Rejection - Chapter 8: I Read It

1 0 0
                                    

Erika's Point of View


"Binasa ko yung likod ng notebook." sabi nya sa akin.


Katapusan na ng buhay ko.


"Ah ganon ba." yun na lang nasabi ko. "Hindi naman importante 'yon, dahil kalokohan ko lang noong High School 'yan." sabi ko sa kanya.


"Pangatlong beses mo na 'yang sinasabi na hindi importante ang lahat ng bagay." sabi nya, at hinigpitan nya ang pagtali sa bandage.


"A-aray.. malamang hindi naman importante lahat dahil wala ka namang pake." sabi ko.


"Meron akong pake, dahil ayaw kitang mawala sa buhay ko." sabi nya sa akin.


"Haist.." buntong hininga ko.


"Yun na lang ba sasabihin mo? Ginawa ko naman lahat pero wala pa din." sabi nya.


"Naramdaman mo din yung ginawa mo sa akin, anong pakiramdam? Diba masakit?" tanong ko sa kanya.


"Oo, masakit." sabi nya, at niyakap nya ako. "Bigyan mo pa ako ng tsansa."


Pangalawang beses na sinabi nya sa akin ito sa akin.


"Pinipilit ko, pero hindi ko na maibalik pa ang dating ako. Natatakot ako, baka saktan mo ulit ako." paiyak na sabi ko.


Lumipas ang isang linggo ay hindi ako lumabas ng bahay noon.


Hindi ko na alam gagawin ko, talagang may gusto na talaga sya sa akin. Anong gagawin ko, masaya naman ako na nagkaroon na sya ng feelings sa akin, pero bakit natatakot ako?


Parang naramdaman ko yung nangyari kay Mao noong High School.


Nilihim nya na may gusto sya sa kaklase ko, na malaman nya na may gusto yung kaklase ko sa kanya. Parang nawalan sya ng interest.


Kaya hanggang ngayon wala pa din syang Boyfriend.


Naalala ko bukas pala pupunta kami nila Mary sa Rest House nila.


Siguradong mare-relax utak ko.


Sinabi nyang binasa nya yung nasa likod ng notebook. Pagbuklat ko ng likod ng notebook ay bigla akong natawa sa mga sinulat ko dati. Teka, may nakasulat sa ibaba.


"Natupad na yung pangarap mo."


Eh?


Seryoso talaga sya.


"Pfff.. Ahahahahaha.." tawa ko na lang.


Sumunod na araw.


"Eh.. EHHHHH?!" gulat ko.


Bakit andito si Jiro?!


Tinignan ko si Mao, nakita kong namumutla sya, anong meron ang alam ko masaya syang makasama nya sina Jiro, Akuto, at Beni.


Tinignan ko yung katabi ni Jiro na lalake, hindi sya masyadong pamilyar sa akin. B-baka sya ang dahilan kung bakit namumutla si Mao.


"Mukhang hindi masaya yung iba dyan ah." sabi ni Mary sa amin.


"Hindi ako masaya." galit na sabi ni Mao.


Pagsakay namin sa Van ay napansin ko na namumutla si Jiro. Kanina lang okay pa sya, anong nangyari.


"Hindi sanay sa mahabang biyahe si Jiro, magsuot ka na ng earphone kung ayaw mong sumama pakiramdam mo sa biyahe." sabi ni Akuto sa akin.


Lumipas ang ilang oras na biyahe.


Sumama talaga ang pakiramdam nya sa buong biyahe, nakapasan sya kay Mao. Buti malakas katawan ni Mao, halatang pinanganak bilang gangster.


"Erika, ikaw na bahala kay Jiro." sabi ni Mao.


"Eh, t-tutulong pa ako sa inyo." sabi ko.


Sinabi na ni Mary kung saan yung kwarto namin. Hindi ko aakalain na magkasama kami ni Jiro.. Halatang plinano ang lahat.


Natutulog sya ng mahimbing para maka-recover sa biyahe. Ako naman ay nakaupo sa tabi nya, at tulala.


Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now