Love is Scary - Chapter 4: Usual Hobby.

6 2 0
                                    

Kishi's Point of View


Nakakainis, ilang araw na nya ginagawa ito. Ayaw sumabay sa almusal, pananghalian, at hapunan. Hindi ko maintindihan ang iniisip ng babae na 'to.


"Tsugi, may hindi ka sinasabi sa akin." galit na sabi ko.


"Hindi ko pwede sabihin ang mga sinasabi sa akin ni Miss Nikki." sabi ni Tsugi.


"Butler kita, dapat sinasabi mo ang ginagawa ng Nikki na 'yon." galit na sabi ko.


"Hindi pwede, kahit anong pilit mo sa akin hindi ko talaga sasabihin." sabi nya.


Napansin ko talaga na si Tsugi lang palagi kausap nya. Samantala kapag kakausapin ko sya, hindi ako sinasagot.


"Diba dayoff mo naman Master? Bakit hindi mo sya i-stalk?" tanong sa akin ni Tsugi.


"H-huh?!" gulat ko.


"Para malaman mo ang dahilan. Ayokong umaasa sa akin Master." sabi ni Tsugi.


Tama naman si Tsugi. Kaso, nakakatamad talaga lumabas sa ganitong oras eh.


"Miss Nikki saan nanaman kayo pupunta?" tanong ng gwardiya sa kanya.


"Kahit saan, wag nyo ko pigilan." sabi nya, at naglakad na sya palabas.


"Sundan mo na sya." sabi ni Tsugi, at binigay nya sa akin ang itim na sunglasses ko.


"Salamat." sabi ko.


Sinundan ko nga talaga sya.


Kaso, napalingon sya sa akin.


"Pati ikaw?" tanong nya sa akin.


"Ehem.. Bilang magiging asawa mo, gusto ko makilala kita ng lubusan." sabi ko.


Ano pinagsasabi ko?!


"Hindi na kailangan, wag mo na ako sundan." sabi nya, at nagpatuloy na sya maglakad.


Tch.. Ang tigas ng ulo nito.


Agad ko sya nilapitan, at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung saan pwede maggala. Pero, dibale na!


Nagpunta kami sa Sea Bay, matagal na din hindi nakapunta sa lugar na ito. Tinignan ko sya, napansin ko na nanginginig sya sa lamig. Sobrang lakas ng hangin dito, baka magkasakit sya dito.


"P-pasensya na, ahahaha." tawa ko.


"Hindi nakakatuwa." sabi nya.


"Bakit ka nagsosolo? Alam mo ba delikado kapag magisa ka lang?" tanong ko sa kanya.


"Ilang taon na ako naggagala magisa, walang nangyayari sa akin. Tsaka, iwan mo na ako bumalik ka na." sabi nya.


"Ayoko, gusto kita makilala ng lubusan." sabi ko.


Nagulat sya sa sinabi ko, tumalikod sya sa akin, at nakita ko na nanginginig ang kanyang kamay.


"Kapag minahal mo 'ko, mamamatay ka lang." sabi nya, at naglakad na sya papalayo.


Nakakainis, bakit sya pa yung napili ng Papa ko na mapapangasawa ko? Hindi ko talaga maintindihan! Gusto ko man sya makilala, hindi ko naman malaman dahil iniiwasan nya ako!


Paguwi ko nakita ko si Tsugi na nagwawalis ng bulok na dahon. Nakita nya ako, at nilapitan nya ako.


"Nakauwi ka na pala, Master." sabi nya.


"Nasaan sya?!" galit na tanong ko.


"Mukhang may nangyari sa inyong date, Master?" tanong nya.


"Hindi date iyon!" inis na sabi ko.


"Ehem.. Hindi pa sya nakakabalik, mukhang ayaw nya talagang makasama ka Master." sabi ni Tsugi sa akin.


"Kung pwede lang kita suntukin Tsugi, lahat ng sikreto ng iba na sa'yo, tapos ni isa hindi mo sinasabi sa akin." sabi ko, at tinanggal ko ang suot kong jacket.


"Syempre, dahil sikreto iyon.. hindi ko pwede sabihin sa iba. Magwawalis na ulit ako." sabi ni Tsugi, at nagwalis na sya.


Haist..

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now