Love is Scary - Chapter 3: Curious

7 2 0
                                    


Nikki's Point of View


Pagkatapos ko icheck ang mga assignment ay napatingin ako saglit sa isa kong co-teacher na may benda sya sa kanyang braso.


Gusto ko sya kausapin. Kaso natatakot ako, pero nagulat ako na bigla syang napasigaw sa akin.


"Wah!" sigaw nya.


"A-a-a-a-ano.." natataranta na sabi ko.


"B-bakit?" tanong nya.


"A-ayos lang ba yung braso mo?" tanong ko sa kanya.


"O-oo, hindi na masakit." sabi nya.


"Haist.. Buti naman." buntong hininga ko. "A-ano, hindi tayo masyadong naguusap kasi busy ka palagi sa pagtuturo. A-ako pala si Nikki Taichi." pagpakilala ko.


"D-diana." pagpakilala nya din.


Sabay kami umuwi ni Diana, dahil malapit lang aking tirahan ay humiwalay na ako sa kanya. Habang naglalakad ako pauwi ay nasalubong ko si Tsugi.


"Sabay na tayo umuwi Miss Nikki." sabi ni Tsugi sa akin.


Umiling lang ako.


Habang naglalakad kami pauwi ay biglang nagsalita si Tsugi.


"Alam mo ba, noong bata pa si Master Kishi ay hindi sya masyado nakikiusap sa mga babae. Tapos, mapili sya makipagkaibigan." kwento ni Tsugi.


"Matanong ko lang, bakit nasa kwarto lang buong maghapon si Kishi?" tanong ko sa kanya.


"Sa totoo lang, sa kwarto na lang nya ginagawa yung trabaho nya. May pagkatamad din si Master, pero kapag may meeting sa kompanya nila ay pumupunta sya." sabi ni Tsugi.


"Hmmm.. Bakit nya ako napili maging asawa nya?" tanong ko sa kanya.


"Dahil, iba ka sa babaeng pinakilala ng kanyang Papa. Hindi na sya nagpaligoy pa, pumayag sya agad." sagot ni Tsugi.


"Sa totoo lang, kaya hindi ako masyadong nakikiusap sa inyo ay nadala na ako." sabi ko."Nadala saan Miss Nikki?" tanong nya.


"Ako ang dahilan kung bakit namatay sina Mama, Papa, Lolo, at Lola. Siguro sa sobrang mahal ko sila ay nawawala sila isa-isa. Kaya iniwasan ko magkagusto, at magkaroon ng kaibigan." sabi ko.


"Wag ka magagalit, kaya namamatay ang mga tao dahil oras na nila. Wag mo sisihin sarili mo na ikaw ang dahilan na namatay ang iyong mahal sa buhay." sabi ni Tsugi.


Sa sobrang haba ng usapan namin ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Nagpaalam na si Tsugi na tutulong sya sa pagluto ng hapunan sa may kusina. Ako naman ay dumiretso sa kwarto.


Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na nagbibihis ng damit si Kishi. Nagulat sya, at nagmadaling nagbihis ng T-Shirt.


"Kumatok ka naman bago pumasok." sabi nya sa akin.


"Pasensya na." sabi ko, at nilapag ko ang aking bag sa may lamesa, at lumabas ako ng kwarto.Maggala-gala muna ako.


Sinabihan ko si Tsugi na maghahapunan na lang ako sa malapit na restaurant, at wag sasabihin kung saan ako pupunta. Kahit sabihin ko 'yon wala naman akong pake, lalo na sya.


Pagdating ko sa Japanese Restaurant ay pumasok na ako sa loob, naghanap ng mauupuan, at naghanap sa menu na pwedeng kainin.


"Hmmm.."


Ano pwedeng kainin?


"Oh, andito pala mapapangasawa ni Kuya." sabi ng babae sa akin.


Napalingon ako sa kanya, at umupo sya sa tabi ko.


"Bakit ka dito kumakain?" tanong nya sa akin.


"Nasanay akong kumain sa mga restaurant noong namatay sina Lolo, at Lola." sabi ko.


"Hindi ka ba marunong magluto?" tanong nya sa akin.


Hindi ako umimik. Marunong ako magluto, pero nawala na iyon dahil sa kanila.


"Okay, sasabay na lang ako kakain sa'yo. Ako pala si Sanae." pagpakilala nya sa akin. "Ikaw si Nikki, yung tahimik na guro." dagdag nya.


Naalala ko, sya pala yung bagong guro sa pinagtatrabahuan ko.


Dibale, siguro hindi din nya sasabihin na nagkita kami.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now