Iroka's Point of View
"Yuck, galing sa ampunan bahay!"
"Bakit pa sya dito nag-aaral?"
"Hindi ka nararapat dito!"
Agad ako nagising sa aking bangungot. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nakita ko na nagtatanggal si Fueru, at may kasama itong lalake.
Hindi ko napansin na umaga na.
Bumangon na ako sa aking higaan, at naghilamos na ng mukha. Nagluto ng almusal, at kumain na tapos nagbihis na ako ng damit.
Paglabas ko ng apartment ay nagulat ako na ang kasama na lalake ni Fueru ay yung sikat na artista na si Sento Renji. Ang nakakagulat ay hinalikan ni Rento si Fueru. A-anong relasyon nilang dalawa?
"Magandang umaga." bati sa akin ni Fueru.
Umiling ako, at umalis na.
Ako si Iroka Fujibayashi, 26 years old. Nagtatrabaho sa National Library. Ang totoo ay nakatira ako sa ampunan bahay, sabi ni Mother Rose ay pinulot lang nya ako sa harap ng ampunan bahay, at inalagaan.
Dahil sa ampunan bahay ako lumaki ay pinandirian ako ng mga kaklase ko noong elementary hanggang college.
Kaya, hindi ako nakaranas ng masayang bagay.
Habang naglalakad ako papuntang Bus Stop ay napatigil ako sa Klein Cafe."Haist.." buntong hininga ko, at kinuha ko ang aking ointment.
Maglalakad na sana ako na biglang may humawak sa aking kamay. Paglingon ay isang Foreigner na lalake ang humawak sa aking kamay.
"Magkagusto ka sa akin!" sigaw nya sa akin.
Agad ako napabitaw sa paghawak nya sa aking kamay, at tinignan ng masama.
"Sira ulo ka?" tanong ko sa kanya.
"Oo, sira ulo 'yan!" sigaw ng isang lalake, at inakbayan ito. "Pagpasensyahan mo na Miss, medyo desperado mainlove ang kaibigan ko." nakangiti nyang sabi.
Hindi ko na pinansin yung dalawang lalake, naglakad na ako papalayo. Bakit ba ako isinilang? Bakit ganon ang trato ng ibang tao sa akin?
Pagdating ko sa National Library ay nagsimula na ako magtrabaho.
Habang nilalagay ko ang mga libro sa bookshelves ay may lumapit sa akin na babae, at tinulungan nya ako sa pagaayos.
"Magsabi ka naman kung magaayos ka na." reklamo ni Finis.
Hindi ko kailangan ng tulong mo.
Hindi ako umimik, at nagpatuloy sa pagaayos ng mga libro.
"6 na taon na ako nagtatrabaho dito, hindi ko man lang naririnig yung boses mo, tapos hindi mo ako pinapansin." reklamo nya ulit.
Nawalan ako ng tiwala sa mga taong katulad mo, ang pinagkakatiwalaan ko ay si Mother Rose, at ang mga kasama ko sa ampunan bahay.
Ang babae na kasama ko magayos ng libro ay si Finis, kasabay ko sya nagtrabaho dito. Hanggang ngayon hindi pa din nya ako tinatantanan.
Kinagabihan.
Pagkatapos ng trabaho ay binigay na sa amin ng boss namin ang aming sweldo. Pagkatapos ko makuha ang aking sweldo ay agad na ako umuwi.
Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko si Fueru sa Klein Cafe. Naalala ko dito pala sya nagtatrabaho. Na makita nya ako ay kinawayan nya ako.
"Iroka, pakibigay kay Landlady ito ng isang kahon ng donut, tapos sayo yung isa. Sabihin mo sa kanya na mago-overtime ako." sabi nya sa akin.
Umiling ako sa kanya. Maglalakad na ulit sana ako na lumabas yung sira ulong lalake sa Cafe, at nakita nya ako.
"Nagkita ulit tayo." nakangiti nyang sabi sa akin.
"Eh, kilala mo Manager Klein?" tanong ni Fueru sa kanya.
"Sya na yung babaeng nakatadhana sa akin." sabi nya.
"Nasisiraan ka na ng bait, pabayaan mo itong Manager ko desperado lang talaga magkaroon ng Girlfriend." natatawang sabi ni Fueru, at tinulak nya papasok ng Klein Cafe.
So, sya pala ang may-ari ng Klein Cafe. May tililing din sa utak yung manager ni Fueru.
Pagbalik ko sa apartment ay binigay ko sa Landlady ang isang box ng donut, at ang bayad ko sa renta. Pagpasok ko sa loob ng aking apartment, ay agad ko binuksan ang kahon ng donut.
Kahit kailan ang bait ni Fueru, ewan ko kung paano nya ako natitiis na hindi ako nagsasalita sa bawat na nagkikita kami.
Pagkagat ko ng Strawberry Donut ay napangiti ako sa sarap.
"Kapag nakauwi ako sa ampunan bahay, padadalhan ko sina Mother Rose ng masarap na donut." sabi ko, at itinago ang kalahati ng sweldo ko.