Majime's Point of View
1 araw ang nakalipas na maipakita ko sa kanya yung puntod ng aming anak. Hindi pa din ako makalabas ng kwarto dahil sa nagawa ko.
Nakita ko syang umiyak, sising-sisi sya sa pagiwan nya sa akin, pati sa magiging anak nya.
Pinagsisisihan nya talaga ng 6 na taon 'yon.
Nagpunta sya dito para mapatawad ko lang sya.
Sumilip muna ako sa bintana saglit. Nakita ko syang nagiitak ng mga kahoy sa likuran ng kusina.
Pawis na pawis sya, yung damit nya basang-basa na ng pawis.
B-bakit ka ba nagaalala sa kanya.
Isipin mo muna si Shirasaki, sa susunod na linggo hahanapin ko ulit sya sa syodad. Kaso, baka mangyari ulit yung nakaraan.
Dumating ang gabi.
Habang kumakain ako ng rice crackers ay may nakarinig ako ng hindi normal na ubo. Dahil sa curious ko ay hinanap ko kung saan nanggagaling ang pagubo na 'yon.
Napansin ko na bukas yung pinto ng kwarto ng lalakeng 'yon. Sinilip ko sya, at nagulat ako sa aking nakita. Nagsuka sya ng dugo sa sahig, at yung bibig nya, at damit puno ng dugo.
"Tsk.. Mukhang madadagdagan ang problema nila dito." inis nya na sabi, at pinunasan nya agad ang dugo sa sahig gamit ang kanyang towel.
Lalo akong hindi nakatulog sa nakita ko, at lalo na sa kinuwento sa akin ni Mina.
Sabi nya, may mga tao kapag may depression, stress, at malaki ang problema sa kanilang buhay ay dinadaan na lang ito sa paninigarilyo, at bisyo.
I-ibig sabihin, 6 na taon syang naninigarilyo?!
Pasikreto akong pumasok sa kwarto nya, at kinuha yung damit, at towel nyang may dugo para labhan ito.
Kinaumagahan.
Tulala akong nakatingin sa bakuran, at naalala yung nangyari kagabi. Nasa huli talaga ang pagsisisi, siguro kapag humingi ako ng tawad sa kanya ay hindi nya rin ako papatawarin.
Karma na din sa akin 'yon.
Tsaka, mas mabuti na wag na lang syang pansinin.
"Majime." tawag nya sa akin.
Paano nya nalaman ang pangalan ko.
"Ahhhh.. Eto, mukhang nakalimutan kong sunduin si Keisaku sa playground!" palusot ko sa kanya, at nagmadaling umalis.