Her Crush - Chapter 14: Rest

5 2 0
                                    

Diana's Point of View


Himala, akala ko iuuwi ako ni Jude sa kanyang Condominium. Iniuwi nya ako sa aking apartment, nakahiga ako ngayon, si Jude naman ay tinawagan nya ang aking pinsan.


Pagkatapos nya kausapin ito sa telepono ay umupo sya sa gilid ng kama, at napatakip ng mukha.


"Dapat nagingat ako." sabi ni Jude.


"Ngayon mo lang na-realize?" inis na tanong ko.


"Wag kang magisip ng kung ano, ako pa din magiging ama ng bata na 'yan. Kaya, hindi kita papabayaan pati yung bata." sabi ni Jude.


Lalo akong magkakasakit sa sinasabi nya.


Lumipas ng ilang linggo.


Sinabi ko sa aking klase na magpapakasal na kami ni Jude, at buntis ako. Grabe ang gulat nila, alam kasi nila hindi kami masyado nagpapansinan ni Jude sa eskwelahan na ito.


Natuwa sila, ang iba na-basted dahil karamihan sa estudyante ko na babae ay may gusto kay Jude.


Sa Faculty, nakita ko si Nikki na malungkot.


Sa totoo mga ilang buwan ko lang nakausap si Nikki. Pero, mabait din sya. Napansin ko na hindi nya ako pinapansin noong nakaraang buwan.


Siguro yung nangyari noong nakaraan.


"Nikki." tawag ko sa kanya.


"B-bakit?" gulat nya.


"Wag ka magalala sa akin, normal lang sa atin ito." sabi ko sa kanya.


"Natakot talaga ako, akala ko kung ano na nangyari sa'yo." malungkot ni Nikki. "Pero, malulungkot ako dahil hindi kita makikita ng ilang buwan." sabay iyak nya.


Pagkatapos namin magusap ni Nikki ay lumabas ako sa Faculty, nakita ko si Sanae. Mukhang puyat na puyat.


"May problema ba Sanae?" tanong ko sa kanya.


"Ah eto, may lalakeng humahabol sa akin." sabi ni Sanae.


Halatang nagpapanggap ka na lalake.


"Bago ka umalis, pwede ba kitang maging girlfriend ko ng isang araw?" pakiusap sa akin ni Sanae.


"Oops.. Hindi pwede, dahil akin lang sya." sabi ni Jude, at hinila nya ako papalapit sa akin.


"Tch.. Ang damot." sabi ni Sanae. "Hihiramin ko lang sya!" sigaw nya, at hinila nya din ako tapos kinarga nya ako ng parang prinsesa.


"Oi." galit na sabi ni Jude.


"Mamayang gabi na kayo maglandian!" asar ni Sanae sa kanya, at tumakbo na sya.Kinagabihan..


Haist.. Ang daming nangyari, ginawa akong girlfriend pansamantala ni Sanae. Yung lalake, gustong-gusto sya.


Pagdating ko sa aking apartment ay andoon sina Ronaldo, at Nonaka pati si Jude.


"Ano ba 'yan buntis ka tapos naggagala ka." galit na sabi ni Nonaka.


"Wag ka na magalit." sabi ni Ronaldo sa kanya, at inakbayan nya si Nonaka.


Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Nagpasalamat sina Ronaldo, at Nonaka sa akin, kung hindi sa akin ay habang buhay na nila tinago ang nararamdaman nila sa isa't isa.


Pagkatapos namin kumain ay umalis na ang dalawa, si Jude na ang naghugas ng plato.


Nakahiga ako ngayon sa kama ko, inaantok sa pagod.


Naramdaman ko na tumabi si Jude sa akin.


"Napansin ko, hindi ko narinig sayo yung salitang Mahal kita." sabi ni Jude sa akin.


"Paghanga pa din tingin ko sa'yo kahit magiging ama ka ng dinadala kong bata." sabi ko.


"Alam ko naman." sabi ni Jude.


"Pero, ngayon mahal na kita." sabi ko. "Akala ko, hanggang tingin na lang ako sa'yo noong High School pa tayo. Hindi ko aakalain yung crush ko dati ay magkakagusto sa akin."


"Syempre, gusto ko yung kakaibang babaeng katulad mo." sabi nya, at iniharap nya ako sa kanya.


Niyakap ko sya ng mahigpit, matagal na din na may tumabi sa aking isang taong nagmamahal sa'yo.


Salamat, at nakilala kita dati..


"Jude."


-End

Styx-O Romance StoriesWhere stories live. Discover now