Majime's Point of View
Habang binabantayan ko sa pagtulog si Aina ay nakarating na si Nikki sa kanyang trabaho. Agad nya ako nilapitan para tignan si Aina, yung pagod nya ay nawala na makita nya na natutulog ng mahimbing ang kanyang anak.
"Makita ko lang mukha ni Aina ay nawawala na pagod ko." sabi nya.
"Ano pala trabaho mo?" tanong ko.
"Isang guro sa Public High School." sabi nya. "Medyo napagod ako ngayong araw dahil sobrang na-miss ako ng mga estudyante ko. 6 na buwan akong nawala sa trabaho." paliwanag nya, at tumabi sya sa pagupo ko.
"Eto, saan yung unang date nyo ni Kishi?" tanong ko.
"Hmmm.. Noong hindi ko pa sya close, bigla lang nya akong pinunta sa isang Bay." sabi nya sa akin. "Bago kasi kami magkakilala ay hindi ko alam na naka-arrange na ng marriage sa akin noong namatay ang lolo, at lola ko." paliwanag nya.
Ahh.. Kaya nagtaka ako ng panandalian.
Umiling-iling na lang ako, at tinignan ko si Aina.
"Kamusta naman kayo ni Yoshimitsu?" tanong nya sa akin.
"Medyo hindi na kami naguusap dahil sa sobrang busy ng trabaho nya. Kaya kapag uuwi sya, bigla-bigla syang papasok sa kwarto, at tatabi sa akin." kwento ko kay Nikki.
Dumating ang gabi.
Pagkatapos ng aking trabaho ay umuwi akong pagod. Nakahiga lang ako sa kama, muntikan na din ako makatulog dahil naalala ko na magpapalit pa pala ako ng damit.
Huhubarin ko sana yung Kimono ko na biglang pumasok si Yoshimitsu sa loob ng kwarto.
"Y-yoshimitsu!" sigaw ko.
"Nagbibihis ka pala." sabi nya, at sinara nya ang pinto. "Bukas, pupunta tayo sa paborito kong lugar." sabi nya.
"Pabihisin mo muna ako!" sigaw ko sa kanya.
Pagkatapos kong magbihis ay tumabi sya sa aking paghiga, at pinagpatuloy namin ang usapan."Hindi ba uso sayo kumatok?" tanong ko sa kanya.
"Pasensya na, medyo excited ako para bukas." sabi nya.
"Alam mo ba kapag super excited ka ay malaki chance na hindi matutuloy?" pananakot ko sa kanya.
"W-wag naman ganyan!" sabi nya.
"Pfft.. Biro lang." pagpigil ko ng tawa. "Matulog na tayo." sabi ko, at niyakap ko na sya.
Kinaumagahan.
Nasa biyahe na kami, nakasakay na kami sa train, sobrang higpit ko sa paghawak sa braso ni Yoshimitsu dahil sa sobrang dami ng tao. Buti na lang, at nakaupo na kaming dalawa.