Sheena's Point of View
*Flashbacks*
Noong High School ako ay pinangarap ko na noong bata ako na maging Illustrator. Sa Cultural Festival ako ang nagtuturo sa kanila kung ano ang kanilang iguguhit, pati sa mga school projects.
"Ang galing mo talaga Sheena." sabi ng mga kaklase ko.
Pero, noong araw na nakilala ko sya.
Nasira ang aking pangarap.
Si Kenshin, isa sa mga bully sa campus. Dahil lumipat sa ibang eskwelahan ang dati nilang binully ay ako ang nakita nila.
Isang araw, habang naglalakad ako papuntang Art Room ay kinuha nya ang bag ko. Pinagpapasa nila isa-isa para hindi ko makuha sa kanila ang aking bag.
Noong hinagis nila sa isa nilang kasama ay agad ko ito nakuha.
Kaso, nagulat ako na pahulog na ako sa hagdanan.
Sa lahat ng nabali kong buto ay yung kanang kamay ko pa. Ang ginagamit ko sa pag-guhit.Agad nila ako isinugod sa ospital noon.
Sinabi ng Doctor Amy sa akin na hindi na ako makakaguhit habang buhay. Gumunaw ang mundo ko noong narinig iyon, nagwala ako, at umiyak noon.
Dahil, nasira ang aking pangarap.
Pinatigil ako sa pagaaral noon para gumaling agad ang aking kanang braso. Ang mga kaklase ko ay nagalit sa lalakeng iyon.
Tapos, ang kapal pa ng mukha na pumunta sya dito sa ospital, at humingi ng tawad.
"Patawad sa ginawa ko." sabi nya.
"Umalis ka sa harapan ko." galit na sabi ko.
"S-sheena?" tawag sa akin ng aking Mama.
"Umalis ka sa harapan ko! Sinira mo ang pangarap ko! Ayokong makita pagmumukha mo! Galit ako sa mga bully katulad mo!" sigaw ko, at umiyak.
*End of Flashback*
Hindi ko alam ang lalakeng nakasama ko noong gabing iyon ay ang nagsira ng aking pangarap.Dibale, past is past.
Hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
Pero, galit pa din ako sa kanya.
Sa trabaho.
"Kenshin, bakit ka nanaman andito?" tanong ni Manager Jin sa kanya.
"Naiwan mo nanaman yung baonan mo. Dagdag ka talaga sa trabaho mo." sabi nya sa kanyang kuya.
"Manager Jin, excuse me po nakaharang kayo sa daanan." sarkastiko kong sabi.
"Pasensya na." pagpaumanhin nya.
Diyos ko naman, lubayan mo na ako.
Hindi ako maka-concentrate sa trabaho ko dahil naalala ko ang nakaraan ko. Alam ko na hindi na talaga matutupad ang pangarap ko pero bakit galit na galit pa din ako.
Pagkatapos ng trabaho ay nagantay ulit ako sa Bus Stop.
Andoon ulit sya.
Hindi ko na lang sya papansinin.
Sakto dumating ang bus, sumakay na agad ako. Hindi ko alam kung ano iniisip ng lalake na 'to. Pero, kapag pinagpatuloy nya ito isusumbong ko sa Kuya nya ang ginawa nya sa akin.
Kaso, hindi ako papaniwalaan.
Kaya kakalimutan ko na lang na may nangyari sa amin.
Kinaumagahan.
Habang nagtatrabaho ako ay nakaramdam ako ng sakit sa tiyan. I-inaatake ako ng acidity ko, nakalimutan ko pa dalhin yung gamot ko para mawala.
"Ayos ka lang Sheena, inaatake ka nanaman ng Acidity mo?" tanong sa akin ni Miyuna.
"O-oo." sagot ko.
"Naku, magpaalam tayo kay Manager Jin na inatake ka nanaman." pagaalala ni Miyuna, at inalalay nya ako papuntang opisina ni Manager.
"Manager!" sigaw ni Miyuna, at sinipa nya yung pinto.
"B-bakit?!" gulat ni Manager Jin.
"I-inatake nanaman si Sheena!" sigaw ni Miyuna sa pagaalala.
"A-a-a-a-a-a-ano?!" nataranta din na sabi ni Manager Jin.
Agad nya kinuha ang medicine box, at kumuha sya ng gamot para sa acidity. Pinainom nya ito sa akin, at pinahiga sa sofa.
"May nangyari ba?" tanong ng pamilyar na boses.
"Oh Kenshin, si Sheena inatake ng Acidity nya. Mamaya-maya magiging okay na sya." sabi ni Manager Jin sa kanya.
Bakit mo sinabi?!
"Ako bahala sa kanya, iuuwi ko sya sa bahay natin. Tsaka malayo pa yung bahay nya dito." sabi niya sa kanyang kapatid.
Nagulat ako na kinarga nya ako, tapos may binulong sya sa akin.
"Kapag nagmatigas ka pa alam mo na yung susunod kong gagawin." bulong nya.Napaka-bully pa din nya kahit kailan!