Hanayori's Point of View
4 na araw ang lumipas matapos ang 3 araw na bakasyon kasama sina Fueru, Klein, at Naito.
Malapit na din pala ako aalis sa lugar na ito. Parang wala naman nagbago sa akin. Nagbago lang, ay nawala ang eyebags.
Pero, noong araw na umalis kami sa Inn Restaurant ng Auntie nya, biglang lumamig ang pakikitungo nya sa akin. Siguro, noong sinigawan ko sya.
Mabuti na 'yon, kaysa pilitin pa nya na magkagusto sa akin.
Bigla kong naalala yung nangyari noong High School.
Sinampal ko ang aking sarili, at tumingin ako sa salamin.
Nakaraan na 'yon Hanayori, kalimutan mo na iyon.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Naito na papasok ng kanyang kwarto. Ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng hapunan.
Siguro, kumain na 'yon.
Lumipas ng kalahating minuto ay natapos na akong kumain, at maghugas ng plato. Pumasok na ako ng kwarto, at humiga na sa kama para matulog.
One weeks past..
Nagimpake na ako ng damit, at lumabas na ako ng kwarto. Napansin ko na wala si Naito, siguro nasa trabaho na sya. Nagiwan ako ng Letter sa lamesa, at umalis na ako.
Paalam.
Lumipas ng ilang oras ay dumating na ako sa aking Apartment. Pagbukas ko ng pinto ay napangiti ako, dahil nakauwi din ako sa sarili kong bahay.
Pumasok ako sa aking kwarto, at umupo sa kama.
Na-miss ko ang aking kwarto, ang laptop, at ang paglalaro ng games. Habang tinitignan ko ang paligid ng aking Apartment ay biglang tumulo ang aking luha.
"Eh?" gulat ko, at pinunas ko ang aking mga luha.
Bakit ako umiiyak, nakakainis.
Nakakainis, nakakainis, nakakainis.
Bakit hindi ka man lang andoon bago ako umalis?!
Kasalanan mo ito Naito, kung bakit ako nagkagusto sa iyo!
Pinunas ko ulit ang mga luha ko, at sinampal ko ang aking sarili.
"Kalimutan mo na ang lalake na 'yon, magpokus ka sa trabaho mo!" sigaw ko sa aking sarili.Agad ko binuksan ang aking Laptop, at nagsimula na magtype sa keyboard ng bagong story.
*-*
1 month later.
Pumunta ako sa office ni Editor Hikasa, dahil may sasabihin syang importante sa akin. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na sagad ang kanyang ngiti sa tuwa.
Hindi ko alam kung anong meron, hindi ko din alam kung bakit sya masaya.
"May problema ba Editor Hikasa?" tanong ko sa kanya.
"Yung bago mong ginawang Novel, madaming bumili." masayang sambit ni Editor Hikasa, at niyakap nya ako.
"A-ahaha.." tawa ko.
"Mukhang hindi ka masaya ah." sabi niya sa akin.
"Masaya naman, kaso inunahan mo ako." sabi ko kay Editor Hikasa.
Napansin ko may nagbukas ng pinto ng opisina ni Editor Hikasa. Nagulat ako na si Naito ang nagbukas ng pinto, pumasok sya tapos lumapit kay Editor Hikasa.
Bumitaw ako sa pagyakap ni Editor Hikasa, at nagpaalam na uuwi.
"Editor Hikasa, may gagawin pa po ako. Excuse me." sabi ko, at lumabas ng opisina.
Paglabas ko ng building ay nakita ko si Fueru, nakasandal sa pader. Na makita nya ako ay lumapit sya sa akin, at may binigay sa aking bento box.
"Oh kumain ng masustansiya, hindi puro ka Cup Noodles." sabi ni Fueru sa akin.
"Salamat sa pagalala." sabi ko sa kanya, at umalis.
Dumating ang gabi.
Pagkatapos ko laruin ang God of War 5 ay napatingin ako sa oras.
"4am!" sigaw ko.
Bigla ako nakaramdam ng gutom. Tumayo ako sa Sofa, naginat, at humikab.Sa Convinience Store na lang ako kakain.
Lumabas ako ng Apartment, at dumiretso sa Convinience Store. Bumili ako ng Riceball, at Apple Team, tapos binayaran ko ito sa Cashier.
Paglabas ko sa Convinience Store ay nagulat ako na nasa harapan ko si Naito. Napapikit ako saglit ng mata, at idinilat ko ulit ito.
H-hindi ako namamalik-mata, sya nga!
A-anong gagawin ko, anong gagawin ko, anong gagawin ko?!
"Y-yo." bati ko sa kanya.
Agad sya lumapit sa akin, at niyakap nya ako.
"E-eh?!" gulat ko.
Naramdaman ko na sobrang init nya. Bumitaw ako sa kanyang pagyakap, at hinawakan ko ang kanyang noo. M-may lagnat sya!
A-anong gagawin ko? Sa ganitong oras wala pang masyadong taxi!
Tumingin-tingin ako sa paligid, nakita ko na may nakatambay na taxi sa parking lot ng Convinience Store. Pinuntahan ko agad ito, habang dala ko si Naito.
Pagdating namin ay agad ko kinatok ang pinto ng taxi, nagising ang driver, at binuksan nya ang bintana.
"Ihatid nyo kami sa Condominium, ituturo ko po kung saan." sabi ko sa Taxi driver.
Pumasok na kami sa loob, at nagsimula na mag drive.