Jiro's Point of View
May nagkagusto na babae sa akin, ang pangalan nya ay Erika Shigure, noong na-reject ko sya ay hindi sya sumuko sa akin. 3 taon ko syang iniwasan.
Kaso, 1 buwan bago ang graduation napansin kong hindi na sya lumapit sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa aking puso.
Kahapon, medyo nagsisi ako sa ginawa ko.
Noong kinausap ko sya, hindi ko aakalain na magagalit sya. First time ko sya makitang magalit, siguro karma lang sa akin ito.
Tinignan ko yung Photo Album noong High School, naalala ko noong Graduation ay nakiusap ako na kuhaan ng litrato sya noon. Ewan ko kung ano naisip ko noon, siguro.. nagkagusto na ako sa kanya.
Hindi ako nakatulog dahil kagabi.
*tok tok tok*
Bumangon ako sa sofa, at pinuntahan ko ang nagdoorbell para pagbuksan ng pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako na si Mary, at Mao pala ito.
"Anong kailangan nyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Kamusta yung kay Erika?" tanong ni Mary sa akin.
Pinapasok ko sila sa loob ng bahay, at pinaghanda ng tsaa.
"Wala, wag kayong magexpect na magkakagusto ulit iyon sa akin." sabi ko.
"Kasalanan mo kasi 'yan, nagkagusto ka sa kanya ng lumayo na sya sa'yo." sabi ni Mao, at uminom sya ng tsaa.
"Oo kasalanan ko na."
"That's what you get, karma hits fast Jiro." asar ni Mary sa akin.
"Papalabasin ko na kayo." sabi ko sa kanya.
"Ano pala, hindi na unemployed si Erika." sabi ni Mao.
"Weh, mabuti naman."
Andito lang ba sila para makipag-tsismisan?
"Wag kang sumuko tulad ng ginawa nya sayo." sabi ni Mao sa akin.
"Hindi na nga ako makatulog sa kakaisip sa kanya eh." reklamo ko.
"Naku, naku, dapat hindi na lang talaga pumunta si Erika noon." sabi ni Mao.
"Alam mo ba mukhang napogian sya sayo, kaso bilang kaklase na lang." asar ni Mary sa akin.
Pumunta lang talaga ang dalawang 'to para asarin ako?!
Pagkatapos nila ako pikunin ay umuwi na sila. Bago sila umalis ay nakita nila yung suot kong Bracelet.
Ang huling regalo ni Erika sa akin noong nilayuan na nya ako. Naalala ko yung mga niregalo nya sa akin, tinatapon ko lang sa basura, balak ko na din itapon ang bracelet na ito na ma-realise ko na may gusto na ako sa kanya.
Kinagabihan.
Sa Bus Stop.
Nakita ko nanaman sya, nakita ko na may pasa yung paa nya. Tapos nilalagyan nya ito ng ointment.
"A-aray, ang tanga ko naman kasi eh." inis nya sa sarili, at napatingin sya sa akin.
Na makita nya ako ay agad syang tumayo, at tatakbo na sana sya. Kaso nga lang, bigla syang natumba dahil sa paa nya.
"A-aray.."
Bakit nya ba ako iniiwasan? Alam ko naman na wala na syang gusto sa akin, pero bakit pa ba sya umiiwas?
Nilapitan ko sya, at kinarga ko sya.
"Wag kang magalaw, idadala kita sa hospital." sabi ko.
"P-please lang.."
"Huh?"
"Wag ka nang magpakita sa akin, ayoko na ulit magkagusto sayo." sabi nya, at umiyak sya.
Gaano ba kahirap magmahal? Bakit kailangan mo ito iwasan? Para kalimutan nya na nagkagusto sya sa akin?
Hanggang ngayon meron pa din syang feelings sa akin.
Masaya ako na malungkot.
Pinapahirapan ko lang sya lalo.