Sheena's Point of View
Dahil Day-off ko ay naisipan ko linisin ang aking apartment. Tsaka..
Hindi ko aakalain na sobrang dumi ng apartment ko noong naka-focus ako sa trabaho ko.
Tinignan ko yung labas ng apartment.
Nakita ko yung Landlady, at ang kasama nya palagi sa kanyang bahay.
Tsaka, hindi na ako nakakabisita kela Lolo, at Lola.
Paglabas ko ng apartment ay nagulat ako na nasa labas ng gate ng apartment si Arthur. Ano balak nya sa akin?
Nagmadali akong pumunta sa kanya.
"Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya.
"Sheena." malungkot nya na sabi.
Nilibre nya ako ng makakain, tapos sya tulala pa din. Ano ba talaga ang problema?
"May nangyari ba?" tanong ko sa kanya.
"Y-yung nurse na nagustuhan ko. May gusto na pala sa iba." malungkot nya na sabi.
"Wag kang magalala, madami pa namang babae dyan." sabi ko sa kanya.
"Hindi sa ganon, na-reject sya dahil may ibang gusto ang nagugustuhan nyang lalake. Malas talaga ako sa ganito." malungkot nya na sabi.
"Halata naman eh." sabi ko. "Tsaka.. Mga ganong babae hindi susuko hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila." dagdag ko.
"Tama, susuko na lang ako. Sa totoo lang kapag wala pang babae para sa akin ay magaampon na lang ako ng bata para may mag alaga sa akin." sabi nya.
Paglingon ko ay nagulat ako na may babae nakatayo sa likuran ni Arthur. N-nakasuot sya ng pang nurse na damit?!
"A-arthur." kalabit ko sa kanya.
Napatingin sya sa akin, tapos lumingon sya sa babae.
"Bakit ka andito?" tanong ni Arthur.
"E-eto, ibabalik ko sayo yung panyo na hiniram ko sayo." sabi nya.
"Sinasayang mo lang oras mo, magtrabaho ka na." sabi nya.
Naalala ko yung away namin ni Kenshin noong nakaraan.
"Arthur--"
"Ilang araw na lang aalis na ako, mukhang doon na ako sa dating hospital na pinapa-check up." sabi ni Arthur.
Tumayo sya sa upuan, at tumayo na din ako.
Paglabas namin sa Ramen Shop ay nagsimula na kaming maglakad. Nasaktan talaga sya, noong nakaraan buwan na-reject sya sa akin, ngayon sa isang nurse.
"Haist.." buntong hininga nya.
"Kung ako sayo sumuko ka na lang, ang daming babae pa dyan." sabi ko sa kanya.
"Ayoko na magmahal." sabi nya.
Dinamayan ko sya sa kanyang pagkabigo sa pagibig.
Lumipas ng ilang oras ay natapos na syang magmukmok sa nangyari. Nagpaalam na ako na pupunta pa ako kay Kenshin, at sya naman ay may meeting pa syang pupuntahan.
Pagpunta ko kela Kenshin ay pinuntahan ko sya sa kanyang kwarto.
"Kenshin." tawag ko sa kanya.
"Bakit?" tanong nya.
"Wala lang, mukhang busy ka dyan. Mukhang naistorbo kita, aalis na ako." sabi ko.
"Sandali lang." pagpigil nya sa akin.
Tumayo sya sa kanyang upuan, at nilapitan nya ako.
"Dito ka lang, kailangan ko ng stress reliever." bulong nya sa akin, at hinalikan nya ako.
Pagkatapos nya akong halikan ay pinahiga nya ako sa kanyang kama, at humiga sya sa aking dibdib. Eh, akala ko may susunod pa.
"Dito ka muna." sabi nya, at nakatulog na sya.