid ko." sabi nya. "Tsaka, takot ka pala sa bata." nakangisi nya.


"O-oi nagulat lang ako." sabi ko.


"Paano 'yan kung magkaka-anak tayo matatakot ka sa baby natin." asar nya.


"Ang aga-aga." inis na sabi ko.


"Ahahahaha!" tawa nya.


Nagulat lang talaga ako, pero ang kinakatakutan ko talaga ay ang dilim.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now