Iroka's Point of View
Kinaumagahan.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Klein. Pagbukas ko ng kanyang kwarto ay nakita kong tulog pa din sya. Hindi man lang nagsusuot ng damit habang natutulog, nakaboxer kapag natutulog. Buti hindi sya nagkakasakit.
Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay may nakita akong manga sa kanyang tabi. Kinuha ko ito, at tinignan ang bawat pahina.
Nagulat ako sa aking nakita sa bawat pahina.
Agad ko nilapag sa kanyang manga na binabasa. Pagtingin ko sa kanya ay gising na pala sya."Morning." bati nya, at nagsuot sya ng T-shirt.
"May trabaho ako." sabi ko.
"Sabi ni Auntie, wag ka muna pumasok. Bukas ka na lang pumasok sabi nya. Tsaka, dito ka lang. Boring kasi kapag ako lang magisa dito." sabi nya.
*dug dug dug dug*
"Sige." pagpayag ko.
"Eh, dati hindi ka pumapayag kapag pinipilit kita sa isang bagay." sabi nya.
"Matagal na kitang kilala kahit isang buwan pa lang kita nakikilala ng lubusan." sabi ko sa kanya.
"Tsaka, pahiram ng binabasa mong manga." dagdag ko pa.
Napansin ko na napangisi sya sa akin.
"Kahit babae ka, babasahin mo pa din iyon?" tanong nya sa akin.
"Hindi naman intense yung binabasa mo, kaya pabasa." sabi ko.
"Alam mo, habang binabasa ko 'yan. Iniisip ko na tayo yung dalawang characters na 'yon." sabi nya sa akin.
"Haist.. Hindi nyo talaga mapipigilan ang mga hormones nyo." sabi ko sa kanya, at nagbasa na ako.
Pero, onting-onti nagugustuhan ko na sya.
Hindi ko lang pinapahalata sa kanya.
Habang nagbabasa ako ay bigla ako nakaramdam ng kilig sa pagtatalik. A-ano ito? First time ko lang naramdaman ito. Naisip ko, kung binasa ito ni Fueru kikiligin ito.
Kapag may pinapabili sya sa akin na Manga na Romance kinikilig na sya. Sa isang Smut Manga pa lang, kinikilig na ako.
Lumipas ng ilang oras ay natapos ko basahin ang Manga. Tapos nakita ko na tulog na tulog si Klein, nilapag ko na lang sa lamesa ang manga, at lumabas na ako ng kanyang kwarto, uuwi na ako.
Kaso, naiwan sa Dress Room yung damit ko doon.
Binalak talaga ng Foreigner na 'yon.
Narinig ko na may kumatok sa pinto, pinuntahan ko iyon para buksan. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako na may isang magandang babae sa aking harapan.
"Ikaw ba si Iroka?" tanong nya sa akin.
"O-opo." sagot ko.
"Ito pala yung damit mo, naiwan sa Dressing Room." sabi nya, at binigay nya sa akin. "Ako pala si Claire, ang ate ni Klein." pagpakilala nya sa akin.
Pinapasok ko sya sa Condo ni Klein. Nagpunta na ako sa banyo para magbihis, uwing-uwi na talaga ako.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako, at nakita ko na nakaupo si Claire sa sofa. Nagbabasa ng magazine.
"Uuwi na po ako." pagpaalam ko.
"Ingat ka." sabi nya. "Tsaka, boto ako sa'yo." dagdag nya.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga relasyon.