Iroka's Point of View
Dahil wala pa akong trabaho ay ako na lang ang gumagawa ng gawain ni Landlady tuwing umaga, at hapon. Ayoko yung nakahiga lang ako buong maghapon.
Habang nagwawalis ako ay sakto pagdating ni Klein na may dalang pagkain.
"Tapos ka na ba dyan?" tanong ni Klein sa akin.
"Oo." sagot ko.
"Excuse me." sabi sa akin ng lalake. "Andyan ba si Fueru." tanong nya sa akin.
Nagulat ako na hinila ako ni Klein palapit sa akin, at inakbayan nya ako.
"May pinuntahan." sabi ni Klein, at sabay na kami pumasok sa aking apartment.
"Bakit hindi na lang natin sabihin na andito si Fueru?" tanong ko kay Klein.
"Lalapit din si Fueru sa lalakeng 'yon. Palamigin natin ang kanyang dugo, saka natin palapitin kay Ritai." sabi ni Klein, at nilapag nya ang dala nyang plastic.
"Tama nga naman." sabi ko, at binuklat ko kung ano ang laman ng plastic.
Nakita ko na may manika sa may plastic, sinamaan ko sya ng tingin. Tapos, napangiti na lang sya. Ang lakas ng trip nya na malaman nya yung kahinaan ko.
"Itigil mo 'yan." galit na sabi ko sa kanya.
"Ehehehe.."
Dumating ang hapon.
Paglabas ko ng apartment ay andoon pa din yung Ritai. Inaantay pa din nya si Fueru, ang mga lalake talaga hindi sumusuko.
Nilapitan ko sya, at niyaya ko sya pumasok sa aking apartment para maikwento nya sa akin ang nangyari sa kanilang dalawa.
"Sabi ni Fueru may nilandi kang ibang babae." sabi ko.
"Wow, straight to the point." gulat ni Klein.
"Yung babae kasi, sya yung nasa Main Role sa gagawing Movie. Tapos, noong nagconfess sya sa akin. Sinabi ko na may Girlfriend ako. Ayon, namimilit." paliwanag nya.
"Akong bahala." sabi ko, at lumabas ako sa apartment para puntahan si Fueru sa bahay ng Landlady.
Alam ko doon din yung tambayan nya kapag wala syang pasok.
"Fueru." tawag ko sa kanya. "Andoon yung Boyfriend mo sa apartment." sabi ko.
Agad sya lumabas ng bahay ng Landlady para puntahan yung Boyfriend nya sa apartment. Pagpunta ko doon ay nakita ko na nagtitigan lang silang dalawa.
"Magbati na kayo." sabi ko sa kanila.
"Fueru, kapag nakita mo yung babaeng dumidikit sa kanya. Ilabas mo yung Gangster Aura mo para lumayo na sya sa mahal mo." sabi ko sa kanya.
"Hmmp.. Papatawarin kita. Kapag nakita ko ulit ang babaeng iyon ay paggising nya ay nasa ilalim na sya ng lupa." inis na sabi ni Fueru.
"Wah!" sigaw ni Ritai, at niyakap sya.
At doon natapos ang kanilang away.
"Haist.." buntong hininga ko.
Dumating ang gabi.
Habang nagbabasa ako ng libro ay nakita kong lumabas si Klein ng banyo. Tapos na ata sya maligo, pero kailangan nya pa talagang paglalabas ng banyo ay wala syang suot sa pang-itaas.
Normal naman sa mga lalake iyon, pero baka magkasakit sya.
"Tapos na ako maligo." sabi nya, at tumabi sya sa akin.
"May itatanong ako, hindi ko pa alam yung nakaraan mo." sabi ko.
"Ah, katulad mo din ako. Kaso, may nagtanggol sa akin kaya nagkaroon ako ng lakas makipaglaban sa mga nambubully. Dito ako nagelementary, dahil isa akong foreigner ay palagi akong nabubully." kwento nya, habang pinupunasan nya ang basa nyang buhok.
"Ano naman nagustuhan mo sa akin?" tanong ko.
"Bigla akong nainlove sayo noong una kitang nakita, hindi sa desperado magkaroon ng Girlfriend. Dahil kakaiba ka sa mga babaeng nagustuhan ko dati." sagot nya.
"Hmmm.."
"Osha, matutulog na ako." paalam nya.
Feeling sa kanyang bahay.