The Former Gangster - Chapter 6: Wounded Hands

7 2 0
                                    


Fueru's Point of View


Nakabalik ako sa aking Apartment, pinuntahan ko ang Landlady para kunin ang susi.


"Kamusta naman ang pagiging katulong?" tanong ng Landlady sa akin.


"Ayos lang naman." nakangiti na sabi ko.


"Ah, sakto pwede ba tanggalin mo ulit ang mga damo sa likod. Bibigyan kita ng Pudding na ginawa ko." utos nya sa akin.


"O-opo!" masaya na sabi ko.


Wah, namiss ko talaga magtanggal ng damo.


Habang nagtatanggal ako ng damo ay naalala ko yung unang kita ko kay Ritai, hinawakan nya ang aking kamay na puro sugat sa pagtanggal ng damo.


B-bakit ko ba inaalala 'yon, k-kalimutan mo nga muna 'yon ahahahaha!


Lumipas ng ilang oras ay natapos ako magtanggal ng damo, as always nakakalimutan ko masuot ng gloves kaya puro benda ang dalawa kong kamay.


"Ikaw talagang bata ka hindi ka pa din nagbago." sabi ng Landlady sa akin.


"A-ahahaha." tawa ko na lang, at kumain ng pudding.


Masaya ako na ikaw nagampon sa akin, Ms. Landlady.


Pagkatapos ko kumain ng Pudding ay nakita ko na natutulog si Landlady sa sofa, kinuha ko yung kumot sa kanyang kwarto, at kinumutan sya.


Paglabas ko sa bahay nya ay nagulat ako na nasa harap ko si Ritai.


"Eh?!" gulat ko.


"Fueru, may nagawa ba akong mali para umalis ka?" tanong nya sa akin.


"A-anong pinagsasabi mo, hindi mo ba nabasa yung sulat?" tanong ko.


"Nabasa ko. Pero, kapag wala ka sa bahay hindi ako makatulog, o makapag-isip ng maayos." paliwanag nya, at hinawakan nya ang kamay ko.


E-eh, anong pinagsasabi nya?!


"Acting yan ano?" tanong ko.


"Hindi acting ito, Fueru feeling ko kapag nawala ka sa buhay ko ikakamatay ko iyon."


G-gusto ko syang suntukin sa kilig. Kaso, mapipigilan nya iyon kaya wag na lang.


"M-may gusto ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya.


"Oo, simula noong una kita makita." sabi nya, at hinalikan ang aking kamay.


"Eeck!" sigaw ko.


Pagkatapos nya halikan ang kamay ko ay tinignan nya ito, at sumimangot sya tapos tumingin sya sa akin.


"Sabi ko sa'yo na wag ka magtanggal ng mga damo, tignan mo nasusugatan ang dalawa mong magagandang kamay." inis nya.


"Ewan ko sa'yo." sabay bitaw sa kanya.


Bakit ganon, dapat masaya ako na may nagkagusto na sa akin. Iba kasi si Ritai, pinanganak sa mayaman na pamilya, out of league talaga sya sa akin.


"Tsaka, umuwi ako dito para linisin ko yung apartment. Ayokong nakikitang maalikabok yung apartment ko." sabi ko sa kanya.


"Total, malapit na maggabi dito muna ako manatili sa iyo. Tapos bukas, bumalik ka na." seryoso nyang sabi.


"Kaya nga sabi ko sa'yo hindi ako maglalayas sa inyo!" sigaw ko sa kanya.

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now