Forget the Past - Chapter 4

1 0 0
                                    


Yoshimitsu's Point of View


Sayang lang araw ko para manatili dito, gusto ko man makahingi ng tawad sa kanya. Tapos, ilang araw ko na syang iniisip dahil sa narinig ko.


Sayang lang yung mga pinagsasabi ko sa kanya.


Tama nga sabi ni Mina sa akin, mahirap magpatawad ang isang babae. Lalo na kapag may ginawa kang malaking kasalanan sa kanila.


Kinaumagahan.


"Aalis ka na?" tanong ni Ban sa akin.


"O-oo, tsaka Mission Failed." sabi ko sa kanya, at nagsindi ako ng sigarilyo.


"Sa tingin ko itigil mo 'yan." sabi ni Ban sa akin.


"Hindi ko na mapipigilan ito, stress reliever ko lang 'to eh." sabi ko sa kanya.


"Osha, magingat ka na lang sa biyahe." sabi ni Ban.


Habang bumababa ako sa hagdanan ay naalala ko yung mga sinabi nya kagabi, sya ang pinakanag-suffer sa nangyari. Tsaka, tama lang yung sinabi nya sa akin.


"Magpakamatay na lang kaya ako." sabi ko na lang sa aking sarili.


Bago muna ako umalis ay nagpunta ako sa isang Cafe, pagpasok ko doon ay napansin ko na onti lang ang costumers. Probinsyang-probinsya talaga ito.


"Welcome po, mukhang dayo kayo sir ah." sabi ng babae sa akin.


Habang umiinom ako ng kape ay nasa utak ko pa din ang salitang Magpakamatay..


"Miss." tawag ko sa waitress.


"Bakit, sir?" tanong nya sa akin.


"Kapag may nagawa kang madaming mali sa buhay mo, suicide na lang ba ang choice mo?" tanong ko sa kanya.


"Hmmm.. Sir, masama ang magsuicide. I-enjoy mo yung buhay mo, dahil once in a life time ka lang mabuhay. Tsaka, wag mong solohin yung problema mo, ikwento mo din sa mga kilala mo." paliwanag nya sa akin.


Pagkatapos kong magkape ay nakita ko yung matandang nagpunta sa kanilang Shrine.


"Oh, uuwi ka na iho?" tanong nya sa akin.


"Bago muna ako umalis, may iku-kwento ako sa inyo." sabi ko sa kanya.


Ikinuwento ko na ako ang taong pinagsamantalahhan ang kaisa-isang anak ni Ara Toyosaki. Pati yung kagabi. Noong maikwento ko sa kanya iyon, akala ko magagalit sya, kita ko sa mukha nya na kalmado pa din sya.


"Alam mo iho, hindi pagkamatay ang solusyon. Gumawa ka ng paraan para mapatawad ka ng anak ni Ara, at Jun." sabi nya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now