Mina's Point of View
Lumipas ang ilang linggo ay hindi na sya nagpakita sa akin. Parang lalong dumagdag sa isipan ko pagkawala nya, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag iniisip ko sya.
Akala ko mabilis syang mawawala, pero hindi pala ganon kadali.
"Narinig ko usapan nyo ni Boss. Sabi mo nanganak yung kuting mo." sabi ni Chan Li sa akin.
"Oo nanganak sya." sabi ko.
"Pwedeng pahingi ng dalawa, para may maalagaan ako?" tanong nya sa akin.
"Pwede naman." sagot ko.
"Yehey!" masaya nyang sabi.
Mukhang dalawang kuting maiiwan sa akin kapag lumaki sila.
Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na akong umuwi. Habang naglalakad ako pauwi ay nagulat ako na may humawak sa aking kamay.
Wala iba kundi ang Staff ng Pet Shop.
"T-tulungan mo ako!" sigaw niya sa akin. "S-si Banryuu may lagnat!" sigaw nya.
Eh?
D-dahil sa akin iyon.
Sabi ko na.
Agad ako sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa Akehito Household ay agad ako dumiretso sa kanyang kwarto. Kitang kita ko na hirap na hirap sya sa lagnat nya.
Biglang tumulo ang aking mga luha, at agad ko syang nilapitan.
"Hindi ka nakinig sa akin, tignan mo nangyari sa'yo. Dahil sa akin nagka-lagnat ka!" sigaw ko habang umiiyak.
"W-wag kang ngang OA, lagnat lang ito hindi pa ako mamamatay." sabi nya, at pinilit nyang bumangon.
Binantayan ko sya hanggang sa bumaba ang lagnat nya.
Sumunod na araw.
Feeling ko napasa ang lagnat nya sa akin. Hindi makagalaw ang katawan ko sa sakit."Haist.." buntong hininga ko.
Narinig ko na may nagdoorbell sa pinto ng bahay.
Pinilit kong bumangon para pagbuksan ng pinto ang taong iyon. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong nahilo, pasalamat ako na may sumalo sa akin walang iba kundi sya.
"Pasensya na kung napasahan kita ng sakit kahapon." pagpaumanhin nya.
"A-ayos lang." sabi ko.
"Nagdala ako ng prutas." sabi nya. "Tsaka, ako magaalaga sa'yo." dagdag nya.
Lumipas ng ilang oras ay bumaba na ang lagnat ko.
Napansin ko na basang-basa ang aking damit ng aking pawis. Mukhang nakalimutan kong magsuot ng damit, dahil sa kanya.
"M-magbibihis muna ako ng damit." sabi ko.
"Ako na magbibihis sa'yo." sagot nya.
"Ehhh?! W-wag naaaa.." sabi ko.
"Bakit, kapag naging asawa kita ako pa din mag aalaga sa'yo kapag nagkasakit ka." sabi nya sa akin, at sinimulan na nya akong hubarin.
"Baliw ka na." sabi ko.
Kahit anong suway ko sa kanya, lalapit, at lalapit pa din sya.
"Matanong ko lang, anong ibig sabihin kapag sobrang bilis ng pagtibok ng puso mo kapag malapit ka sa isang tao?" tanong ko sa kanya.
"May nararamdaman sya.. Bakit meron ka bang nararamdaman sa akin?" tanong nya sa akin, at binihisan na nya ako.
"Hindi ko alam, kapag nakikita kita bigla lang ako natataranta." sabi ko.
"Ibig sabihin meron nga." sabi nya, at niyakap nya ako. "Pakasal na tayo." bulong nya sa akin.
"Eh, agad-agad?" gulat ko.
"Pero bago muna magpakilala muna tayo, at ikwento natin ang ating buhay." sabi nya.
"Ako si Banryuu Akehito, isang Manager sa isang Family Resto, 27 years old, at madaling ma-curious sa isang bagay." pakilala nya sa akin.
"Ako si Mina Itoshiki, isang Cashier sa Bakery, 26 years old, at mahilig magalaga ng pusa." pakilala ko din sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit mo ako nilalayuan, pwede mo ba ikwento sa akin?" tanong nya sa akin.