Diana's Point of View
Lumipas ang dalawang buwan, ay naging mabuti naman ang lahat. Dumating si Sanae ay naging kampante ako dahil hindi makalapit si Jude sa akin.
Alam ko na may gusto sa akin si Sanae, alam ko na babae sya. Pero, sabi nya sa akin itatago na lang nya ang nararamdaman nya sa akin, magiging protector nya ako sa masasama.
Ano ba pinagsasabi ko.
Pero, mahirap din maging kampante dahil ngayon araw ay absent sya. Bigla syang nilagnat, at ako naman ay biglang kinabahan.
"Anong gagawin ko?" tanong ko sa aking sarili.
Bakasyon ng mga estudyante ngayon, ako naman ay nanatili sa eskwelahan para ayusin ang mga grado nila.
Ang init.
Bawal iandar yung aircon para tipid sa kuryente, anong gusto nila mamatay kami sa init?
"A-ano, may ipapabili ka sa akin Diana?" tanong sa akin ni Nikki.
"Samahan na kita." sabi ko.
Nagpunta kami sa Vending Machine, binigay sa akin ni Nikki ang Water Bottle, at agad ko ininom dahil sa uhaw.
"Nakaraos din." sabi ko.
At balik ulit sa trabaho.
Dumating ang 5pm maaga akong nakauwi, sa wakas makakatulog ako ng maaga.
Tinignan ko yung Clinic, nakita ko na natutulog si Jude sa loob. Wow, ang lakas ng loob na matulog.
Pumasok ako sa loob, baka magising mamaya ito ng gabi. Nilapitan ko sya, at ginigising.
"Oi, gising." sabi ko habang niyuyugyog sya para magising.
Nagising sya, at bumangon. Napakamot sya sa kanyang mata, at tinignan nya ako.
"Bakit ka andito?" tanong nya sa akin.
"Maggagabi na kaya.. tsaka hindi ako dito nagpunta para makita ka. Ginising lang kita baka magising ka pa ng gabi." sabi ko sa kanya.
Napansin ko na ngumisi sya, at hinawakan nya ang aking bewang.
"Na-miss mo ako ano?" tanong nya sa akin. "Wag ka magdahilan, may dahilan ka na nagpunta ka dito." dagdag nya.
"A-ano pinagsasabi mo, yun ang dahilan ko eh." sabi ko.
"2 buwan na kasama mo yung Genderless na 'yon, hindi ako maka-timing na lapitan ka." sabi nya, at inihiga nya ang kanyang ulo sa aking balikat.