Drawn in Passion - Chapter 9: Other Girl.

1 0 0
                                    

Sheena's Point of View


"Sheena, Miyuna, samahan nyo ako sa pupuntahan ko sa susunod na linggo." pakiusap nya sa akin.


"Bakit hindi ka magpasama sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya.


"E-eto, busy sya.."


"Busy ako, pupunta ako sa mama, at papa ko." palusot ko.


"May date kami ng pamilya ko." palusot din ni Miyuna.


"Pakiusap! Dadagdagan ko sweldo nyo." pagmamakaawa nya sa amin.


"Talaga?" nakangising sambit namin.


Pagkatapos kami kausapin ni Manager Jin ay binuksan na namin ang pinto para lumabas, at nagulat kami may isang babae na nakatayo sa harapan namin.


"Andyan po si Manager Jin?" tanong ng babae sa akin.


"A-andyan." sagot ni Miyuna.


Sa aking pagsusuri, isa syang guro, maganda ang katawan, at girlfriend ni Manager Jin?


"Oh, Rei bakit ka andito?" tanong ni Manager Jin sa kanya.


"Nasaan yung kapatid mo?" mataray nyang tanong.


"Ayaw nya magpaistorbo ngayon." seryosong sabi ni Manager Jin sa kanya.


"Huh?!" galit nya na sabi. "Dibale, pupunta na lang ako, Ikaw babae, sumama ka sa akin." turo nya sa akin.


"Eh?!" gulat ko.


Hinila nya ako hanggang palabas sa building, at hindi ko namalayan na andito na kami sa pamamahay ni Manager Jin. Anong pakay nya sa lalakeng 'yon?


"Oi, buksan mo ito!" sigaw nya habang kumakatakot sa pinto.


Pagbukas nya ng pinto ay nagulat ako na bigla nyang niyakap si Kenshin. A-ano ito?! Sinama lang nya ako para makita kong naglalandian ito.


"Kenshin, na-miss kita!" malandi nyang sabi.


Kanina parang galit sya ngayon, nakita nya ang lalakeng 'yan ay biglang bumait. Tsaka, hindi ko aakalain na may babae itong lalake na ito.


Matapos nya ako pagsamantalahan ng ilang beses ganito lang? May bago na syang babae, bully pa din sya hanggang ngayon!


"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Kenshin sa kanya.


"Na-miss ko naman ang ex ko." sagot nya.


"Wala akong ex, tsaka lumayas ka na sa pagmumukha ko." galit na sabi nya, at pilit na bumitaw sa babae.


"Ms., tapos ko na kayo i-escort sa bahay nya.. babalik na ako sa trabaho." sabi ko sa kanya.


"Ah salamat pala, pwede ka na makalayas para masolo ko ang ex ko.. shoo.."


Ang kapal ng mukha.


Wag syang magpapakita sa akin.


Sumunod na araw.


10 minutong break time sabay kaming kumain nila Manager Jin, at Miyuna.


Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Manager Jin.


"Describe Jin." sabi ni Manager Jin sa amin.


"Mysterious, at Tahimik." sabi ni Miyuna.


"Manyakis, Bully." inis na sabi ko.


Nanahimik sila sa sinabi ko, at nagpatuloy na sila sa kanilang pagkain. Pagkatapos ng 10 minutes break ay bumalik na kami sa trabaho, at hanggang ngayon naaalala ko pa din yung nangyari kahapon.


Nakakainis, nakakainis, ayoko na makita pagmumukha nya.


Lumipas ng ilang oras ay natapos na kami sa trabaho.


Nagulat ako na nakasandal sya sa may pader, at may inaantay.


"Bakit mo sinabi iyon?" tanong ni Miyuna sa akin.


"Panget ugali nya noong High School." sagot ko.


"Sheena!" tawag sa akin ng pamilyar na boses.


Paglingon ko ay si Arthur. Akala ko umuwi na sya sa kanyang bansa?


"Oh, bakit andito ka ulit?" tanong ko sa kanya.


"Niyaya ako ni Jin sa pupuntahan nyo." sabi ni Arthur.


"Wow, masaya 'yan." masayang sabi ko.


"Masaya nga, tsaka parang hindi ka masaya na andito ulit ako." sabi ni Arthur.


"Ahahaha." tawa ko na lang.


"The more the merrier." sabi ng babae sa amin.


T-teka, y-yung babae kahapon?!


"Wala akong sinabi na isasama kita Rei." sabi ni Manager Jin sa kanya.


"Ako nagyaya sa kanya." sabi ni Kenshin, at hinila nya yung babae papalapit sa kanya.


Tinitigan ko lang sila na parang eyesore sa mga mata mo.


"Ihatid na kita pauwi." sabi ni Arthur sa akin.


"Sige."

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now