Rejection - Chapter 12: She Don't Need Me

1 0 0
                                    


Erika's Point of View


Lumipas ang 2 araw ay nakauwi kami sa aming mga tirahan, kahit madaming nangyari ay hindi pa din mawawala yung kasiyahan bago kami umuwi.


"Salamat sa paghatid sa akin." sabi ko sa kanya.


"Sa susunod na linggo, yayayain sana kita sa Date." sabi nya sa akin.


"E-eh?!" gulat ko.


"Sa susunod na linggo pa naman 'yon wag kang magalala, tsaka naging masaya yung pagpahinga natin sa Rest House." sabi nya.


"Ako din." sabi ko.


Sumunod na araw.


Habang gumagawa ako ng manuscripts ay hindi ko namalayan na nakatulog ang pamangkin ko sa sofa. Tumigil muna ako sa pagta-type, at kinarga ko sya papunta sa kanyang kwarto.


Pinahiga ko sya sa kanyang higaan, at kinumutan.


Kahit naging unemployed ako ay masaya akong inalagaan ang aking pamangkin.


Sakto dumating si Ate Chan Li.


"Ano hinahanap ka ni Mao, puntahan mo sya sa Pet Shop." sabi nya.


May kutob ako.


Kapag hinahanap ako ni Mao, may nangyaring hindi maganda. Agad akong umalis sa bahay, at pinuntahan si Mao.


Pagdating ko sa Pet Shop ay nakita ko yung lalakeng humalik kay Mao sa Rest House. Nakita kong buhat ni Mao yung bangkay ng hayop, kita ko sa mukha ng lalakeng 'yon ang malungkot nyang mukha.


Niyakap na lang nya si Mao, at pinatahan nya ito.


Mukhang may pumalit na sa akin.


"Masaya ako sa'yo." sabi ko.


Tumambay ako sa parke, at pinanood ko yung mga batang naglalaro malapit sa Fountain. 


Naramdaman ko na may humawak sa aking ulo. Pagtingin ko ay si Jiro pala 'yon.


"Tapos na trabaho mo?" tanong ko sa kanya.


"Oo, medyo nakakapagod." sabi nya, at uminom sya ng tubig. "Nakita kitang nagpunta kay Mao, mukhang alam mo na yung nangyari." sabi nya.


Hindi na lang ako umimik, at nalungkot ako.


Naaalala ko na kapag nakakakita ng patay na hayop si Mao iniiyakan ito. Tapos, kapag hindi nya nailigtas magkukulong sya, at iiyak.


"Masaya ako na may lalakeng magmamahal sa kanya." sabi ko.


"Ano pala."


"Hmmm?"


"Ganon pa din ba Phone Number mo?" tanong nya.


"Ilang taon na akong hindi gumagamit ng cellphone." sabi ko.


"Eh.." gulat nya. "Kaya pala noong tinatanong ko si Mao tungkol sa phone number mo sinasabi nya ay wala ka nang pagasa sa kanya. Y-yun pala ang tinutukoy nya." paliwanag nya sa akin.


Eh?


Pagkatapos namin tumambay sa parke ay inihatid nya ako pauwi.


"Oh yung sikat na model." sabi ni Ate Chan Li.


"Magandang gabi." bati nya.


"Boyfriend mo yung sikat na Model na 'yan?!" gulat ni Ate Chan Li.


"O-oo." sagot ko.


"Hindi kapani-paniwala, pero mukhang mabait ang lalakeng 'to. Oi ikaw wag mong sasaktan kapatid ko ah." sabi ni Ate Chan Li sa kanya.


"Hindi ko sya sasaktan." seryoso nyang sabi.


"Mabuti naman."


Tinuloy ko na ang paggawa ng Manuscript.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now