The Former Gangster - Chapter 11: I Hate You

8 2 0
                                    


Fueru's Point of View


Kinaumagahan.


B-baka narinig ni Ritai yung mga sinabi ko kay Hanayori. Kinakabahan ako, hindi na ako mapakali, hindi na ako makapagisip kagabi pa.


"Ate Fueru." tawag sa akin ni Ashell.


"B-b-b-b-b-bakit?!" naatataranta kong sagot.


"Makikipaglaro ako sa playground." paalam nya sa akin.


"Sige, bumalik ka kapag nag 5pm na." sabi ko.


Pagalis ni Ashell ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Ritai sa sofa.


"G-gising ka na pala!" sigaw ko sa kanya.


"Inaantok pa din ako, napuyat ako sa nilaro ko." sabi nya, at inakbayan nya ako. "Fueru, bakit ayaw mo ako gustuhin?" tanong nya sa akin.


S-sabi ko na narinig nya pinag-usapan namin!!!


"Narinig mo na diba, magkaiba mundo natin. Hindi tayo pwede." sabi ko.


"Parehas tayo ng mundong kinatatayuan, wala silang pake kung may gusto ang isang artista na katulad ko na magkakagusto sa normal na babae. Ang maganda, ay nagmamahalan tayo." sabi nya, at hinalikan nya ako.


Pagkatapos nya ako halikan, ay bigla syang humiga sa aking dibdib, at nakatulog ito.S-sira ulo ka talaga.


Dumating ang gabi.


Pagkatapos kong patulugin si Ashell ay lumabas na ako sa kwarto nya. Nakita ko si Ritai na papasok pa lang sa kanyang kwarto.


Na makita nya ako ay agad sya lumapit sa akin, at hinawakan nya ang kamay ko.


"P-pasensya na sa ginawa ko, inaantok pa ako noon kaya nagawa ko 'yon." paghingi nya ng pasensya sa akin.


Ganyan naman kayo mga lalake, sinasadya nyo.


"Pero, gusto ulit kita halikan." sabi nya, at hinigpitan nya ang hawak nya sa aking kamay.


"B-baliw ka na." sabi ko, at bumitaw ako sa paghawak sa aking kamay. "Itulog mo na lang yan." dagdag ko.


"Okay." sabi nya, at binuhat nya ako papunta sa kanyang kwarto.


Pagpasok namin sa kanyang kwarto ay inilapag nya ako sa kanyang kama. Tapos, hinalikan nya ulit ako.


Itinulak ko sya, at bumangon ako mula sa pagkahiga.


"Itigil mo nga 'yan!" sigaw ko sa kanya. "Natatakot lang kasi ako, baka kapag sinabi ko na may gusto ako sa'yo, baka matulad ka lang sa mga lalakeng nagustuhan ko. Pero, hindi ko aakalain na magkakagusto ka sa akin!" paiyak na sabi ko.


Habang umiiyak ako ay naramdaman ko na pinunasan niya ang aking luha.


"Pasensya na, hindi ko talaga maiwasan halikan ang babaeng gustong-gusto ko." sabi nya, at hinalikan nya ako ulit.


Pagkatapos nya ako halikan ay niyakap nya ako.


"Tumabi ka muna sa aking pagtulog para kumalma ka." sabi nya sa akin.


Natulog ako sa kanyang kwarto, at syempre walang nangyari sa amin. Niyakap lang nya ako sa pagtulog naming dalawa.


Kinaumagahan.


Habang tinutulungan ko magkulay sa coloring book si Ashell ay naaalala ko pa din yung kagabi."Aalis muna ako, may tinatawag ako ng manager ko." pagpaalam ni Ritai sa amin.


"Ingat ka Uncle!" sabi ni Ashell sa kanya.


Lumapit sa akin si Ritai, tapos hinalikan nya ako sa labi. Sa gulat ko ay bigla ko syang sinikmuraan.


"N-nababaliw ka na?!" galit na sabi ko sa kanya.


"A-aray, first time mo ako nasuntok. Ahahahaha!" tawa nya. "Sige, aalis na ako." paalam nya sa akin.


"Oo, umalis ka na." sabi ko sa kanya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now