Fueru's Point of View
Habang nanonood magisa ng telebisyon si Ashell ay nagluluto ako ng almusal. 1 linggo na hindi nakakauwi si Ritai, dahil sa bagong teledrama action na kanyang gagampanan.
Pagkatapos ko magluto ng almusal ay niyaya ko na kumain si Ashell.
Habang kumakain kami ay napansin ko na kanina pa nagva-vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko ang cellphone, at tinignan ang inbox. Ngayon lang ulit nagtext si Hanayori ah.
"S.O.S." basa ko.
Binilisan ko kumain, at nilapitan ko si Ashell.
"Ashell, kaya mo naman magisa diba? May pupuntahan muna si Ate Fueru mo, babalik ako mamayang gabi." sabi ko sa kanya.
"Opo, basta mauna kayo umuwi bago makauwi si Uncle Ritai." sabi ni Ashell sa akin.
Agad ako umalis, at pinuntahan ko ang Condominium ni Naito. Pagdating ko doon ay kumatok ako sa pinto, at pumasok na sa loob.
Nagulat ako na nakahilata si Hanayori sa sahig. Agad ko sya nilapitan, at kinarga ko sya papunta sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang kanyang noo, sobrang init nya.
"Nasaan si Naito?" tanong ko, at napatingin sa may PC.
Nakaandar ang PC, nilalagnat si Hanayori, at wala si Naito.
Binatukan ko sya para magising sya, nakakainis na babae ito inaabuso ang katawan nya.
"Sabi kong wag mong pagurin sarili mo, ang daming araw para matapos mo 'yan." reklamo ko sa kanya.
"P-pasensya na, hindi ko namalayan ang araw, at oras. 1 linggo na kasi si Naito sa isang Resort para sa bagong Cover Magazine." paliwanag ni Hanayori sa akin.
"Kahit na, akala ko kung ano ginawa sa'yo ni Naito. Matulog ka dyan, at magluluto ako ng sopas." sabi ko sa kanya.
Paglabas ko sa kwarto nya ay nakita ko na nasa sala si Naito, nakaupo sa sofa.
"Yung girlfriend mo may lagnat." sabi ko sa kanya, at nagsara ng kamao.
"A-ano?!"
Agad sya pumasok sa loob ng kanilang kwarto, at ako naman ay nagluto na ako ng makakain ni Hanayori.
Lumipas ng kalahating oras ay natapos na ako magluto ng sopas, at inihatid ko na sa kwarto ito. Nakita ko na nakaupo si Naito sa kanyang tabi. Nilagay ko ang tray na may mangkok ng sopas, at tinapik ko ang kanyang balikat.
"Okay na sya?" tanong ko sa kanya.
"Oo, ayos na sya ako na lang bahala sa kanya." sabi ni Naito.
"Girlfriend mo sya, pagsabihan mo nga na wag magpuyat." reklamo ko.
"Opo." sabi nya, at nagtakip sya ng kanyang mukha.
"Hindi naman kita susuntukin eh." sabi ko sa kanya.
Lumabas na ako ng kanilang Condominium, at umuwi na.
Pagdating ko sa bahay ni Ritai ay pagpasok ko sa loob ay nakita ko na sya, nagtatanggal ng sapatos.
"N-nakauwi ka na pala." nauutal ko na sagot.
K-kinakabahan ako, baka sinumbong ni Ashell na pumunta ako kay Hanayori. W-wag naman sana.
Dinaanan ko na lang sya, at pinuntahan ko si Ashell sa Living Room. Natutulog sya ng mahimbing, nakatulog yata sya sa kakabasa ng libro.
Medyo napagod din ako sa kakamadali sa pagpunta kay Hanayori, buti nakabalik agad si Naito.
Tinignan ko ang dalawa kong kamay na puno ng sugat. Nakalimutan ko lagyan ng band-aid, mamaya ko na lang lagyan.
Kinarga ko si Ashell, at pinahiga sa sofa, at kinumutan ito.
Tapos, naginat ako dahil sa pagod.
Napansin ko na nakatingin sa akin si Ritai sa akin, at nakangiti ito. M-may balak yata itong masama sa akin. Lumapit sya sa akin, at hinawakan nya ang dalawa kong kamay.
"Ano ba problema mo sa kamay ko?" tanong ko sa kanya.
"Masama ba hawakan?" tanong nya sa akin, tapos binitawan nya ang kaliwa kong kamay, at hinawakan nya ang bewang ko.
Gusto ko syang suntukin sa mga oras na 'yon kaso hindi ko magawa. Ganito ba kapag may gustong-gusto mo ang isang lalake?!
"Ritai, isa lang akong katulong dito, at tsaka sexual harrassment ang ginagawa mo sa akin." sabi ko sa kanya.
"1 buwan, at 1 linggo ka na lang dito. Kapag natapos ang kontrata mo bilang katulong, magiging Girlfriend kita." sabi nya, at inilapit nya ako sa kanya.
Sira ulo itong artista na ito, hindi ata alam ng mga fans nya na ganito sya kamanyak.
"Hindi mangyayari iyon." sabi ko sa kanya, at itinulak ko sya palayo.
"Hindi kita titigilan Fueru." sabi nya sa akin, at lumabas na sya ng salas.
Napabuntong hininga ako sa sobrang kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa nya, hindi ko talaga maintindihan ang mga lalake minsan, hindi mo alam kung totoo mga sinasabi nila o hindi eh.