Sheena's Point of View
Nasa kwarto ako ngayon ng ungas na kapatid ni Manager, nakahiga. Pagpasok nya sa loob ng kanyang kwarto ay napansin ko may hawak syang marker, at nilapag nya ito sa lamesa nya.
"Okay ka na ba?" tanong nya sa akin.
"Hmmmp.. Wag ka na magkunwaring nagaalala. Galit pa din ako sa'yo." sabi ko sa kanya.Nagulat ako na tinanggal nya ang suot kong stocking, naalala ko pala nasa bahay nya pala ako.
"Itigil mo nga 'yan!" sigaw ko sa kanya.
"Natanggal ko na eh." sabi nya, at nilapag nya ito sa sahig.
Lumapit sya sa akin, at nagulat pa ako na hinawakan nya ang tiyan ko. Hindi nya ba alam na sexual harrassment ang ginagawa nya sa akin?!
"Okay ka na ba?" tanong nya ulit sa akin. "Kapag hindi ka sumagot ng maayos, alam mo na susunod na mangyayari." dagdag nya.
"Oo, okay na ako. Bumalik ka na sa trabaho mo." inis na sabi ko sa kanya.
"Bago muna ako bumalik."
Hinawakan nya ang kanan kong braso. Bigla ako nakaramdam ng sakit, tapos binitawan nya ito.
"Hindi ka pa din magaling." sabi nya. "Kung hindi ako naging bully sa school, hindi sana mangyayari ito." sabi nya, at lumabas na sya ng kwarto.
Sinabi mo pa.
Tsaka, ano ba dahilan mo kung bakit mo ginagawa sa akin ito?!
Lumipas ng ilang oras ay naisipan ko na umuwi. Kaso nga lang, nasa kanya yung stockings ko.
Ano ba gagawin nya doon, b-baka?
Nagulat ako na nagbukas yung pinto ng kwarto. Sya pala yung pumasok, dala nya yung stockings. Gusto ko na umuwi!
Nagulat pa ako na bigla syang humiga sa aking hita, at nakatulog. Paano ako makakauwi nito, ayaw ako pauwiin ng lalakeng ito!
"Nakauwi na ako Ken-- p-pasensya na kung naistorbo ko kayo." sabi ni Manager Jin, at isasara na nya ang pinto.
"Tulungan nyo ko!" sigaw ko.
Biglang bumangon si Kenshin, at hinarangan nya ako para hindi matulungan ni Manager Jin.
"May gagawin pa ako sa kanya." galit na sabi nya.
"S-sige." sabay sara ng pinto ni Manager.
Mas matanda ka Manager, hindi mo kaya yung kapatid mo?!
"Mamaya ka na umuwi." bulong nya sa akin, at hinalikan nya ang aking leeg.
"B-bakit mo ito ginagawa, hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa akin dati?!" tanong ko sa kanya.
"Diba sabi ko sa'yo, ikaw magiging reference ko sa gagawin ko?" sabi nya, at humiga sya sa aking dibdib. "Mamaya ka na umalis, matutulog muna ako sa'yo." dagdag nya, at pumikit na sya.
Nakakainis na araw na ito!
Sexual Harrassment na ginagawa nya sa akin!
P-pero, bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? W-wag mong sabihin may gusto ka sa kanya Sheena?!
Wag kang magkaka-gusto sa lalakeng ito.
Kahit sya nakakuha ng First Kiss, V***** wag na wag kang magkakagusto sa kanya.
Kinaumagahan.
Dito na talaga ako natulog sa kanyang kwarto, hindi na ako nakauwi. Buti Day-off ko ngayon.
"Ano bang sinasabi mong reference?" tanong ko sa kanya.
"Ako kasi na-assign sa pag-iillustrate ng Light Novel, at ang genre ay Smut." paliwanag nya sa akin.
"A-ano?!" gulat ko.
"Mas mabuti na ako nakakuha ng virginity mo, at unang halik mo kesa makuha pa ng ibang lalake." sabi nya.
"Uso naman magbasa ng manga diba?!" galit na sagot ko sa kanya.
"Mas mabuti nang aktwal na gawin iyon kesa basahin."
Grrrr.. Hindi nagpapatalo ang lalake na 'to!
"Tsaka, noong nakita kita ulit. Parang gusto kita ulit pagtripan." sabi nya, at lumabas na sya ng kanyang kwarto.
Sasapakin ko na sya!!