Her Crush - Chapter 5: Wound

5 2 0
                                    

Diana's Point of View


"Ma'am, ayos lang kayo?!" tanong ng isa kong estudyante.


"Hmmm.. Bakit?" tanong ko.


"May sugat ka sa braso." turo sa akin.


Pagtingin ko sa kaliwang braso ay nawindang ako. Doon ko naalala na kaya ako nagkasugat ng ganito ay dahil na-late ako ng gising. Nahulog pa sa hagdanan sa kakamadali.


Tama pala hindi mo mapapansin na may sugat ka.


Na mapansin ko biglang sumakit.


"Tapusin muna natin yung klase." sabi ko.


Nagpunta ako sa Clinic, nakita ko si Jude na nagbabasa ng libro.


"May problema ba?" tanong nya sa akin.


"Gagamutin ko yung sugat ko sa braso." sabi ko, at kumuha ng betadine tsaka benda."Ako na gagamot sa'yo." sabi nya.


Pagkatapos gamutin ni Jude ang aking sugat sa braso ay nagulat ako na hinatak nya ako papalapit sa kanya.


Bigla nya hinalikan ang aking leeg. Nakaramdam ako ng kiliti sa ginawa nya.


"J-jude, a-anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.


"Sabi mo kahapon na manyakis ako. Kaya pinapakita ko sa'yo na manyakis ako sa'yo." sabi nya.Nakakainis talaga sya.


Hahalikan na nya sana ako na bigla may kumatok sa pinto ng Clinic.


"Sir Jude!" sigaw ng estudyante.


"Tch.. Istorbo, ituloy na lang natin mamaya." sabi nya.


"Hindi mangyayari iyon!" sigaw ko sa kanya, at nagmadali ako lumabas ng Clinic.


Ano ba nakain ng lalake na 'yon para gawin nya ito sa akin.


Sa Faculty Office, napansin ko na kanina pa nakatitig sa akin yung co-teacher ko din. B-baka, nakita nya yung ginawa ni Jude sa akin.


Agad ako umiwas ng tingin sa kanya, nakakainis talaga si Jude. Kahit anong iwas ko, nakakagawa sya ng paraan para manyakin nya ako.


Dumating ang gabi.


Nagulat ako na 10:30 pm na, wala na nagbabiyahe na tren sa oras na ito. Haist.. Mananatili na lang ako sa bahay ni Ronaldo o kay Nonaka.


Paglabas ko ng Faculty Office ay nagulat ako na nasa harapan ko yung babaeng nakatitig sa akin.


"Wah!" sigaw ko.


"A-a-a-a-ano.." natataranta nya na sabi.


"B-bakit?" tanong ko.


S-sino ba sya? Ngayon ko lang sya nakita.


"A-ayos lang ba yung braso mo?" tanong nya sa akin.


"O-oo, hindi na masakit." sabi ko.


"Haist.. Buti naman." buntong hininga nya. "A-ano, hindi tayo masyadong naguusap kasi busy ka palagi sa pagtuturo. A-ako pala si Nikki Taichi." pagpakilala nya.


"D-diana." pagpakilala ko din.


Sabay kami umuwi ni Nikki, dahil malapit lang ang kanyang tirahan ay humiwalay na sya sa akin. Samantalang ako ay dumiretso sa bahay ni Ronaldo.


"Ronaldo, pwedeng manatili hanggang bukas, naiwanan nanaman ako ng tren." sabi ko.


"Wag ka ngang overwork Diana, pati oras nakakalimutan mo." sabi ni Ronaldo.


"Yun nga eh." sabi ko.


Kinaumagahan.


"Magkakaroon kayo ng bagong guro, ipakilala mo sarili mo." sabi ng Principal sa bagong teacher."Ako pala si Sanae, sana maging masaya kayo sa pananatili ko." pagpakilala nya.


Nagpakilala kaming lahat kay Sanae, nung ako na nagpakilala ay napansin ko na tinititigan nya ako ng maigi. Pagkatapos nya makipag-shake hands sa akin ay nagpunta na kami sa bawat classroom.


Parang pamilyar sya, nakita ko na sya dati.


Dumating ang hapon.


Hanbang naglalakad ako palabas ng School Building ay nagulat ako na inakbayan ako ni Sanae."Yo, sabay na tayo umuwi." sabi nya sa akin.


"S-sige." sabi ko.


"Yo, Diana." bati ni Jude, at napatingin ako sa kanya.


Bigla akong nakaramdam ng takot na makita ko si Jude. Naramdaman ko na hinawakan ni Sanae ang aking kamay, at tinignan nya ng masama si Jude.


"Akong bahala sa'yo." sabi ni Sanae.


Sumang-ayon ako sa kanya, dinaanan lang namin si Jude. Hindi namin sya pinansin, pasalamat ako na andito si Sanae kundi kung ano na nangyari sa akin.


"Mukhang hindi mo na ako kilala ah." sabi ni Sanae.


"Eh?" gulat ko, at napatingin sa kanya. "Sino ka ba? Pamilyar ka sa akin eh." sabi ko.


"Naku, naku, hindi mo na ako naalala noong Middle High School tayo, yung nagpanggap na lalake sa Prom Night." sabi ni Sanae.


Eh?


"Ano?!" gulat ko. "I-ikaw yung David?"


"Oo." nakangiti nyang sabi.


Kaya pala pamilyar.


"May kutob ako sa lalakeng iyon, mabuti naman dito ako sa eskwelahan na ito nagtrabaho. Ako ang poprotekta sa'yo." sabi ni Sanae.


"Salamat." pagpasalamat ko.


"Kahit genderless ka pa." asar ko, at nagtawanan kami.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now