Yoshimitsu's Point of View
Noong High School pa kami ay natanong na kaibigan ko ang salitang 'to..
"Yoshi, kapag nakipag-sex ka sa babaeng hindi mo kilala anong gagawin mo?" tanong ni Tsugihara sa akin.
"Anong klaseng tanong 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Basta sagutin mo na lang." sabi nya.
"Hmmm.. Hindi ko alam.. Ang masasabi ko lang ay magiging Crossdresser ako kapag nakipag-sex ako sa isang babae." paliwanag ko sa kanya.
At nangyari nga 'yon.
Noong namatay ang kaibigan nila Mama, at Papa ay bumisita kaming magpamilya para sa lamay. Mga 6 na taon nang lumipas 'yon.
Dahil sa sobrang pagod ko ay nakapasok ako sa isang hindi pamilyar na kwarto, at may nakita akong babaeng umiiyak sa isang sulok, nilapitan ko ito, at doon na nga nagsimula.
6 na taon ang lumipas.
Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang nangyaring 'yon, yung mukha nya, yung katawan nya. Gusto kong makita? Bakit baliw na baliw ako sa kanya?!
"Girl, ang lalim ng iniisip mo ah." sabi ng ka-trabaho ko na si Yuu.
"Wala akong iniisip Girl." sabi ko sa kanya.
Nagtatrabaho ako sa isang Host Club, bilang crossdresser, ginagawa ko lang 'to para hindi mabastos ang mga ka-trabaho kong babae. Ako yung taga-sapak kapag sumobra na sila sa kamanyakan nila.
"Yoshimitsu, tawag ka pala ni Mother." sabi ng isa ko pang ka-trabaho na si Shiro.
Agad ako nagpunta sa opisina ng aking boss para malaman kung ano ang dahilan kung bakit nya ako tinawag. Pagpunta ko sa opisina ay napatingin sya sa akin.
"Yoshimitsu." tawag nya sa pangalan ko.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Tumawag ang iyong ama, yung ina mo patay na.." sabi nya.
Medyo hindi na ako nagulat sa balita, alam kong ilang araw mamamatay na si Mama dahil sobrang lala na ng kanyang sakit.
"Magreretiro na ako." sabi ko.
"Eh, agad?!" gulat ni Boss.
"May kontrata tayo na kapag namatay si Mama ay titigil na ako sa trabaho. Ayokong mahirapan si Papa dahil wala na si Mama sa amin." paliwanag ko.
"Anak ka ng isang Yakuza, kailangan na ng iyong Ama ng kapalit din." sabi ni Boss sa akin.
Ako si Yoshimitsu Akiyome, 27 years old, isang lalakeng nagretired sa aking trabaho, bilang maging leader ng Yakuza.
Ilang araw bago ang libing ng aking ina.
Habang nagbabasa ako ng libro ay lumapit sa akin sina Ban, Kishi, at Tsugi sa akin. Malaki ang pinagbago nila, hindi sila yung nakilala ko dati. Yung mga basagulero, at mga tarantado. Ngayon may mga asawa na, at may anak na.
"Kamusta yung walang asawa dyan?" tanong ni Kishi sa akin.
"Tumigil ka." inis na sabi ko.
"Naging bakla na pinsan ko, hindi na sya magkakaroon ng asawa.." asar ni Ban sa akin.
"Gusto mo halikan kita?" tanong ko sa kanya.
"Wag maawa ka!" sigaw ni Ban.
"Mukhang ginawa mo pagiging crossdresser ah?" tanong ni Tsugihara.
"Hmmm.. Bakit anong masama kung magcrossdresser ang pinsan ko?" tanong ni Ban sa kanya.
"Sinabi nya kapag nakipag-sex sya sa babaeng hindi nya kilala ay magiging bakla sya." paliwanag ni Tsugihara, at uminom na sya ng tsaa.
Ang lalalkeng 'to.
"E-eh, totoo ba 'yon?" tanong ni Ban.
"Haist.. Oo, nakipag-sex ako sa isang babae, isa syang Priestess, naalala mo Ban noong nagpaalam ako sa'yo na may pupuntahan kaming lamay noong High School tayo? Doon nangyari 'yon." paliwanag ko sa kanila.
"Ehhhh?!" gulat nila Kishi, at Ban pwera kay Tsugihara.
"Kapag nakita mo sya, anong gagawin mo?" tanong ni Tsugihara sa akin.
"Hindi ko alam." sabi ko.
"Ganyan din sinabi ko noong nagkita kami ng babae ko." sabi nya.
"Pffft.. Hanggang ngayon seryoso ka pa din." pagpigil ko ng tawa sa kanya.
Pagkatapos naming magusap ay lumabas na kami sa Dojo, at pumunta na sa lamay ni Mama.
"Ano pala, may kasama yung asawa ko." sabi ni Ban.
"Sino?" tanong ko sa kanya.
"Isang Priestess." sagot nya.
A-ano?!